Chapter 4: Bus

3.6K 105 10
                                    

"'Yong sa South bus. Nandito  na tayo! Oh, baba na.”

Nagising ako sa lakas nang sigaw nung konduktor ng bus. Nagmulat ako ng mata at sa pagmulat ko ng mata, doon ko lang naramdaman na may mabigat na ulo na  naka sandal sa balikat ko. Aba! Sino naman ang halimaw na naka sandal sa balikat ko?!

Napasinghap ako at lumunok ng laway. Naku, naman ang bango naman ng lalaking ito. Kung sino man ang lalaking katabi ko ngayon, manghingi ako ng perfume. Aba! ‘di na libre ang pagsandal ng balikat ko, noh!

Tumikhim ako at ginalaw-galaw ko ang balikat para gisingin ang mabangong lalaki ito. Sayang-saya pa yata siya na naka sandal ang ulo niya sa akin. Bakit ba kasi naka cap siya hindi ko tuloy makita ang mukha  niya, baka panot 'to. Panot na mabango.

Natawa ako sa isipan saka umiling.

"Oy! Gising!” Ginalaw ko ulit ang balikat ko. Ungol lang ang sagot niya at mas lalo pa niyang dinutdot ang sarili niya sa akin. Shitness! Ang bango talaga ng lalaking' to.

"Oy! Ano ba!"

Sinundot ko ang tagiliran niya kaso walang epekto. Wala bang kiliti ang lalaking' to? Di man lang nagising.

Nagulat ako nang bigla siyang gumalaw at niyakap ako sa bewang at mas nakapawindag sa akin dahil ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko.

Waaah! B-Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Kinabahan ba ako? putakte nanindig ang balahibo ko sa lalaking' to.

Itutulak ko na sana siya nang maalala ko ‘yung perfume, Meghad! Kundi lang sa perfume kanina ko pa sinuntok ang lalaki na ‘to. Makikita niya ‘di lang perfume ang hihingin ko sa kanya pati na rin yang cap niya sa ulo--- Wait! matignan nga mukha ng lalaking sandal na sandal sa akin. Akala mo talaga jowa ko siya, Aba! Swerte niya naman nayayakap niya ang ka-sexy-han ko.

Baka sobrang chaka niya, kasing panget niya si Escarias na kapit bahay namin. Dalawa lang ang ngipin sa harap at puro na gilagid. Sobrang laki pa ng mata at parang adik dahil sa sobrang payat na parang walis tingting sa kapayatan.

Dahan-dahan akong yumuko para silipin ang mukha niya. Lumunok ako nang makita ko ang sobrang tangos niyang ilong, yumuko pa ako ka-onti at sunod kong nasilip ang heart shape niyang lips. Dre! Sobrang pula. Pakshet! Dinaig pa labi ko ng lalaking' to ah!

Yumuko pa ako lalo at konti na lang makita ko na ang buo niyang mukha, kaso bago ko pa makita ang buong mukha niya, biglang nagsalita ang konduktor ng bus, na kakalapit lang.

"Kayong magkasintahan, hindi ba kayo baba?"

Napa-ayos ako ng upo at tinignan ang kondoktor na may matamis na ngiti sa labi ko. Kinikilig pa yata si kuya sa porma namin ng katabi ko.

"Saan na po ba ito?"

Tiningnan niya muna ang katabi ko at balik ulit sa akin bago siya sumagot.

"Nasa South bus na ito. Baba kayo?”

"Ay! Naku!  Kuyang konduktor, sa palengke pa kami baba.”

Actually ‘di naman talaga sa palengke ang babaan ko. Kung hindi, doon naman talaga sa Guadalupe City. May bibilhin lang kasi ako doon sa palengke. Kailangan ko bilhan ng pasalubong si papa at ang kapatid kong lalaki bago ako uuwi sa amin, kahit kapos ako sa pera.

"Ganon ba, paki gising na lang iyang boypren mo dahil malapit na tayo sa palengke."

Teka anong boypren?? aangal pa sana ako at sabihan siya na hindi ko boyfriend itong katabi ko. Ngunit umalis na si kuyang konduktor. Napakamot na lang ako ng ulo.

Kunsabagay nakayakap ang lalaking ito sa akin kaya napagkamalan kaming mag boyfriend at girlfriend dalawa. Hay! Buhay nga naman.

Humangalumbaba ako sa upuan. Hindi ko na lang din sinilip ulit ang mukha ng katabi ko. Ilang ulit  ko rin siyang ginising kaso tulog mantika talaga, iniisip ko nga na nananching lang siya sakin at nagkunwari lang na natutulog kaso hindi e. Natutulog talaga siya, rinig na rinig ko ang pag hilik niya nang mahina.

The Billionare's Disguise (COMPLETED)Where stories live. Discover now