Chapter Ten

33.1K 626 36
                                    

CHAPTER 10

"SINO ang kausap mo sa phone?"

"Cyen? Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong niya ng pagbalik niya kay Zest ay kasama na nito ang kaibigan. "I mean paano kang nakarating dito?"

"Tinawagan ako ni Zest. Sinabi niyang nandito kayo. Nakakainis ka, hindi mo man lang ako niyaya." Hinila siya nito palayo sa mga bata na nakikipaglaro kasama ang nag-iisang lalaki sa kanila. "At naiinis ako sa'yo."

"Sorry. I thought you are busy and-."

"Hindi iyan ang ikinagagalit ko sa'yo." Nagkibit-balikat ito habang galit na nakatingin sa kanya. "Bakit kailangan mo pa akong i-set-up kay Renz?"

Parang nalunok niya ang kanyang sariling dila dahil sa sinabi nito. "Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko." Dugtong pa nito.

"Sorry. I didn't mean to do it that way." Hingi niya ng despensa sa kaibigan. "Kaya lang-."

"Kaya lang ay ano? I know what happened, sinabi sa akin ni Zest. Hindi ko alam na ganyan pala kababaw ang tingin mo sa akin bilang kaibigan."

"Cyen, hindi iyan-."

"You are my friend. My bestfriend, Praia and you know that.

Hinding-hindi ko magugustuhan ang lalaking mahal mo. Lalo pa at alam kong baliw na baliw ka sa kanya." Naguilty naman siya sa kanyang ginawa. But she just did what she thought was best for the both of them, or naging selfish lang ba siya?

"Sorry."

"I know you didn't mean it pero sana sinabi mo agad. Alam kong nasasaktan ka. At kahit hindi mo sabihin alam kong nagdurusa ka." Mahigpit siya nitong niyakap. "I don't even want to see you in tears paano ko pa magagawang agawin ang lalaking nagbibigay ngiti sa mga labi mo?"

"Cyen. He likes you, I can't changed the fact that he like you-."

"Iyan ba ang akala mo?" Biglang siyang napatayo ng tuwid at napatingin dito. May kakaibang ngiti sa mga labi nito habang nakatingin sa kanya. "Do you really think that he likes me?"

"Oo. Sinabi niya sa akin."

"At naniwala ka sa kanya?"

"Paano akong hindi maniniwala? Pinaniniwalaan ko ang anumang sasabihin niya."

"Baliw ka nga. Matalino ka naman pero sobrang manhid mo. For God's sake! That guy likes you. No, he loves you."

"Ha?"

"Kung nakita mo lang sana ang hitsura niya ng makita ka niyang

kasama si Zest na sakay ng kotse nito. Hindi mo na kailangan pa ng manghuhula upang alamin kung ano ang nasa isip ng lalaking iyon." Totoo ba ang sinasabi nito o baka naman ay pinagtitripan siya. "At ikaw lang naman ang naging topic namin ng mag-usap kami. Para kang nagkaroon ng male version sa katauhan niya."

"Hindi nga? Pero ang sabi niya sa akin-." Ano ba dapat ang paniwalaan niya. "He called me a while ago using Jayerre's number."

"At?"

"He asked me where I am."

"And?"

"I cut off the line." Nanghihinang napa-upo siya sa malaking bato na nakadisplay lang doon. Iyon pala ang role ng batong iyon sa mundo. Ang maging tagasalo ng mga babaeng nawawalan na ng lakas dahil sa pag-ibig. Pwede rin niyang ipukpok iyon sa ulo niya.

R-W-C (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon