"My God! Azula! You were the Student Council President, tapos ikaw pa ang nagsimula ng gulo?" Singhal sa akin ni Dean.

Hindi ako umimik. I'm not sorry, for what i have done to her.

"I will expect your explanation on my office." At tumalikod na siya sa amin.

Kinuyom ko ang palad at mariing pumikit, ng kalmado na ako ay nagdilat ako. Nagsalubong ang tingin namin ni Cali na nasa di kalayuan at nakatingin. Kasama na naman niya si Morgianna. Blanko ang ekpresyon niya at tinalikuran lang ako. Kinagat ko ang loob ng aking bibig, ng muli kong maramdaman ang kirot sa aking dibdib.

Huminga ako ng malalim at naglakad papunta sa SC Room, magpapakalma muna ako bago magpunta sa Dean's Office.

----------------------------------

"Azula, alam mong hindi tama ang ginawa mo. Sinaktan mo si Caroline, and that's agains't the students School Rights. Wala akong magagawa ka kundi ang bigyan ka ng tamang parusa."

Nanatiling tikom ang bibig ko. Mabuti nga at nauna ng nagpunta iyong Carolina na iyon dito, at di kami pinagsabay at baka mapatay ko na siya dito. Nagmamagaling!

"Azula, nakikinig ka ba?"

Nilingon ko si Dean at tinanguan. Napailing naman siya at inabot sa akin ang isang papel.

"You are suspended for two weeks. And I'm sorry If you were voted out of the list of the Running Cum Laudes"

Natitigagal ako sa narinig. "Po? Bakit po? Dahil ba sa pakikipag-away ko?"

"Hindi lang dahil doon, hindi mo pa ba nakikita ang mga grado mo? Halos lahat ng subjects mo, bumaba ang grades mo. Hindi lang sa Major pati mga Minor subjects mo. Idagdag pa iyong mga pictures na kinalat sa buong University, altough I don't believe in those pics. At eto ngang gulong ginawa mo. I'm sorry Azula."

Hindi ako nakaimik pa hanggang lumabas ako ng Office. Okay lang iyong suspension eh, pero iyong matanggal ka sa Running Cum Laude's...

God. First year palang nandoon na ako, It was a University List kung saan bihira lang mga makakapasok. Para bang University Pride kung tawagin. Ang tagal kong iningatan ang pwesto ko doon, kahit pa pangatlo lang ako doon. Dahil Sampu lang naman kami. Inalagaan ko padin. Tapos sa isang iglap, nawala bigla...

"And one more thing Azula." Hinabol pa ako ni Dean. "Detention Room."

Tumango nalang ulit ako. Habang naglalakad ay hindi ko na naman napigilang mapaisip. Ngayon ko lang kasi napagtanto na mula ng maging kami, halos sa kanya na umikot ang mundo ko. Kung noon sa sarili ko ako nakatuon at wala ng iba pa, ngayon halos sa kanya na lahat. Nagtuloy ako sa klase ko at tahimik na naupo sa aking silya, kahit pa ramdam ko ang mga tingin nila. At rinig ko ang mga bulungan nila.

Ignore them Azula, just ignore them.

Nagbuga ako ng malalim na hininga at tumitig nalang sa white board.

--------------------------------

After my class ay sa SC Room muna ako tumuloy, binilin ko kay Keiki ang mga dapat gawin. Pati ang pag finalized ng Ball Event.

"Aabot ka ba sa Christmas Ball, Pres?" Nakasimangot na tanong sa akin ni Mirae.

"I hope so..." But If ever na hindi na namin maayos ni Cali ang lahat, I'm not hoping anymore.

"So, ikaw na muna ang bahala dito Kei. Wag masyadong malambot. Wag kang papatakot. "

"Copy, Pres." Ngumuso siya. "Mamimiss naming sungitan mo."

Mahina akong natawa at lumapit sa kanila. Ibinuka ang mga bisig sa kanila. "Group Hug."

Pero hindi nagmukhang group hug dahil sila na lahat ang yumakap sa akin. Ginulo ko ang buhok ni Keiki, ni Danna, ni Athrun, at ni Mirae. "Sige na, suspended lang ako. Hindi Expelled."

Cali's Queen (Completed) EDITINGWhere stories live. Discover now