Chapter 8

2.1K 68 19
                                    

Dahil sa sakit ng katawan at hilong nararamdaman ni Rachel tinawagan niya ang kanyang kaibigang si Trish para maalagaan siya nito. Ayaw niya kasi ang ginagawa ng kanyang asawa na pag-aaruga sa kanya. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman ngayon dahil sa mga pakulo ng lalaki.

"Hello Sissy pumunta ka dito sa bahay maysakit ako. Huhuhu" pag-iinarte ni Rachel para maawa sa kanya ang kanyang kaibigan.

"What? Anong nangyari sayo?" Sagot naman ng nag-aalalang kaibigan.

"Nabali ata iyong buto ko. Huhu.Nurse ka right? So I need you here." patuloy parin ang kanyang pag-arte.

"Im sorry Rach. I don't want to go to Manila pa kase e . Andyan naman si Rich para mag-alaga sayo. Hindi pa ako uuwi jan hanggat hindi ko siya nahahanap." Trish is on vacation. Nasa bataan siya ngayon. Enjoying the place while searching for her prince charming love.

" Whether you like it or not . You will need to go here or else papauwiin kita sa Italia." Pananakot ni Rachel dahil naiinis na rin siya sa katigasan ng ulo ng kaibigan. Kung siya ay matigas na ang ulo mas grabe naman ang kaibigan niyang taga-Italy na si Trish. Lumayas lang naman kasi ito sa Italia para hanapin sa bataan ang lalaking minamahal daw niya.


"Kaibigan ba talaga kita Agatha Racheline? How could you do this pinagbabantaan mo na ako ngayon ha!" Litanya ng kanyang Kaibigan.


"Hoy babae ang tagal mo na dyan sa bataan? For what? Para hanapin ang lalaking hindi naman magpapakita sayo. Wake up B*tch. Nakalimutan ka na non." Sagot naman ni Rachel. Gusto niya ding iparating sa Kaibigan na kailangan niya ng sumuko dahil Ang pag-ibig hindi hinahanap kundi hinihintay.


"Uuwi ka ba dito sa Manila or papupuntahin ko na ang Daddy mo dyan sa Bataan?" Muling tanong ni Rachel.

"You can't never do that" sambit ng dalaga. Alam kasi nito na kahit nagsisigawan o nag-aaway man sila ng kaibigan hindi parin nila ipapahamak ang isat-isa. Bagamat hindi naman siya tlaga mapapahamak kailangan niya paring magstay sa lugar na iyon para makita ang lalaking minsang niyang minahal sa Italy ngunit dahil malupit sa kanila ang tadhana naghiwalay sila nito. Umuwi ang lalaki sa Pilipinas at nabalitaan niya na taga bataan nga ito kayat andito siya ngayon.

"Try me My Dear B*tch. Alam mo kung ano ang kaya kung gawin." mataray na pahayag ni Rachel. Muli na naman niyang pinairal ang pagkamaldita niya para makuha ang gusto niya.



"Ang selfish mo B*tch. Sasabunutan talaga kita pagdating ko dyan." tugon ni Trish sa kaibigan.


"Okey bye see you after 3 hours. Ingat" waging sambit ni Rachel dahil panalo na naman siya pagdating sa kamalditahan. Hindi niya na hinayaan pang makasagot ang kaibigan kayat agad niya ng pinatay ang cellphone.

---

Pagkatapos nang pakikipagmalditahan niya sa kanyang kaibigan. Kahit pa masakit ang kanyang balakang at ulo dahil sa hangover pinilit niya paring magtungo sa kusina upang maghanap ng makakain. Nagugutom na kasi siya,ayaw niya namang kainin yung dala ni Rich kanina dahil naalala niya lang ang kagaguhang ginawa ng lalaki sa labi niya.

"Bwiset talaga yung lalaking yun" usal ni Rachel dahil naalala na naman niya ang nangyaring paglipat ni Rich ng tenderloine sa kanyang bibig.

Nakarating siya sa kusina at napansin ang pagkaing nakahanda doon. Breakfast meal din ito na may kasama pang sticky note na nakadikit sa tasa ng kape. It was Rich handwriting. Ganito ang gawain ng lalaki kapag maaga siyang pumapasok sa trabaho or may pupuntahan magsusulat siya sa sticky note para magpaalam sa kanyang asawa.

Binasa ni Rachel ang nakasulat doon.
"Good morning Mahal na Reyna . Alam kung kulang sayo kanina yung kinain mong tenderloine kayat ipinaghanda kita ulit. Enjoy your meal. Wag kang mag-alala matitikman mo ulit yung labi ko. Ang soft parin ng sayo. Kilig much.
P.S nextime hndi lang labi ko ang matitikman mo. Bawal galit smile Lang. Busog na busog na si Doggy kayat kainin mo yan .Jogging Lang me .

-Love,
RICH

Namula ang babae sa kanyang nabasa. Buti nalang wala dito ang lalaki kung hindi baka tinapon niya na ang kape sa mukha nito. Nagagalit siya ngunit may konting sayang gumuguhit sa kanyang puso ngayon.

"Frankrich bat mo ba ako ginaganito?" Tanong niya sa kanyang isipan. Hindi niya maipagkakailang nasisiyahan siya sa mga pinapakita ngayon ni Rich sa kanya ngunit patuloy niya itong tinatago dahil ayaw niyang masaktan ulit.

Dahil sa gutom kinain nalang ng babae ang nakahandang almusal at Hindi na inintindi ang mga nakalagay na kasweetan doon.

--
Samantala habang nagjojogging si Frankrich tumunog ang kanyang telepono na agad niya namang sinagot.

"Hoy Frankrich!!!" Sigaw ng babae sa kabilang linya. Agad namang inilayo ng lalaki ang kanyang cellphone sa kanyang tenga dahil sa lakas ng boses nito.

"Ouch. Problema mo?" Tanong niya sa babae.

" Say to your selfish wife na babaliin ko ang buto niya pagdating ko dyan. Bwiset siya." Nanggigigil na pahayag ng babae.

" Relax Trish. What happened ba ha?" Naiirita na din siyang kausap ang babae. Ang lakas ng boses nito . Trish was her friend pero hindi alam ito ni Rachel. Magkasosyo ang mga negosyo nila sa Italia.

"Isusumbong niya daw ako kay Daddy kapag hindi ako umuwi dyan sa Manila." sambit ni Trish.

"E di umuwi kana dito. Hindi naman kasi tama yang ginagawa mo." tugon ng lalaki sa kanya.

"MAG-asawa nga kayo . Tsk. Im fighting for my love lang naman katulad nang ginagawa mo kay Rachel." Bulalas ng babae.

"Okey Fine. What do you want?" Tanong nalang ni Rich para matapos na ang pagtawag ng babae kahit papano kasi mahalaga din sa kanya si Trish. Parang kapatid na ang turing niya dito.

"I want a revenge to your wife. And I need you to be with me. B*tch to bit*h fight" Pahayag ng babae.

"Make sure lang na walang masasaktan dyan sa plinaplano mo. Ano bang gagawin mo ha?" tanobg ni Rich. Sanay na siya sa dalawang magkaibigan na ito . Nagbabangayan man nagbabati din naman.

"We will make her JEALOUS" -sambit ni Trish.

---
Huhu 😭 Nagpuntang bataan sila Mama Dawn hindi ko man lang nasilayan ang beauty niya. Malapit na ang Camaya dito samin e. SAYANG, Ininvite pa ko ng friend ko na magpuntang Camaya without knowing na nandon pala sila. kainis kasi ang 170 pages na paper works. - sareeh EMO ako ngayon.😭😭

Vote and comments are much appreciated 😘
- CamzLoveJo

The Cold Hearted Wife // The Heartless Man. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon