12

1K 45 39
                                    

Des'

Nakakabwisit si Kib! I swear ngayon lang ako nabwisit ng ganito katindi sa kanya. Magdadalawang araw ko na siyang di pinapansin dahil sa asar ko sa kanya.

"Simangot na simangot ka naman jan." says Tin, tumabi siya sa upuan ko kaya umusog ako to give her space. Tumingin ako sa paligid, nasa dorm kami at nasa klase ang karamihan kaya kaunti lang kaming andito ngayon.

"Eh kasi..." simula ko. Nahihiya akong magkwento na nag-aaway kami ni Kib ngayon. Well, more like inaaway ko siya. Jirits kasi eh!

Pababa palang ng kotse, nagsend na ko ng message sa kanya. Nung hindi siya nagreply agad nagsend pa ko ng isa pa, tapos sumunod ako kay Pat papasok ng resto. I was then greeted by my friends, nakita ko na din dun si Grace. Nauna pa samin, sabi ko na sinadya to eh. Tinignan ko siya at tinaas ang kilay ko, she just laughed.

I saw next to Grace, "Ikaw talaga!"

"Eh nakiusap sakin, gusto ka daw kausapin at namiss ka. So okay na kayo?" tanong niya, pertaining to Pat. Smiling, I nodded.


"Buti naman, drama niyo kasing magbestfriend."Grace said rolling her eyes at me. Nakaorder na sila ng food kaya kakain na lang, Pat chose the empty seat beside me.

I checked my phone. Finally may reply na siya. Kumunot ang noo ko when he sounded really pissed kahit text messages lang, siguro dahil walang emojis or his usual haha.

I sent him messages asking kung wala siya sa mood pero di nagreply. Few minutes after waiting, nabwisit na ko. I'm not really known for my patience kaya nairita ako ng sobra.

Napatingin sakin si Grace nung binagsak ko ang baso ko after drinking iced tea.

"Huy, ayos ka lang?" tanong niya, tumango ako.

Kib Montalbo calling...

Ngayon tatawag siya? Tsk. "Excuse me lang." paalam ko, tumayo ako. Few steps away from our table I answered his call.

Hindi ako nagsalita, hindi din siya nagsasalita. I checked the phone's screen kung active pa yung call, lalong tumaas yung kilay ko when it's still running.

"Des." finally he spoke.

"Hm?"

"Galit ka no?" pagconfirm niya, as if hindi niya alam na badtrip na ko. Sa ilang buwan namin laging magkausap I'm confident na mas kilala niya na ako. Hindi naman ito yung first time na nabwisit ako, pero eto ata ang first time na nabwisit ako dahil sa kanya.

"Hm."

"Sorry na." I could hear his frustration. Okay, medyo naaawa na ko. Baka may nangyari lang kaya siya ganito tapos inaaway ko pa.

"Ano ba kasing nangyari? Bakit parang wala ka sa mood?"

"Eh..Eh kasi."

"Kasi ano?"

"Des..."

"Ano nga Kib!?" I'm starting to get irritated again. Hindi pa nakakasagot si Kib may narinig na kong tumawag sakin.

"Bes, hanap ka nila. Bilisan mo jan!"

"Okay wait lang, bes! Sunod ako." sagot ko kay Patrick. I'm not sure pero I think I heard Kib hissed on the other line.

"Wala." tipid na sagot niya, that's it.

"Kib kung badtrip ka, wag mo ko idamay please? Try ko kung di pa ko pagod pag-uwi. Or better yet, usap na lang tayo kapag di ka na badtrip."

Fall Into PlaceWhere stories live. Discover now