+1

1.4K 37 11
                                    

Des'

"Sepanx ka?" pangungulit ni Aduke. Kanina pa po nang-aasar yung mga roommates ko, pakiramdam ko malapit ng lumuwa ang mga mata ko kakairap ko sa kanila but they won't stop.

"Ohhhh. Soooo nice no?" hirit pa ni Gyra, ginagaya niya yung naging expression ko nung nasa Hong Kong ako. Tag team talaga sila ni Aduke, binato ko sila parehas ng unan.

"Binabawi ko na yung chocolates na uwi ko, pakiluwa!!" sigaw ko, tinawanan lang ako nung dalawa. Harutan sila ng harutan nabaliktad na ata tong buong kwarto namin sa sobrang gulo nila. I checked the time sa laptop screen ko, ilang minuto na lang magstart na ang game nila Kib lalo mang-aasar tong dalawang to pero bahala na.

I opened the live stream link and plugged in my earphones.

"Uy manunuod na siya ng game oh, support." irit ulit ni Aduke, naghigh five pa sila ni Gyra.

"Ewan ko sa inyo nga!" sita ko sa kanila.

"Pagpanalo, libre mo kami crepeman Chi!" tumabi sakin si Gyra at nakinood, napilitan tuloy akong tanggalin ang earphones.

Warm up na sila, infair naman namimiss ko na talaga tong makulit na lalaking to. Wala kasing biglang tumatawag para lumabas ako tapos may dalang kung anu-ano. Biro nga ni Ate CJ sobrang spoiled ko daw kay Kib, nung minsan pa nagreklamo si Gyra kay Kib dahil bakit daw walang suhol sa mga roomies so the next day pati sila may pagkain. Kakapal di ba?

"Chi infair ang hot talaga ni Kuya Kib ano?" kinagat ko ang loob ng pisngi ko para pigilan ang kilig at hashtag feeling proud sa sinabi ni Gyra habang nanunuod kami ng livestream.

"Wag mo na anuhin, kinikilig lalo eh!" comment ni Aduke na nakahiga na ngayon sa kama ko at nagcecellphone, di talaga ako makakalusot sa mga to eh.

"Hindi kaya ako kinikilig!" pag-tanggi ko. Sabay na tumingin sakin si Gyra at Aduke, parehas sila ng itsura para bang sinasabing 'talaga lang ah?'

"Oo nga!" depensa ko kahit wala naman silang sinasabi.

"Sus. Wag ka magtweet ah!" dare ni Aduke.

"Oo naman! Tss." nagtinginan si Aduke at Gyra, parehas nakangisi. I know di sila naniniwala sakin, nung mga nakaraang games kasi ang lakas ko magcheer dito nasita pa nga ako kasi tili ako ng tili. Tapos nagtweet pa ko kay Kib after, nakakaproud kasi eh. Nakakalaro na siya ulit at ang galing niya.

"Maniwala kami, kapag nagtweet ka talaga Chi libre mo kami." says Gyra, nagfocus na ko ulit sa panunuod kanila Kib. Si Aduke sa phone niya at si Gyra naman sa tabi ko na busy din sa phone niya. Nagkunwari akong di tutok sa warm up ng Green Archers pero napapatingin talaga ako kapag nahahagip ng camera si Kib.

Shet, miss ko na nga talaga siya. Hashtag sepanx kay oppa! Parang 2 weeks ago lang yung huli kaming nagkita, the night before ako umalis to Hong Kong para sa bakasyon kasama si Achi Dj at Rica. Inaway pa ko ni Achi nun kasi sumama ako kanila Kib magdinner eh maaga yung flight namin the next day. In my defense, nangulit si Kib dahil daw matagal kaming di magkikita. At syempre being a dalagang chinese, half naawa ako half gusto din. Besides, saktong flight namin pabalik ng Manila sila paalis naman papuntang Taiwan. Inggit nga ako sa kanya, kasi andun din si Papa. Niloko ko pa si Kib nung nasa Frankie's kami kasama ang mga girlfriends nila Jollo, Aljun at Andrei na baka magkita sila ni Papa anong sasabihin niya?

Hindi ko napansin na nakangiti na pala ako, naalala ko kasi yung pagyayabang niya na maghehello daw siya tapos papakilala na siya yung future boyfriend ko. Nakurot ko siya dahil ang harot niya. Pero what if nga no? What if magkita sila ni Papa? Ano kayang gagawin ni Kib?

Fall Into PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon