Hehe. Busy ka mamaya?

From: Wynea

Hm?

To: Wynea

Wow nagisip pa yung MVP.

From: Wynea

Hahaha. Joke lang! Di naman po, why? Libre mo ko? Yay!

To: Wynea

Ang bilis talaga kausap kapag pagkain, ano po?

From: Wynea

Libre + food = happy me :)

To: Wynea

Happy you = happier me :*

May nagtext ulit pero hindi si Des, yung kapatid ko. Naiinip na ata.

From: Shobe

Ahia, I'm hungry.

To: Shobe

Yes, shobs. Tagal maligo ni Drei. Palabas na kami.

"Hoy di pa ba tapos yan si Andrei?!" sigaw ko kay Aljun na busyng-busy sa phone niya.

"Kakapasok ko lang eh!" reklamo ni Andrei.

"Bilisan mo!" sabay na sigaw namin ni Aljun, tumabi ako sa kanya. Di pa din nagrereply si Des, suplada talaga nun.

"Puta." hindi na ko nagulat nung magmura si Aljun, baka natalo sa nilalaro niya o kung ano man pero kumunot ang noo ko nang nagtext ang kapatid ko sakin.

From: Shobe

OMG AHIA OPEN TWITTER!

"Kib gago ka." lukot na lukot ang mukha ni Aljun na humarap sakin.

"Ha?" hindi ko naintindihan bakit bigla niya kong binalya, hindi malakas pero hindi din mahina.

Shobe calling...

"Teka teka." awat ko kay Aljun at sinagot ang tawag ng kapatid ko.

"OMG.YOUR CRAZY EX.." tuloy tuloy ang salita ni Khryzia sa phone, hinarap naman sakin ni Aljun kung bakit bwisit na bwisit siya sakin. It was a photo of me and Ina, she's hugging me. This was taken just a while ago.

"Fcvk!" I cursed. Binasa ko ang caption ng nagpost, sila pa din pala? So KibRee is not real.

"You saw it?"

"I'll talk to you later, Shobe. Okay? Love you."

"Ahi-" I ended the call.

Inagaw ko ang phone ni Aljun, binasa ko ang mga replies sa tweet. Posted an hour ago.

"Tawagan mo si Des, baka kung ano na iniisip nun."

He didn't have to tell me what to do, yun nga mismo ang gagawin ko. Madali akong nagdial ng number niya, after the 4th ring kinabahan na ko.

"Sht, di sumasagot." announce ko.

"Patay ka na." tumalikod si Aljun sakin at kinuha ang malaking bag niya habang hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Des'

Pulang pula nanaman ang mukha ko. Nakahiga ako sa sofa namin sa first floor, dun ako nanuod ng live stream ng game ng Green Archers. For sure malungkot si Kib dahil talo kaya nagtext ako agad sa kanya kanina, halos isang oras bago nagreply siya sakin at eto nga ang landi nanaman po niya.

"Achi!"

"Achi!"

Napatayo ako sa pagkakahiga, binaba ko ang nakataas kong mga paa dahil sa tawag nila Gyra, Aljan, Julia at Rov. Nagmamadali silang apat papasok ng dorm. Mukhang didiretso sila paakyat kaya tinanong ko kung anong problema nila.

"Hoy, anong nangyari bakit parang agit kayo?!" sunod sunod silang tumingin sakin. Parehas parehas sila ng itsura pagkakita sakin.

"Chi Chubs." tawag ni Gyra sakin.

"Oh?" humiga ulit ako at tinaas ang paa ko. Lumapit sila sakin na para bang nagtutulakan.

"Para kayong baliw, ano ba yun?" tanong ko, nilapag ko sa dibdib ko ang phone at tumingin sa kanila.

"Kasi Chi." napakamot ulo si Aljan.

"Ano nga? Mangu-ngutang kayo? Wala kong pera." biro ko sa kanila, dinampot ko ang phone ko para sana mag-open ng twitter to lurk.

"Chi, si Kuya Kib na sa twitter kasi kayakap yung ex daw niya. Sabi nila nagkabalikan na daw." tuloy tuloy na sabi ni Julia, na parang nagrarap. Matatawa sana ako, pero hindi nakakatawa.

"Ha?!" ngangang tanong ko sa kanila.

"Ano ba yan Julia, bakit ka kasi nagrarap jan!" sita ni Rov sa huli. Parang nanghina ang mga paa ko, dahan dahan akong tumayo at umupo ng maayos.

"Chi, sa twitter kasi." simula ulit ni Aljan.

"Someone posted a photo of Kib and his, I'm not sure kung ex pa. They're hugging and the photo looks like it was after today's game." clear naman ang pagkakasabi ni Gyra pero parang static ang tenga ko di ko naintindihan. I had to open twitter, to know.

Naka off ang twitter notifs ko dahil masyadong maingay, madami dami din kasing nagmemention sakin na mga fans kaya para mas tahimik ang buhay in-off ko yun. Tulirong tuliro ako nung makita ko ang sinasabi nila sakin.

Umupo sa tabi ko si Rov.

"Chi." inakbayan ako ni Gyra na nasa kabilang gilid ko na pala.

"Ahm." gustong gusto kong umiyak pero ayaw kong kaawaan nila ako. I don't want them to worry.

"Ano-ahm. Okay, aakyat lang-ako." I can't stand their faces, nalulungkot sila para sakin. Lalo akong nanghihina, my voice is breaking.

"Aakyat muna ako. Tama, inaantok ako bigla." 

"Akyat muna ako."

Hilaw na tumawa pa ko, habang pumipiyok piyok. Dire-diretso akong naglakad hindi ko nakitang tatama pala ako sa pader.

"Achi!" sabay sabay silang napatili, at madaling lumapit sakin. Napahawak naman ako sa ulo ko na tumama.

"Hehe, ang sakit."  humarap ako sa kanila, tapos umiyak.   


My thoughts: 

Thanks for reading Besties, 1 more then this is done. Hehe. Luhh yahhh! 

Fall Into PlaceWhere stories live. Discover now