Chapter 8

3.2K 42 7
                                    

Ginanahan ako mag-update ngayon!! Wahahaha. 

Chapter 8

"Kaaaaath!"

Aaaah. Sino ba yan? Dumilat ako at tumingin ako sa clock na nasa side table ko lang. Huwaaat? Ginigising ako ni mama eh 7:30 pa lang. Humaygulayyyy. Wala namang pasok ngayon eh!

Bumukas yung pinto.

"Nak, may bisita ka"

"Po? Eh ang aga-aga pa ah?"

"Ewan ko nga dyan sa bisita mo. Ang aga bumisita sa maganda kong anak."

"Tch. Si mama nambobola pa ang aga-aga, nambobola ka na dyan. Eh sino po ba yan?"

"Bumaba ka na lang para malaman mo." Sinara na ni mama yung pinto.

"Kainis ang aga namaaan."

Tumayo na ako na parang zombie at pumasok ng CR. Tsk! Ang aga mang-istorbo. Rest day ko ngayon e. >.<

"Oh Kuya Quen? Aga ha?"

Bungad ko agad sa kanya. Pagkababa ko kasi, nakita ko syang nakaupo sa sofa.

"Flowers for you. Tara ituloy na natin."

"Huh? Alin ang iatutuloy?"

"Diba nga hindi natin natuloy yung sa mall dahil sa kasama mo."

Nagpalit muna ako ng damit at nagpaalam na kay mama.

"Bye ma."

"Ingat ha?"

"Aye aye, captain."

Kiniss ko sya sa pisngi. At sumakay na sa kotse.

Daniel's POV

Papunta na ako ngayon kay Kath. Yayayain ko sana sya sa Mall. Tsk! Kinakabahan ako. Putcha! Nagmumukha na akong bakla dito oh! Hoy! Kayong mga readers! Sabihin nyo nga, mukha ba kong bakla dito? Tss.

Malapit na ako sa bahay nila Kath. Sa di kalayuan sa bahay nila nakita kong may kotseng naka-park sa tapat ng bahay nila. Nag-stop ako para malaman ko kung kaninong kotse yun. May lumabas galing sa bahay.

Putcha! Yan na namang lalaking yan? Nakakapuno ng dugo!

That Famous GUY?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon