Madalas lalagyan minsan laruan
O kaya naman isang basurahan
Nagkalat lang sila kung saan-saan
Parang pabebe hindi mapipigilanMaamong tupa pag nakaharap
Yun pala tiyempo lang ang hanap
Malingat ka lang sandali
Mamaya iba na ang kanyang sinasabiLalapitan ka nila pag ika'y kailangan
Pag di naman ika'y kanilang iiwanan
Masakit man isipin pero yan ay katotohanan
Ngayon sabihin mo ganyan ba ang kaibigan?Kaya mag-ingat ka sa taong pagkakatiwalaan
Para ito'y hindi mo maranasan
Ikaw ay akin ng binalaan sana naman
itanim mo ito sa iyong isipan