Blah.

Lunch Time.

(A/N: Bilis ba? Wala kasi ako sa mood nung tinatype ko to eh >.<)

“Bes, bakit parang malungkot ka?”

“Wala lang.”

“Dahil ba kay Daniel? Diba mamaya na yung pagpunta ng parents nya sa inyo.”

Oo sinabi ko na sa kanya na mamaya na yung meeting ng parents naming ni DJ.

“Hindi dahil sa kanya noh. Nuh ka ba.”

“Oh baka naman kasi lagi syang may kasamang ibang babae?”

“Hindi. Manahimik ka na lang.” Tumayo na ako. “Tapos na ako kumain.”

“Saan ka naman pupunta at konti lang ang kinain mo ngayon. Payat ka na nga baka pumayat ka pa lalo.”

“Kahit saan ako pumunta. Basta mapag-isa lang ako.”

Ewan ko talaga. Wala ako sa mood. Si Dj nandoon sa ibang table kasama ang mga Girls. Di naman ako nagagalit doon. Basta wala lang ako sa mood >.< di ko alam sa sarili ko.

Pumunta na lang ako sa Court. Tama nga ang sinabi ko sa sarili ko favorite ko tong place na to.

Haay. Medyo konti lang ang tao dito kasi Lunch time. Nandoon lahat sa kumakain.

Daniel’s POV

Tama na ang kakaintindi ko sa mga Girls. Pupuntahan ko muna si Kath, para mapagusapan naming yung mamaya naming gagawin. Nandito na ako sa table ni Julia at Diego. Pero wala si Kath.

“Diegs, Julz si Kath?”

“Ewan. Nag-walk out. Ang konti nga lang nang kinain nun eh! Di nya rin sinabi kung saan sya pupunta. Sabi nya kahit saan daw. Ang lungkot nga nang itsura nya eh! Di na maipinta. Ikaw kasi puro ibang girls ang kasama mo. Samantalang ang Girlfriend mo nag-iisa.”

“Ah ganun ba? Sige hahanapin ko sya.”

Ang sama kong boyfriend >.< Alam ko na kung nasaan sya. Tch. Sa favorite nyang place nya dito sa school.

SA COURT >.<

Sabi ko na nga ba eh. Nakita ko sya. Oo nga ang lungkot nya. Naguilty naman ako nung nakita ko ang lungkot nya.

Tumayo na sya. Tumakbo ako para mapigilan ko syang umalis.

“Kath.”

Hindi nya tinaas yung ulo nya pero may sinabi sya.

“Wala ako sa mood.”

Kilala nya ako kahit nakayuko sya.

“Sorry kath.”

“Sabi nang wala ako sa mood eh!”

Medyo tumaas yung tono nang boses nya. Pumalag sya sa hawak ko. Nakawala sya. Kaya umalis na sya. Hahayaan ko muna sya. Nasaktan ko sya eh!

Ang sama ko talaga. Tsk. Tsk.

FAST FORWARD >>>>>>>>>>>>>>>

Nandito ako sa bahay. Nag-aayos dahil pupunta na kami kela Kath. Haay. Sana hindi na galit sa akin si Kath.

Maya-maya tinawag na ako nila mama. Sumakay na kami sa kotse.

Kath’s POV

Wushu. Grabeee. Ayoko naa. Nakakakaba talaga. >.<

Nakabihis na ako. Bumaba na ako. Simple lang naman yung damit ko.

Nandoon na si mama. Nag-aayos sa mesa.

Dingdong. Dingdong.

“Ma, ako na. Busy ka pa eh.”

“O sige.”

Hinga nang malalim Kath. Kaya mo yan.

Binuksan ko na yung Gate. 

Ang gwapo ni Daniel.

Waaaaa. Nasabi ko ba yun? Di pwede. ERASEEEEEEEEE. >.<

“Good Morning po. Pasok po kayo.”

“Good Morning din. Salamat.”

Pumasok na sila.

“Mama, nandito na sila.”

Nakita na ni mama yung parents ni DJ.

Bakit  parang gulat si mama nung nakita nya ang Parents ni Daneil?

(Mommy ni Kath yung nasa Multimedia)

That Famous GUY?!Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang