[End of Flashback]

         

          Bigla kaming napabitaw sa isa't-isa ni yabang nang biglang magsalita si Kris saka namin sila nakita na nakabalik na pala at mukhang kanina pa nanunuod sa pag-aasaran namin ni Kaizer base na din sa dami ng nabawas na marshmallow pan/bread na hawak ni MM.

          At heto ako ngayon, nakatayo sa may train station, naghihintay sa paghinto ng train na sasakyan ko papuntang Eigaku University.

          Dapat talaga magkakasabay kami nila Patty at MM since sila Kaizer at Kris na myembro ng basketball team ay nauna ng pumunta sa school saka ng shuttle bus na sponsor pa din ng school.

          Bakit kaya ganoon ano? Yung mga players lang ang may libreng sakay? Dapat yung mga manunuod din meron! Kasi kung wala kaming mga audience, walang manunuod sa laro nila.

          So iyon na nga! Dahil sa late tumunog yung alarm clock ko, naiwan ako nila Patty at MM.

          Ang kwento sa akin ni Mama, pumunta daw sa bahay namin yung dalawa. Ilang beses din daw nila akong ginising, kasama si Mama, pero hindi daw ako nagising.

          At dahil sa field reporter si Patty ngayon, hindi sya pwedeng mahuli sa game kaya ayun! Nagpaalam sya kay Mama na sabihin na lang daw sa akin na mauuna na sya.

          Si MM balak akong hintayin. Kaya lang nahila na sya ni Patty kaya heto! Ako na lang mag-isa ngayon.

          "Kasalan 'to ng alarm clock!" sisi ko doon sa relo sa kwarto ko.

          Napatayo na ako mula sa bench na inuupuan ko nang makita ko na yung paparating na train.

          "Sa wakas!"                                      

          Tagal ng mga train sa lugar na ito! Kung kailan ka nagmamadaling umalis saka sila nagmamabagal kumilos! Tsk!

          "Uniform ng Eastton 'yan di ba?"

          Napalingon ako sa paligid nang makarinig ko ang boses na iyon.

          Hinanap ng mata ko yung mga posibleng nagbubulungan na naman sa paligid ko.

          Ano ba naman! Pati ba naman pagsakay ko sa train pinagbubulungan pa rin ako?! Hindi na natapos 'to?! Akala ko ba sa Eastton lang ako pinag-uusapan?!

          Pero dahil sa dami ng mga kasama kong nag-aabang sa train at wala akong ideya kung kaninong boses ng lalaki ba ang boses na iyon sa dami ng lalaking kasama ko dito, hinayaan ko na lang.

          "Tsk! Oo sa Eastton nga yan! School ng mayayabang!"

          Marahas ulit akong napalingon.

          Ang kapal ng mukha nung nagsabi noon ah! School daw ng mayayabang?! Wag nilang lahatin! Hindi ako kasama doon sa mga mayayabang sa school! Pati sila Patty at MM!

          Pero dahil nasa harap ko na ang train at nakabukas na yung pinto, hindi ko na hinanap pa yung nagmamay-ari sa boses na iyon saka pumasok sa loob.

          "Grabe naman yung mga iyon!" mahinang bulong ko. "Sila Kaizer at Kris and the rest of Eastton lang naman yung mayayabang eh!"

          30 minutes yung byahe ng train bago makarating sa Eigaku. O.A di ba? Nakatrain na ako nyan huh! Pero ganoon talaga. Ganoon kalayo ang Eigaku sa school.

My Tag Boyfriend (Season 1)Where stories live. Discover now