Chapter 17: STRIGOI

Start from the beginning
                                    

Nagsimulang nagsihabaan ang mga kuko ni Demetria at sinimulang gamitin ang elemento ng apoy. Nilaro-laro niya ang bola ng apoy sa kanyang kanang kamay habang hinihintay ang muling paglusob sa kanya ng Strigoi. Alam niyang apoy ang kahinaan ng mga ito at takot sila na madantian nito. Pero kailangan lamang na maging mabilis din ni Demetria para maihagis at mapatama niya ang bola ng apoy sa katawan ng Strigoi.

Muli ay umabante ang Strigoi kay Demetria. So sobrang bilis nito ay hindi man lang nakuhang maibato ni Demetria ang hawak na bola ng apoy si Demetria. Tumilapon siya ng ilang metro at nabitawan niya ang apoy mula sa kanyang kamay at gumulong sa makinis na sahig ng mansion.

Hindi pa man nakakabangon si Demetria ay mabilis na nakalapit sa kanya ang Strigoi at sinakal siya nito gamit lamang ang isa nitong kamay. Iniangat niya sa ere ang katawan ni Demetria na nagpupumiglas sa pagkakasakal ng Strigoi sa kanya.

Ramdam ni Demetria ang pagsisimula ng paninikip ng kanyang dibdib at paglugutok ng kanyang mga buto sa kanyang leeg.

"Ikaw ang aking hapunan na papawi sa aking gutom...ikaw na kakaiba ang amoy ng dugo..." Ang malakas na wika nito kay Demetria habang gumagapang ang mahaba at naglalaway na dila nito sa mukha ni Demetria.

Pakiramdam ni Demetria na marahil ito na ang magiging katapusan niya. Wala ang kanyang mga kaibigan marahil ay hindi nila alam ang nangyayari sa kanya. Nasaan nga ba sina Randy, Sagaway at Alimog? Kailangan niya ang kanilang tulong.

Nagsimula ng dumilim ang kanyang paningin. Nanghihina na siya at sasamantalahin iyon nh babaeng Strigoi para simulan na ang pagsipsip sa kanyang dugo. Mamamatay siya na hindi man lang malalaman ng kanyang mga kaibigan.

Isang malakas na hampas ng latigong metal na limikha ng malakas na boltahe ng kuryente ang tumama sa likuran ng Strigoi. Nabitawan nito ang pagkakasakal kay Demetria dahil sa labis na sakit na dinulot ng Eskrihala sa kanya. Tumilapon ang strigoi sa kanyang kinatatayuan at namilipit sa sakit ng nilikha ng Eskrihala sa kanyang likuran.

"Demetria!" Ang sigaw ni Randy sa kaibigan na may pag-aalala.

Mabilis na nakabangon ang Strigoi at lalo itong nagngingitngit sa galit pagkakita kay Randy at ang gamit nitong Eskrihala.

Mabilis na lumapit si Randy kay Demetria at ipinako nito ang kanyang paningin sa babaeng Strigoi na kaslukuyang inihahanda ang sarili para umatake. Tila hindi man lang ito natakot sa Eskrihalang hawak ni Randy.

Bakas sa mukha ni Randy ang pagtataka dahil hindi niya alam kung anong klaseng nilalang ang nasa harapan niya. Napansin niya na halos walang nilikhang pinsala ang Eskrihala sa nilalang.

"Strigoi, isang strigoi ang nilalang na yan... Kailangan na nating lumayo Randy..." Ang pilit na paliwanag ni Demetria kahit na hirap pa rin ito sa kanyang paghinga.

"Stri..."

"Strigoi, ang pinakamatandang lahi ng mga bampira. Mga makapangyarihan uri ng...bampira...kailangan, kailangan na nating tumakas paparating na ang mga kasama niya." Ang tugon ni Demetria.

"Hindi, wala silang panama sa kapangyarihan ko at ng Eskrihala. Hindi tayo tatakas. Lilipulin natin sila!" Ang matigas na tugon ni Randy kay Demetria.

"Hindi mo naiintindihan Randy. Kung sino man ang mas nakakakilala sa kanila ay ako yun. Dahil isa akong Sangre, isa ring tulad nila." Ang sabi ni Demetria na unti-unti ng bumabalik ang kanyang lakas.

"Wala silang panama sa lakas na mayroon tayo Demetria kahit pa sila ang pinakamakapangyarihang bampira sa buong mundo hinding-hindi natin sila uurungan."

Inihampas ni Randy ang Eskrihalang nasa anyong latigo sa makinis na sahig ng mansion at nagsimulang gumapang ang mga boltahe ng kuryente sa katawan nito. Inihanda naman ni Demetria ang mga bolang apoy sa kanyang mga palad at inihanda rin nito ang kanyang pakikipaglaban.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Where stories live. Discover now