Nakagat ko nalang ang labi ko dahil sa excitement. Excitement na magamit at mapag-halo ang mga microchips.

"But, please be reminded that you should combine first two different microchips having the same color before trying to combine it using the third crystal microchip."

Tumango nalang ako at hinayaan syang magpatuloy.

"Since, you're the one that owns our masterpiece, we'll give it to you to let you test and enjoy its service. You don't need to pay additional for this. Kasama ito sa service na binayaran mo noong una." Ngumiti sya sa akin na syang ginantihan ko ng pagtango.

"And, oo nga pala, to combine microchips, you just need to put the microchip you want to combine on top of the crystal microchip one at a time. Para malaman kung natapos na ang proseso ng pagsasama ng microchips, magiging purong puti ito mula sa pagiging transparent ganon na rin kung pula ang microchips na pagsasamahin mo."

"Paano yung kulay itim?" Kase diba, hindi katulad nung puti at pula, nag-iisa lang yung kulay itim.

"Black microchips are made by the combination of all red microchips. All in all, parang isa narin syang crystal microchip pero it was only focus on the different mating process and types."

"So katulad ng red and white crystal microchips, yung black microchip ay pwede kong isama sa combination na magagawa ng dalawa?" Tanong ko.

"Yes. The third crystal microchip can combine just white and red only, white and black, red and black, or black, red and white. Pwedeng dalawang magkaibang kulay o di kaya ay silang tatlo. Depende sa gusto mong maging aksyon nya." Pagpapaliwanag nya pa. "Kung may tanong ka pa ay maari mong tawagan ang numero ng kompanya namin. O dika ay buksan at itanong lamang sa MACpad sapagkat updated narin ito ng information's regarding crystal microchips."

Ngumiti at tumango na lamang ako bilang sagot.

"So we're all set. Thank you for still trusting MAC." Tumayo sya at iniabot sa akin ang kanyang kamay. Tumayo na din naman ako at tinanggap ang pakikipagkamay nya.

Hindi ganon kagaspang at hindi din naman ganon kalambot ang kamay nya hindi katulad ng sa ibang lalaki na nakakamayan ko sa tuwing nagc-close ng deal.

We shake hands bago nya kinuha ang box at isinara ito. Iniabot nya ito sa akin gamit ang dalawang kamay nya. Ingat na ingat na tila isang babasaging bagay ang hawak nya na sa isang maling galaw ay maaring mabasag.

"Thank you." Usal ko habang nakangiti nang mapasakamay ko ang box na lalagyan ng mga crystal microchips.

Pinindot nya ang maliit na kulay palang buton  na hindi ko napagtuunan ng pansin kanina at ilang sandali pa ay lumitaw nang muli ang elevator. Nang magbukas ang pinto nito ay naroon na ang babaeng naghatid sa akin kanina papunta dito.

"Use her well Mr. Montrose." Hindi ko napansin na nakalapit na pala sya sa akin. He tapped my shoulder bago pumasok sa lumitaw na pinto, halos katabi ng elevator.

Napakadami nilang hidden doors dito. Kung saan saan. Biglang nawawala at biglang lumilitaw. 

"Mr. Montrose?" Usal ng babae sa elevator habang inimumuestra ang espasyo sa tabi nya.

"Ah, yes." I smiled bago pumasok at tumabi sa kanya.

---

I'm on my way home sakay ang motorsiklo ko. Balak ko sanang pumasok kanina pagkatapos kong magpunta sa MAC pero hindi na ako tumuloy pa dahil excited akong gamitin ang microchips na ibinigay sa akin ng MAC.

Mabuti na lang at maluwag ang daloy ng trapiko't mabilis kong narating ang condominium na tinitirhan ko. Nasa loob ng kulay itim kong backpack ang microchips kasama ng laptop ko at iba pang gamit ko dapat sa opisina.

For Sale: Bed Warmer (COMPLETED)Where stories live. Discover now