Alam kong mahal niya si Jeanne. Slow nalang ang hindi makakapansin non. Gaya ni Jeanne.
Ghad naiiyak nanaman ako.
"Mami-miss din kita."maiyak iyak na tugon ni Jeanne.
Bat ganun?
Kami walang 'mami-miss ko kayo'?!
"I love you."nakangiting sabi ni Emman habang yakap yakap parin si Jeanne.
Lokong to. Nangcha-chansing!
Nakita kong ibinaon ni Jeanne yung mukha niya sa balikat ni Emman.
Edi kayo na magka-height! Hmp! Mga pandak!
De joke lang matangkad sila pareho noh.
Di lang talaga halata.
"Mahal rin kita."grabe. Pinaglihi ba ako sa agila at rinig na rinig ko parin yung mga pinagsasabi nilang kakornihan?
Ay bakit agila? Wait isip lang ako ng hayop na matalas yung pandinig.
Nakita kong napangiti si Emman-nanaman kaya wala sa sariling napangiti rin ako.
Buti nalang worth it yung ginawa kong pagsi-sikreto sa kanila.
Kung hindi baka maging certified loner na ako sa school.
"Calling all passengers of flight--blah blah blah"
Tinatawag na yung flight nila Jeanne kaya kumalas na ang lovers sa yakapan session nila.
Nagtitigan lang sila ng matagal.
Mga 2 min rin siguro.
Magdadrama nanaman sana sila ng sumingit ako sa usapan.
"Ok,awat na layo layo na. Malelate na siya sa flight."pinaghiwalay ko silang dalawa,napansin ko naman yung pagpipigil ng tawa ng 5 long hair sa likod(Bridget, Donna, Ayen---blah blah blah).Hinarap ko si Jeanne,"ang bilin ni Manang Zandria--according sayo--wag kakalimutan. Wag magbabago ng number kung magbabago man ay iinform kami. Always keep in touch. Vid call araw araw kung hindi wala ka ng babalikan."sinuklay suklay ko yung buhok niya gamit yung kamay ko."Magpagaling ka dun ok? Araw araw kaming tatawag. Kaya araw araw mo rin kaming i-update ok? Mami-miss ka namin."ngumiti ako ng mapait. Kahit nakakabitter sila mahal ko parin tong slow poke na to. Nakita kong naluluha nanaman siya kaya ako na yung kumusot sa mata niya."Sige na. Umalis ka na. Malelate na kayo sa flight niyo oh. Shoo shoo."pagtataboy ko sa kanya bago pa ako maiyak ulit.
Pero kesa lumakad papalayo ay nanatili lang siya sa harap ko habang nakangiti.
Nagulat nalang ako ng yakapin niya ako. Ng makahuma ako ay niyakap ko rin siya pabalik,ngayon naiyak na talaga ulit ako.
"Thank you Zand..."bulong niya sa tenga ko kaya napapikit ako ng wala sa oras para pigilan ang luha ko. Langya parang ako pa yung boyfriend ng gilagid na to eh.
Ako na yung unang kumalas kasi tinawag ulit yung flight nila.
"See you next time?"patanong na pamamaalam ko sa kanya. Ayoko ng Goodbye. Walang Good sa salitang bye.
Nginitian niya ulit ako.
"See you next time."pagkasabi niya nun ay tumalikod na siya tsaka patakbong lumapit kayla tita.
Huminga muna ako ng malalim bago humarap kela Kristine.
Nakita ko naman silang naka-cross arms,naka-angat ang kilay,naka-pamaywang,naka-bored look at nag papatunog ng buto. Bridget-Ayen-Jennie-Donna-Kristine yung arrangement nila kung gusto niyong pangalanan ko pa kung sino yung gumagawa ng ganon ganyan.
Si Emman? Ayun nakatanaw kay Jeanne kahit wala na.
Unti unti kong iniangat ang kanang kamay ko.
"Hi?"saad ko sabay kaway sa kanila.
Napalunok nalang ako ng lumapit sila ng sabay sabay.
"KYAAAH!"napatili nalang ako ng bigla nila ako pagbabatukan, pagsasabunutan, pagkukurutin, pagaapakan ang paa ko at pag susuntok sa braso ko.
"Bwisit ka talagang gaga ka!!!!!"gigil na sabi sakin ni Kristine habang sinusuntok parin ako.
Kahit sinasaktan nila ako...
Wala parin sa sariling napangiti ako.
Kasi alam kong tanggap na nila ako.
Ulit.
YOU ARE READING
Red String
Teen FictionWalong tao na magkaka-ibigan. Tutulungan ng isang taong bitter?! Pakielamera na kung pakielamera. Atlis walang sariling problema. Yan ang motto ng nag iisang Zandria Vastra. Ang match maker sa mga storyang naririto na dinaig pa ang bida sa dami ng P...
Chapter 5
Start from the beginning
