Tinangka kong bumalik sa loob ngunit nakakapagtaka naman para sa iba kung gagawin ko iyon. Napasinghap ako. Gaano ko man din kagustong tumakbo palayo ay nagkaroon ng sariling utak ang mga paa ko.

Labag sa loob ko ang ginagawa kong paglalakad, lalo pa sa reyalisasyong pinapanood niya ang bawat hakbang ko. Kitang-kita ko ang mga mata niyang nananantya— ang mga mata niyang isang gabi kong pinagsawaan.

Sa labis na kahihiyan ay napayuko ako. Ginulo ko pa ang buhok ko upang gawing harang sa mukha ko, kahit useless pa dahil alam kong nakilala na niya ako.

Kaya nga siya nakatingin, Jinky! Este, Verra!

Mariin kong ipinikit ang mga mata para hindi na siya makita pa, pero siya namang bagsak sa alaala ko ang lahat ng angyari noong gabing pareho kaming lasing.

Lahat! As in lahat, magmula sa paghahalikan namin dalawa, sa pagpasok namin sa back seat ng kaniyang kotse, sa mapusok ulit na paghahalikan na nauwi sa paghuhubad ng mga damit at higit sa lahat, ang pag-iisa ng mga kaselanan namin.

Shít! Oo! May nangyari sa amin! Mayroon! Kaya sige nga, paano ko siya ngayon haharapin? Aba, kahit ilang araw na ang nakalipas ay sariwa pa rin iyon sa utak ko. Walang oras na hindi iyon sumagi sa isipan ko, kaya ano mang pilit kong kalimutan iyon ay hindi ko magawa-gawa.

Imbes sana na sina Elsa at Andrew lang ang gusto kong kalimutan, pati siya ay dumagdag sa problema ko! Ano ba namang buhay 'to? At akala kong hindi ko na siya makikita pa dahil higit isang buwan naman na ang nagdaan magmula nang mangyari 'yon.

Matapos ang gabing iyon ay hindi ko na siya nakita pa. Ngayon ko na-realize na may dahilan kung bakit hindi siya nagpapakita sa akin, naninilbihan pala siya rito sa Isla Mercedes bilang Police Officer.

Pabagsak akong naupo sa tabi ni Ma'am Darlene. May pagkain na sa lamesa na para sa akin ngunit hindi ko naman magawang galawin dahil hanggang ngayon ay nakatitig pa rin si Calvin.

Literal at bulgar! Kaya hindi hamak na may halong pagtatanong ang mga mata ng mga kasamahan niyang Officer. Pati na rin sa mga katrabaho ko sa munisipyo ay napapansin ang paninitig niya sa akin.

"Kumain na rin kayo. Nagpahanda si Mayor, kaya maraming pagkain," ani Ma'am Every, ang Treasurer namin.

"Maraming salamat po," ani ng ilang Police Officer at isa-isa na nga silang naupo sa pahabang lamesa na kinaroroonan namin.

Mabuti at medyo nalayo si Calvin, kahit papaano ay nakahinga ako nang malalim. Ngunit hindi ako tinatantanan ng mainit at matalim niyang paninitig. Ewan kung galit ba siya, o talagang badtrip lang siya.

As if naman ay may ginawa akong masama sa kaniya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at ibinaba na lamang sa pagkain ang atensyon. Sinimulan kong kumain kahit parang nawalan ako ng gana.

Kapag may iniiwasan ka talaga ay parang ang bagal ng takbo ng oras. Tipong kating-kati na akong bumalik sa loob ng munisipyo para magtrabaho. Bandang huli ay tumulong ako sa pagliligpit para makaiwas sa mga tingin ni Calvin na halos bumutas iyon sa katawan ko.

Tinulungan ko si Ma'am Every maghugas ng pinggan, pero iniwan naman niya ako kalagitnaan dahil may panibago siyang ginawa. Sinundan ko ito ng tingin ngunit mabilis siyang nawala sa paningin ko nang humarang ang katawan ni Calvin sa gitna.

Nanlaki ang mga mata ko nang dere-deretso siyang lumapit sa gawi ko. Huminto lang nang nasa gilid ko na ito. Dinungaw niya ako. Ang mga mata nito ay kaagad na naninimbang sa magiging emosyon ko.

"Ba—bakit ka nandito?" palatak ko, parang tanga pa at talagang nauutal pa.

"Wala ka ng paramdam," panimula niya dahilan para mangunot ang noo ko. "Nandito ka lang pala."

Nights Of PleasureWhere stories live. Discover now