THM Chapter 12 💗

2.1K 90 32
                                    

The Heartless Man...

Rachel's POV

Hindi maitatago ang sayang nararamdaman ko dahil kapiling ko na ang mga anak ko. Masaya ako dahil nakita ko silang ligtas at nasa maayos na kalagayan.

"Nanay uuwi na ba tayo sa bahay natin?" Tanong ng anak kong si Chad. Habang kami'y nasa hapag kainan. Pinagsasaluhan ang niluto nila Alice at Allyna. First time to bes. Perstym naming magsalu-salo nila Frankrich sa hapunan.  Nagpresinta kasing magluto si Alice at Allyna kaya't dito na daw kami mag-dinner. Akala mo'y sarili nilang bahay kong makapagpresinta e.

"Aaah ehh....." Sa totoo lang hindi ko alam ang isasagot ko. Ano nga bang mangyayari gayong kapiling ko na ang mga anak ko? Hindi ko naman sila pwedeng kunin kay Frankrich dahil tiyak na mag-aalburuto na naman ito sa galit.

"You're already here in our house little man." Sagot ni Frankrich kay Chad. Sabay sulyap sa akin.

"Ssshhh!!!  Wag ikaw sasagot,  Hindi ikaw kausap ko po." tugon ni Chad na nilapat pa talaga ang hintuturo sa bibig nito. Mukhang hindi parin komportable ang bata sa kanyang ama. 

"Nak, kasi dito na kayo titira. Diba nag-usap na tayo kanina." Wika ko kay Chad.  Pinapaalala ang pinag-usapan namin na bibigyan nila ng chance si Frankrich bilang kanilang ama. 
At kasama doon ang paninirahan nila dito. Hindi ko na inaasahang makakasama pa nila ako dito. Sapat na ang binigay na oras sa akin ni Frankrich.

"Nanay pano po ikaw?  San ka po titira?  Bakit po tayo hiwalay ng bahay?  Diba siya Tatay namin at ikaw Nanay namin dapat sama-sama tayo dito. " sabat naman ni Charm. Tuloy-tuloy pa ang tanong sa amin.  Tila mahirap pa para sa kanila na maunawaan ang sitwasyon namin ni Frankrich. 

"Dito din siya titira.  You must pack you things tomorrow, We will help you para makalipat kana dito." Seryosong pahayag ni Frankrich na nakapagpagulat sa akin.  It means.....  It means makakasama ko na siya este ang mga anak ko sa iisang bubong. 

"Nakss naman...  Excited lang Richiieee nagmamadali na makasama ang reyna niya. " sasagot sana ako ng sumabat si Trish na nag-eenjoy na asarin si Frankrich.

"Tsk!!  Stop.!! The three of you,  after you eat you must get out of my house. Mauubos ang stocks namin sa katakawan niyo" Pikong wika ni Frankrich kila Trish bago umalis sa kinauupuan. 

"Walk out ka na naman Beast. Ang sabihin mo, pinapaalis mo kami dahil itutuloy niyo ni Rachel yung naudlot kanina... Yieee bitin na bitin si Gomez oh!!" Wika naman ni Allyna.  Pinaalala na naman ang nangyari kanina.  Sh*ts that scene was the most embarrassing moment in my life. 

"May mga bata Ally.  Bunganga niyo din talaga e walang preno." Singit naman ni Dominic na tinakpan ang bibig ni Ally. Napapansin ko ang closeness ng dalawang to. I smell something fishy este something pumapag-ibig here. 

"Napakapikonin ng Tatay niyo.  Wag niyong gagayahin ah." Pangaral kuno ni Trish sa mga bata. 

-------
After nga kumain nong tatlo ay agad din silang umalis. Sasama na din sana ako ngunit ginamitan ako ng kambal ng kacute-tan please nila na dito na daw ako matulog. Pinahintulutan pa ni Frnkrich kaya't hindi na ako umangal, dahil ito naman talaga ang gusto ko.

"Sa guest room nalang kayo matulog.  Enough na yung bed doon para sa inyong tatlo." Muntik ko ng mahulog ang hinuhugasan kong plato ng may magsalita sa likod ko.  Napakagugulatin ko ata ngayong araw. 

"Take care Rachel, antique yang mga platong yan." Wika nong tao sa likod ko. Si Frankrich. Shemss... Nakakatense pala kapag alam mong malapit sayo ang taong mahal mo pero hindi kayo okay. I mean yung mahal mo pero wala kayong relasyon. Ganerrrrnnnn. Nakakailang din besss.

"Sorry!" Hinging paumanhin ko dahil sa muntik ng pagkabasag ng antique niya. 

"Tsk!!  Sorry again.!" Umiiling na sambit niya.  Kagulo din ng lalaking to e. 

"Eh anong gusto mong gawin ko?" Tanong ko. Nakakairita din e. Hindi naman nabasag ang antique niya, nagsorry naman ako, nag-iinarte parin.

"KISS MY LIPS AND HUG ME!!" Maawtoridad na utos niya.  Sh*t Bess mukhang itutuloy nga namin yung naudlot.

"Aaaa.. Ano?? " nauutal na tanong ko.  Nabibingi na ata ako.

 

"I'll give you a choice. You will kiss me or I will kiss you. You choose" Tugon niya ulit. 
Teka!!  Teka!!.
Pareho lang iyon diba? Magkikiss at magkikiss parin kami.  Shemmmsss ano ang pipiliin ko. Do I have a choice to refuse his kisses.

Bago pa ako makasagot ay agad niya ng hinalikan ang labi ko. He gave me a sweet,  gently and passionate kiss. Wala na yung halik na mapangahas at mapagparusa. Napalitan na ng halik nang nagmamahal. I hope,  sana nga pagmamahal na ito.

"That is your punishment for almost being a careless." He said before he walked away. 

Nakakapanghina ng tuhod yung halik niya. I feel like I'm in heaven mga besss.  Pakisampal nga ako. Dalawang beses kong natikman yung labi niya e.

Nasaniban ata ng good spirit yung lalaking mahal ko. Napaka-ano e.. Napaka-sweet besss. Kung nasaniban man siya nawa'y tuloy tuloy na. 

------

"Nanay mayaman na po ba tayo ngayon?" Nagising ang diwa ko mula sa pag-iisip ng halikan namin kanina, nang magtanong si Charm. 

"Hindi noh, Si Mang Su--- Mang Richiiee pala, lang ang mayaman. Mas gusto ko sa bahay natin" Sagot ni Chad sa tanong ng kapatid.  Ginaya niya ang Richiie na tawag ni Trish Kay Frankrich, dahil nahihirapan pa tong bigkasin ang pangalang Frankrich. At hindi parin daw ito ang panahon para tawaging Tatay si Rich.

Nandito kaming tatlo ngayon sa guest room. Handa nang matulog ng may kumatok sa pinto.  Tatlong katok bago niya ito binuksan.

"May i come in?" Tanong ni Frankrich. Ito na naman po si heart, lumalakas na naman ang tibok.

"Tatay,  halika po dito ka sa tabi ko. " wika naman ni Charm. Madali lang nakagaanan ng loob ni Frankrich si Charm kaya't agad niyang natanggap ang lalaki bilang ama. 

"Okay Princess!.  I came here to say goodnight." Wika niya na sa akin naman nakatingin.  Nakaupo na siya ngayon sa kama sa tabi ni Charm. Habang ako nama'y nasa tabi ni Charm at nasa tabi ko si Chad.

Frankrich//Charm//Rachel//Chad

"Goodnight Princess!" Wika niya sa anak naming Babae. At ginawaran ng halik sa noo.  

"Goodnight Tatay,  I love you.!" Tugon naman ni Charm.  Kita ko ang kasiyahan ng bata na makapiling ang kanyang ama.

"Goodnight Little Man". Baling naman niya kay Chad na nakairap sa kanya. Sasagot na naman sana ng pabalang ang bata ng binalaan ko ito sa pammagitan ng tingin.

"Goodnight po.  Sorry po." Sambit ni Chad sa ama.  Na ikinangiti naman ng huli. Lumapit ito para yakapin ang bata.

"Goodnight My Queen" bulong ni Frankrich.  Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nong marinig ang bulong niya sa tenga ko. 

Wait Bess..  My Queen daw. Ako ba yun?? Ako ba??

Pakipulot nga yung puso ko, nahulog ata. NA-FALL AGAIN SA KANYA.

------

Charrrrr...  Sorry late update.  😄
Ilang araw na walang kuryente at tubig samin.  😔

Free to ask questions..  😊😄
Last week NASA rank tayo ng FanFiction..  Yiieee...  😊

70 votes for next update..  Charrr!!!  Comment ka din. 

--camzlovejo. 

The Cold Hearted Wife // The Heartless Man. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon