Umiiling si Madam Kristin habang pinagmamasdan ang paggalaw ni DB.

“Ang batang iyon…” nakangisi niyang sabi. Bumaling siya sa akin at hinawakan ang braso ko. Awtomatiko naman akong napatingin doon. “We need to talk.” Mula sa ngisi ay pumantay ang labi niya.

Eto nanaman! Ano naman kayang pag-uusapan namin ni Madam Kristin at mukhang panibong ugali nanaman niya ang makikilala ko?

“T-tungkol po saan?” hindi ko pinahalatang iniisip ko ang binanggit ni DB sa akin kanina.

“My son.” Nanlaki ang mata ko. Suminghap ako at hindi makatingin sa kanya.

Of course she’ll ask me about Vincent! Sa inasal ba naman niya kahapon sa nanay niya eh kanino pa dapat isisi iyon? Eh kami lang naman ang nadoon. At ako ang pinag-uusapan nang biglang mag-walk out si Vincent sa amin.

“A-ano pong tungkol sa anak n-niyo?” kinakabahang tanong ko.

“Let’s go somewhere private first.” Hinawakan niya ang braso ko at iginiya ako paalis ng hallway.

Sumakay kami ng elevator at pinindot ni Madam Kristin ang papuntang rooftop.

Nang nadoon na kami ay saka nagsalitang muli si Madam Kristin sa gitna ng mahanging rooftop.

“I will get to the point, Ella.” Seryosong sabi ni Madam Kristin. “Vincent acted strange yesterday. At alam mong ikaw ang pinag-uusapan natin nang maging ganoon siya.” tiningnan niya ako ng diretso sa mga mata. Wala pa siyang tinatanong pero parang hinahanap na niya ang mga sagot sa mga mata ko.

Lumunok ako at nag-iwas ng tingin.

“Anong mayroon sa inyo ng anak ko, Ella?” mahina ngunit mariing tanong niya. I knew this is coming. Sa inakto ni Vincent, malamang kahit si Carmela ay may hinala na sa aming dalawa. Why did he even act that way in front of his mother? Ayan tuloy! Ngayon sigurado na akong wala ngang alam si Madam Kristin sa kung anong namagitan sa amin ni Vincent noon.

“W-wala po, Madam.” Sabi ko. Kumunot ang noo niya matapos ay tinaas ang isang kilay.

“Kung wala ay bakit parang halos sumabog siya nang sabihin kong ipapakilala kita sa bunso ko?” ang bilis na talaga ng tibok ng puso ko! Kinakabahan ako at hindi ko alam ang mga isasagot ko kay Madam Kristin.

“M-may… K-kasi po…” eksaheradang namilog ang mga mata ko nang makaisip ako ng pwedeng isagot. “Pasaway po kasi ako nun, bagsak, palaging nagrerebelde nung college ako at nung professor ko siya. Baka po ayaw niya lang ako para sa kapatid niya.” Sunod sunod at mabilis na sabi ko. Napangiwi ako nang biglang pumorma ang ngiti sa labi ni Madam Kristin.

“Is that really it?” tanong niya na parang namamangha.

Sunod sunod ang naging tango ko. Sana… sana ma-convince ko siya sa walang kwentang palusot ko.

Sopistikadang humalakhak siya. Hinangin ng ilang hibla ng buhok niya dahil sa malakas na hangin. Ganun din ako kaya inayos ko iyon at hinawi sa tenga ko.

“Ang anak ko talaga!” tumawa ulit siya. “How can I forget? He’s always been like that everytime Terrence goes on a blind date. Kesyo baka hindi maganda ang babae, hindi bagay para sa kanya, hindi matalino o ano pa. Masyado siyang mausisa sa mga dine-date ng kapatid niya.”

Laglag ang panga kong pinagmasdan siya nang marinig ang sinabi. Ganoon talaga si Vincent? Hindi ko alam na magwo-work ang naisip ko palusot. Nangingialam nga siya sa mga babae ng kapatid niya. Anong klaseng tao kaya ang kapatid ni Vincent? Masyado ba itong perfect kaya dapat perfect rin ang babaeng ibabagay sa kanya?

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Where stories live. Discover now