9

974 39 17
                                    

Kib's

Their battle to defend the Beach Volleyball crown started. Official ng magsisimula ang season nila, that means less time to be with her kahit makausap. Funny when, we're steps away from each other pero di kami nagpapang-abot or nagkikita man lang.

To: Wynea

Okay, ingat ka today ah? Goodluck sa games niyo. You got this!

I sent her a text message, 2nd day ng laro nila. Grabe pala yun, buong araw ka nakababad sa araw at buhangin. Kawawa naman sila.

Thank God for twitter nauupdate ako sa kanila, I wanted to be there for support pero sabi niya wag na lang. Indoor na lang daw, I think iniiwasan niya din ang issue kaya pumayag na lang ako.

Pabalik na akong dorm nang makasalubong ko si Ate CJ, ngumiti ako sa kanya at lumapit para manga-musta.

"Hi Ate!"

"Uy, bestie." matamlay niyang bati.

"Parang malungkot ata ikaw Ate?"

"Naku Kib, yung mga alaga ko kasi malungkot." na-sense ko na agad na talo sila, kamusta kaya si Des?

"Si."


"Natakot ako sa batang yun kanina, bumagsak kasi tapos nahirapan tumayo." di ko natapos ang itatanong ko dahil biglang nagkwento si Ate CJ at parang tinambol ang puso ko nung marinig ko ang sinabi niya.

"Hala. Ate, how's Des? Okay lang ba siya?" nagmamadali kong tanong.

"Ayos naman na siya. Natakot lang siguro. Alam mo naman." para akong nabunutan ng tinik, buti naman okay siya. I told myself.

"Asan po siya?" tanong ko ulit.

"Nasa dorm na siguro. Kapag kinausap mo, pagpasensyahan mo at malamang sa alamang sobrang badtrip nun at ikaw ang mapagbuntungan." hilaw na ngumiti si Ate CJ sakin.

"Suggestion ko, wag mo muna kausapin pero ikaw bahala." sabi pa niya saka umalis.

"Thank you Ate, good night po." habol ko, lumingon lang siya at tipid na ngumiti.

Habang naglalakad ako iniisip ko kung paano ko ich-cheer up si Des. For sure sobrang frustrated nun.

Des'

Pagdating sa dorm dumiretso ako sa kwarto para makapagpahinga.

"Booti." mahinang tawag sakin ni Tin.

"Okay lang ako Booti, tulog ka na. Maaga pa tom." ngiti ko sa kanya. Sobrang bigat ng pakiramdam ko, binagsak ko ang sarili sa higaan. At binaon ang mukha sa unan ko. Sumigaw ako ng walang boses tapos umiyak.

"Ang tanga tanga mo, Des!"

"Inuna mo pa pagiging duwag mo!!"

"Kaya naman eh!"

"Ang arte mo kasi!

Galit na galit ako sa sarili ko, kundi dahil sakin nagkaroon sana kami ng chance to play sa finals. Baka nagkaroon kami ng pagkakataon na manalo. Pero inuna ko ang sumuko kesa lumaban.

Ang yabang ko pa, sabi ko kay Ate Kimmy magpapahinga lang siya pero ano? Anong nangyari?! Hinampas ko ang sarili ko sa sobrang irita.

Buti na lang at ako lang mag-isa ngayon dito sa kwarto dahil umalis ang roommate ko, kundi nakakahiya lang na senior ako pero ako pa ang dinala ni Tin kanina. Naging pabigat lang ko.

Fall Into PlaceWhere stories live. Discover now