THM Chapter 14 😚

2K 76 48
                                    

The Heartless Man

-----

Rachel's POV

Maaga akong umalis sa bahay ni Frankrich. Umalis ako doon ng hindi nagpapaalam sa kanya. Nagsabi lang ako sa kambal na kailangan ko munang umalis para kunin ang mga gamit ko. Nahihiya na akong magpakita pa sa kanya after ng mga nangyari sa amin.

Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit ko nang tumunog ang cellphone ko.

Unknown number ang tumatawag kaya't hindi ko pinansin. Hindi ko ugaling sumagot ng unregistered number sa call log ko nuh!!.

Naligo muna ako at naghanda na papasok sa trabaho nang mapansin kong hindi parin tumitigil sa pagtunog ang cellphone ko. Nakss!! Tibay ng caller ko ahh..

Kinancel ko lang ang tawag at ipinasok na sa bag ang mga damit ko.

Ilalagay ko na din sana ang cellphone ko sa bag ng may nag- text. Iyong tumatawag kanina nagtext ngayon.

"YOU SHOULD ANSWER YOUR PHONE OR ELSE I'LL DESTROY IT.  F*CK!!" Basa ko sa text. Sh**t, Text palang alam ko na kung sino ang unknown number na to. Walang iba kundi si Frankrich. Pati sa text kayang-kaya niyang iparamdam sayo na galit siya. Bakit ba nawala sa isipan ko na pwede niya akong tawagan?


Magrereply na sana ako nang tumunog na naman ang cellphone ko. Agad ko na itong sinagot. Mahirap na.. Wala akong pambili ng bagong cellphone.



"WHERE THE F*CKIN6 PLACE ARE YOU? Pambungad na tanong niya sa akin. Ni hindi man lang nag-hello ang loko.



"Dito sa lugar na nirerentahan ko, nag-aa....." Sagot ko nang pinutol niya ang sasabihin ko.


"GIVE ME YOUR EXACT LOCATION.  THERE'S A LOT OF PLACE FOR RENT HERE IN MANILA, I DON'T HAVE TIME TO CHECK IT ONE BY ONE." Maangas na wika niya sa kabilang linya. Paki-remind nga ako na habaan pa ang pasensya ko. Nakakahigh blood din siya e.


"Dito sa South Square QC. Malapit sa kompanya mo. Pangatlong kanto." Sagot ko bago ko pinatay ang tawag. Nakakainis din ang pagka-bossy niya ea. Gulong-gulo na ang utak ko sa pagka-moody niya. Maglalambing tapos susungitan ka din. Hayyy!!!. 

------
Frankrich's POV


What the f*ck. Pinatayan ako ng tawag ng babaeng iyon, ni hindi pa nga clear sa akin kung nasaan siya. Nakakapanggigil din ang katigasan ng ulo niya. Just so you know, I am just concern sa maaring mangyaring masama sa kanya. Naalala ko na naman ang confession ni Dominic at ang banta sa buhay ng mag-iina ko kaya't gayon na lang ang pag-iingat ko sa kanila ngayon.

"Walang kasalanan si Rachel dahil plinano lahat yun ng Tito niya. Yung pagkawala ng ilang milyon mo sa bangko, yung pagtalikod sayo ni Rachel sa kasal niyo, yung pagpapalabas na si Rachel ang nagnakaw ng lahat ng nawawala mong ari-arian. Lahat iyon plano ng Tito niya. That time na nakita mo kaming magkayakap ni Rachel after the runaway scene of her, nakita ng dalawang mata ko na sinasakal siya noon ng Tito niya. I was there to comfort her."

"Pati iyong paglayo niya sayo ginawa niya iyon para maprotektahan ka, pinili niyang mamuhay ng simple lang para sa kaligtasan mo. Isinakripisyo niya ang kayamanan niya para sayo. Ganon ka kamahal ni Rachel, Pare.  Nakaya niyang talikuran ang buhay na nakasanayan niya para mabuhay ka lang." Pahayag ni Dominic sa akin. His too eager to explain everything about our story. Napakarami niyang isiniwalat na nagpagulo sa utak,  puso at buhay ko. 


The Cold Hearted Wife // The Heartless Man. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon