Chapter 20

14.1K 501 21
                                    

(Not yet the last chapter....)
.
.
.
SUMAPIT ang araw na pinakahihintay ni Chase. Ang araw na mag-iisang dibdib sila ng nobya. Sa dami ng pinaghandaan at dapat ihanda ay natapus rin ito sa wakas. Kaya naman hindi niya natanggihan ang stag party na hinanda sa kanya ng mga kaibigan niya.

****flashbacks****

"Mga bro, siguraduhin niyo lang na walang babae sa surprise party niyo na 'to. Ayaw kung takbuhan ako ni Daisy sa araw ng kasal namin." Ani Chase habang naglalakad. Naka blind fold kasi ang mga mata niya habang naglalakad.

"No worries bro, walang mga babae. Ayaw ko rin patulugin ni AD sa labas ng kwarto." Rinig ni Chase na tinuran ng kapatid niya. Kaya nakahinga siya ng maluwag. Pero hindi talaga niya maintindihan kung anong trip ng mga kaibigan niya at meron pang pablind-blind fold ang mga itong nalalaman.

"Okay! Ready kana bro?" Si Jeb na bahagya pang tinapik si Chase. "Ready na yan. Atat na nga yan magpakasal e." Rinig niyang ani Elijah na kinailing niya. Dahil mga siraulo talaga ang mga ito.

"Bro, wag kang mag-alala easy game lang itong ipapagawa namin sayo. Kailangan mo lang hulaan ang pahuhulaan namin sayo." Saad sa kanya ng pinsan niya sa inang si Sefh. "Fine. Ano ba yan?" Sagot nito.

"Okay! Here we go." Si Simon na ginawa niyang binabae ang boses na kinatawa nilang lahat. "Ano ba kayo, nakakasad kayo sa atay." Muling ani Simon sa tunong binabae.

"Amputcha. Simon para kang voice ng mga anime characters." Ang natatawang ani TJ kay Simon. "Gusto mo magtransform akong si Majinboo o di kaya ay si Rukawa." Anito kay TJ.

"Sige bro, magtransform naman akong si Sakuragi at magdriball tayo." Muling ani TJ. "Tangina niyo, mamaya na kayo magslumdunk." Sita naman sa mga ito Tyrone.

"Okay! Bro, ano ang hayop na ito. Meron apat na paa?" Sabay lapit nila ng papel sa ulo ni Chase.

"DONKEY"

"Kabayo."

"Malapit na." Sagot ng mga ito.

"Baka, Kalabaw, Aso, Pusa, Elephante." Sunod-sunod nitong aniya pero sagot lang nila ay malapit na. "Clue. Kumakain ng damo." Saad pa nila kay Chase.

"Langya kayo oh! natural kumakain ng damo ang mga hayop." Anito. "Not true bro, meron mga hayop na kumain ng kanin tatlong beses isang araw." Seryosong ani Andrie. "What? Nagsasabi lang ako ng totoo." Dagdag pa nito.

"DONKEY." Biglang ani Chase. "Wew! Ang talino mo talaga bro, pwede kana maging daddy bukas." Saad ng mga ito sa kanyang kinailing niya. Ang akala ni Chase ay matatapus na sila after niyang mahulaan ang pinapahulaan nila sa kanya. Yun pala ay hindi. Kaya wala siyang magawa kundi ang pagbigyan ang mga ito.

***end of flashbacks***

"Ito na bro, calm down. Take a breath." Ani Simon kay Chase habang hinihintay nila ang pagdating ng bride. Napailing na lang siya. Dahil minsan hindi mo maintindihan ang sinasabi nito. Minsan kasi nagkakabaliktad kapag nagtatagalog ito.

"Hey! Bro, calm down. Darating iyon." Ani Yugene na bahagyang umakbay sa kanya. "I'm fine. Kanina pa kayo e. Sa inyo ako kinakabahan." Nakasimangot nitong aniya na siyang kinatawa ng magkakaibigan.

"Daddy." Bigla naman silang napatingin sa pinagmulan ng boses. Ng makita nila ang prinsesa ni Andrie ay agad silang napangiti dito. Super cute kasi nito. Alam na rin nila ang tungkol dito kaya lahat sila ay nasa likod lang ni Andrie once na kailangan nito ng tulong.

"Hey! Baby." Agad naman itong binuhat ni Andrie. "Hi! Princess, give me high five." Saad ng mga ito sa kanya. Natatawa naman itong tumalima sa mga ito.

HE TOOK MY HEART(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon