Chapter 15

16K 580 22
                                    

NANG matanggap ni Andrie ang hinatid ni Tony na CD sa kanya ay agad niya iyon ipinakalat. Dahil pagmamay ari niya ang isang addvertising company sa Pilipinas ay kaya naman madali lang kumalat ang blind items tungkol sa isang young celebrity na nakipagsex umano sa loob ng isang bar.

"What the hell." Si Jeb na nakikinood sa video na pinakita sa kanila ni Andrie. "Sino kumuha ng video?" Dagdag pa nito.

"Si Tony ang nagbigay niyan sa akin." Sagot naman dito ni Andrie. "Sinong Tony?" Kunot noo namang tanong ni Flake.

"Si Leif Jesthony. Yung bata ni Chase." Sabat naman ni Simon. "I see. Bakit naman nila napagtripan itong si Alice?" Ang naiiling na tanong naman ni Ace.

"Dahil pinagtatangkaan niyan kidnapin ang girlfriend ni boss Chase. Kaya inunahan namin. Gusto niyang malink ang pangalan niya kay boss para sumikat. Pero alam niyo namang si Miss Abraham lang ang gustong sambahin ni boss mula ulo hanggang tampakan." Biglang singit ni Tony sa usapan nila.

'Tangina." Halos panabay ng mga ito. "Sana ikaw na lang ang tumira." Biglang ani Blake na kinakamot ni Tony ng ulo.

"Langya, ayaw ko nga. Titira lang naman ako e doon na lang sa malinis." Saad nitong tinawanan nila.

"Sige, mambabae tayo bro. Gusto mo sumama?" Si Simon na kindatan pa si Tony. "Yeah! Sama ka sa amin bro." Sabat rin ni Andrie na kinailing ni Tony.

"Mga siraulo talaga kayo oh! Buti hindi nalulugi ang kumpanya mo, e halos isang beses mo lang kung puntahan." Ani Tony kay Andrie.

"Parang hindi ko alam na ganun ka rin naman. Ilang beses mo ba puntahan ang Bar mo ha?" Bwelta ni Andrie kay Tony na nailing.

"Tangina mo. Hintayin mo kapag nagpakasal na si Chase. Magtitino na ako." Saad pa ni Tony. Kaya nauwi silang lahat sa tawanan.

"Sige, magpainom ka na lang." Ani Jeb kay Tony. "Sure. Pero sagot niyo iinomin niyo." Sagot nito.

"Tangina. Akala ko libre na." Anang bagong dating na si JB. "Wala ng libre ngayon." Anito.

SAMANTALA halos mugto na ang mata ni Alice sa kakaiyak matapus niya mapanood sa TV ang blind items  tungkol sa isang young actress na nakipagsex di umano sa loob ng isang bar.

"Aaahhhhhh." Sigaw nito. "Kung malalaman ko lang may gawa ng video na yan ay humanda sa akin." Galit nitong aniya.

"Kailangan kung pagtakpan ang gulong pinasok ko. Tama. Tama yun ang dapat kung gawin." Anito na tila nakahanap ng kasagutan.

Maya't maya lang ay biglang tumunog ang message alert tone ng cellphone niya. Mabilis naman niya iyon binuksan.

"GUSTO MO BANG MAWALA NG ISANG IGLAP ANG KUMAKALAT NA VIDEO SCANDAL. I KNOW THE GIRL IS YOU."

Basa ni Alice sa text message sa kanya.

"Ano bang pinagsasabi mo? Wala akong alam dyan." Mabilis niyang reply dito. "Oh! Really. Gusto mong ipakita ko ang video copy na nakuha ko sa nagpakalat ng video scandal mo. Be thankful dahil hindi nila ipinakita ang mukha mo." Reply nito kay Alice.

"Fine. Anong gusto mo?" Tanong nito. "Ganyan. Be a good girl. Puntahan mo ang address na ibibigay ko sayo." Sabi nito kay Alice.

Matapus mabasa ni Alice ang address na dapat niyang puntahan ay mabilis siyang nagbihis. Ayaw niyang sayangin ang oras niya. Gusto niyang matigil agad ang pagkalat ng video bago pa makita ng mga ito mukha niya.

"Mga gago, anong ginagawa natin dito?" Takang tanong ni Chase. Bigla kasi siyang hinila ng mga ito ng wala sa oras. Iniwan lang nila si Daisy sa bahay nila Frank kung saan nandun ang asawa at mga girlfriend ng mga kaibigan niya.

HE TOOK MY HEART(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon