Chapter 10

17.2K 588 27
                                    

LUMIPAS ang mga araw mula ng malaman ni Chase ang totoo niyang pagkatao ay tila malaki na rin ang ipinagbago ng buhay niya. Mas lalong gumaan ang buhay niya, dumami ang mga kaibigan niya. At gaya ng ipinangako niya ay ginagawa niya ang lahat makabawi lang sa magulang niya. Kahit gaano siya kabusy sa trabaho ay binibigyan niya ng oras na makasama ang ama't ina.

Hindi rin siya nagkulang na iparamdam kay Daisy ang nararamdaman niya para sa dalaga. At ang nararamdaman niya dito ay hindi lang ito matatawag na paghanga kundi mas malalim pa doon.

"Chase, kailangan natin ng grocery." Ani Daisy sa binata na nakaupo ng lapitan niya ito. "Okay! Let's buy grocery then." Sagot nito sabay hila kay Daisy. Kaya napaupo ito sa kandungan niya.

"Maggrogrocery tayo o maglalandi ka naman?" Taas kilay nitong tanong sa binata na agad siyang hinalikan. "Maggrogrocery baby." Sagot nito matapus niya pakawalan ang labi ng dalaga.

Agad silang umalis at nagtungo sa V-Mall. Malapit lang naman kasi ito kaya doon naisip ni Chase na maggrocery sila.

"Mister, pwede mo ba akong hintayin muna dyan. I need a toilet." Anito.

"Okay!"

Kaya dali-dali itong pumunta ng ladies room. Hindi rin naman siya nagtagal doon ay muli niyang binalikan kung nasaan naghihintay sa kanya ang binata. Ng matanaw ni Daisy si Chase ay sakto namang nilapitan ito ng isang babae.

"Ikaw na namang malantod ka." Naisatinig nito. Kaya maingat siyang naglakad papalapit sa mga ito. Marami rin ang nakatingin kay Chase dahil narin siguro sa marami na ang nakakakilala ditong isa itong dugong Belmonte.

"Hi Chase, how are you?" Malanding tanong ng babae kay Chase. "I'm good." Walang buhay ditong sagot ni Chase.

"Are you okay?" Tila nag-aalala naman ito sa binata. Saktong hahawakan niya si Chase ay biglang tinapok ni Daisy ang kamay nito.

"Wag mo siyang mahawak-hawakan kung ayaw mong baliin ko yang kamay mo. Naintindihan mo. Ayaw ko siyang malingkisan ng ahas. Dahil kung makamandag ito ay matinik naman ako." Ani Daisy na nagpanganga sa mga taong nandoon. At sa inis ni Daisy sa babae ay bigla niya itinapon sa ere ang bolang tumilapon malapit sa paa niya na pinaglalaroan ng isang bata. Gamit lang ang paa niya ay bigla niya itong naitapon sa ere at tumama sa isang pader sabay balik nito sa kinatatayuan ni Daisy at agad niya itong sinalo na hindi man lang siya dito nakatingin.

"So, ngayon gusto mong ikaw ang itapon ko?" May pagbabantang tunong turan dito ni Daisy. Sa takot ng babae ay nanginginig itong kumaripas ng takbo.

"B-baby." Tila hindi alam ni Chase sa gulat ang sasabihin sa dalaga. "Siya ang lumapit sa akin." Paliwanag nito kay Daisy.

"Alam ko." Kagat labing ani Daisy. Doon lang niya napansin na marami pala ang nakakita ng ginawa niya. "Sorry." Saad pa nito.

"Your not mad with me?" Sa halip ay tanong dito ni Chase. Mabilis naman siyang umiling bilang sagot. "Paano mo nagawa yun?" Ang tinutukoy niya ay ang pinamalas niyang galing kani-kanina lang.

"Hindi ko alam. Nagawa ko lang yun dahil naiinis ako sa pagmumukha ng haliparot na yun. Panay lapit sayo e." Namumula nitong aniya. Kaya napangiti si Chase na niyakap si Daisy. "I'm all your, baby. I don't care of them. Kahit maghubad pa sila sa harapan ko. Lagi mo yan tatandaan. Hindi yan isang pangako pero isang salita mula sa akin. Dahil kapag sinabi ko ay ginagawa ko iyon." Saad nito kay Daisy habang yakap-yakap niya ito. Isang tango lang ang naging sagot dito ng dalaga bago ito inakay ni Chase para makapaggrocery na sila.

Matapus nila maggocery ay biglang nagulat ang dalawa dahil biglang bumungad sa kanila ang mga kaibigan ni Chase. Nakangisi ang mga itong nakatingin sa kanila.

HE TOOK MY HEART(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon