"Korin? Gising ka na?"

"Pres. Azula?" Hindi makapaniwalang  bulalas niya.

Tumayo at lumapit sa intercom, kagigising lang tapos walang doktor na titingin. Tss... "This is Azula Stratford from ICU, gising na kap--kasama ko." Bumalik ako ng upo at lakas loob na hinawakan ang kamay niya. If she will hate me after what I'm going to tell her. Then so be it.

"Sorry..." I sighed. "I should've not done that. Kung hindi ko ginatungan ang sakit na nararamdaman mo, hindi ka tatakbo. Hindi ka mararatay ngayon dito."

"Pres?"

"When I was ten years old. Palagi kong hinihintay si Papa na umuwi para buksan ang regalo ko sa kanya sa Kapaskuhan. Pero hanggang nakapag debut na lang ako, hindi ko na nakita pa ang Papa ko. Tinanong ko si Mama, kung bakit hindi na bumalik pa ang Tatay ko, at kailan lang niya sinagot ang tanong kong iyon. Ang sabi ni Mama, may ibang pamilya ang Papa ko. At kayo iyon. Kaya ganon nalang ang galit ko sa iyo. Kaya kita sinampal at pinagsalitaan ng masama. Huli ko nalang nalaman, na kayo pala talaga ang orihinal na pamilya niya. Na kami lang ang sampid. Na may nangyari lang na di inaasahan kina Mama at Papa, habang kasal pa siya sa Mommy mo."

Naramdaman kong nanigas siya. "Magkapatid tayo sa Ama?" usal niya.

"Oo, noong una hindi ko maintindihan kung bakit hindi man lang nagawa ni Mamang magalit kay Papa, kahit na iniwan siya nito. Simple lang ang sinagot niya, sabi niya sa akin. Kung talagang sila daw, sa huli sila talaga. Bago namatay ang Mommy mo, humingi siya ng tawad sa Mama ko, sabi ni Mama mismo. You're Mom is a kind woman. Masyado akong nagpadala sa galit ko..."

"Naiintindihan kita Pres. Okay lang iyon." ngumiti siya bigla at kinamot ang ilong. Hindi ko mapigilang mapaisip kung talagang napakabait lang niya talaga, o nagkukunwari lang siyang tanggap niya. "Pero di okay yung nakaharang sa mata ko. Ang dilim eh."

"Ms. Lenxeya, how do you feel? Anong masakit sa iyo? Anong pakiramdam mo? Wala bang kakaiba? How about memories? Wala ka bang nalimutan?" Bahagya akong lumayo sa kanila.

"Iyong ulo ko po ang masakit."

"Normal lang yan at may head injury ka. Anyway, gusto mo bang alisin ang benda sa mata mo?"

"Yes. Doc. Hindi ako sanay eh. Ang dilim." lumapit sila sa kanya at sinimulan nilang tanggalin ang humaharang sa kanyang mata.

"You can open your eyes now, Ms. Lenxeya." I saw how her blue green eyes, blinked many times.

When she said something na ikinagitla ko. "Pres. Bakit andilim padin? Pinatay niyo ang mga ilaw? Pati yata bintana sinara niyo."

Those assholes.
Those fcvking bastards!
Hindi lang nila sinaktan si Korin! Ninakawan pa nila ng paningin?!

"Pres. Madilim! Bakit ayaw niy---"

"Bukas ang ilaw at bintana, Ms. Lenxeya. In fact, napakaliwanag ng silid mo dahil sa maaga pa at bukas ang mga bintana." Kinagat ko ang labi at nag-iwas ng tingin. Ang mga hayup na iyon!

"No...Doc."

"Im sorry to say but...I think, you're already blind Ms. Lenxeya. Dahil nakakuha kami ng ilang bubog na pumasok sa loob ng mga mata mo."

"Gusto ko na pong magpahinga." Halos maiyak ako ng mawala ang sigla sa boses niya.

"Okay Ms. Lenxeya, but still pagaaralan po namin kung may chance pa ba na makakita kay---"

"Wag na Doc.''

"Feit..." Wala akong magawa kundi tawagin siya. I feel so guilty. Because partly, may kasalanan din ako. Ngayon hindi ko alam kung paano ko siya lalapitan at hahawakan. Kung isa ako sa dahilan kung bakit siya nasagasaan? Nilunok ko ang takot na baka sisihin niya ako at ipagtabuyan at mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. Ng makarinig kami ng mga sigaw sa labas.

Cali's Queen (Completed) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon