"K-kaya ako a-aalis kasi...m-may sakit ako. M-may b-brain tumor a-ako *huk* h-hindi ko s-sinabi sa inyo kasi..mag-aalala kayo---"
"Syempre mag-aalala kami Jeanne! Kaibigan mo kami eh! Bestfriend mo kami! Sana sinabi mo samin yun kaysa naman ikaw lang pati sila tita ang nakakaalam niyan! Jeanne nandito rin kami. Magkakaibigan tayo..para saan pa yung sinabi nating magbebe-bestfriend na 'NO SECRETS' kung ganyan lang rin ang gagawin mo?!"
Napahagulgol nalang si Jeanne
"Nga-ngayon pano si Emman?"
Hindi nakapagsalita si Jeanne dahil dun.
"M-magpapagaling ako..t-tapos b-babalik ako..."
"Sa tingin mo nandyan parin siya pagbalik mo?"
"E-ewan k---"
"Ewan mo? Ewan..mo?"
Sinampal ni Zandria si Jeanne!!! At syempre nagulat si Jeanne don
"Z-Zandria.."
Gulat na napatingin si Jeanne kay Zandria
At mas lalo siyang nagulat ng yakapin siya nito... at umiyak sa balikat niya
Niyakap rin siya ni Jeanne at nag-iyakan sila
Pagkatapos nilang magdramahan ay pumunta silang restroom pagkatapos para mag-ayos
"Z-Zandria..a-alagaan mo si Emman ha? M-mahal ko yun"ngumiti ng mapait si Jeanne pagkatapos sabihin yun..
"P-pag nawala yung pagiging torpe niya*pilit na tawa*t-tapos manliligaw siya sakin ,ako na feeling haha...b-basta pigilan mo ako ha? A-ayoko siyang masaktan sa pag-alis ko..."
End of Flashback~
Jennie's POV:
"A-aalis ka ba talaga?"naiiyak na tanong ni Donna.
Aalis siya...
Aalis siya...
Aalis siya...
Di ko namalayang nagsitulo na pala ang mga luha ko...
"Aalis ka...b-bakit?"patuloy parin ang paiyak ko..
"Guys."ngumiti ng pilit samin si Zandria."Ako na magpapaliwanag sa inyo ha? Di pa kasi kaya ni Jeanne. Tara"sinundan namin siya pero bago kami maka alis ng tuluyan sa garden ay nakita ko ang pagluhod at pag-iyak ni Jeanne..
"G-guys,"panimula ni Zandria pagkadating namin sa room nandito narin yung ibang kaklase namin..
"Emman kayo ba yung may gawa nito? Ang ganda ah..manliligaw ka na kay Jeanne noh?"tukso ng kaklase namin pero tulala lang si Emman at tila wala sa sarili.
"G-guys,"pigil ang luha na sabi ni Zandria..."S-Si Jeanne..m-may s-sakit siya. B-Brain T-Tumor. At kailangan niyang pumunta sa i-ibang bansa para magpagaling..."
"Y-you mean aalis si Jeanne?"
Marahang tango lang ang sinagot niya.
"E-Emman usap muna tayo? Tara."sumunod naman ng tahimik si Emman..
Emannuel's POV:
"Kelan pa?"sabi ko agad pagkalayo namin sa room. Pero hindi siya sumagot.
"KELAN PA?!"
"Yung araw na binigyan mo siya ng fries at burger."last 3 weeks..hah!
"Ilang linggo mo na pala alam,TAPOS HINDI MO MAN LANG SINABI SAMIN?!"galit na sigaw ko sa kanya.
Nagulat ako sa ginawa niya..sinampal niya ako...
"Ginawa ko yun kasi kailangan niya. Ginawa ko yun,kasi isa ko ko sa mga bestfriend niya. Ginawa ko yun--!"huminga muna siya ng malalim."Ginawa ko yun kasi alam kong magkakaganyan kayo!!--pag nalaman niyong may sakit siya!!--pag nalaman niyong aalis siya!"
"ANO BA NAMANG KLASENG DAHILAN YAN ZANDRIA---!!!"
"Oo na ang tanga na ng rason ko! Pero alam niyong lahat na hindi ko kayang tanggihan ang hiling ng mga kaibigan ko!"nagulat ako ng lumuha siya.."Mahirap para sakin na itago yun pero ginawa ko kasi yun ang gusto niya,kasi yun yung kailangan niya."pagkatapos nun ay naglakad na siya palayo...
Zandria's POV:
Mali ba yung ginawa ko?
Nakatulala lang akong nakatingin sa cp ko at hinayaan na mamatay ito..
"Z-Zandria.."napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Jeanne..
"Oh?"pinunasan ko ang luha ko"Bakit?"tsaka ako ng ngumiti.
"S-sorry kung dahil sakin..n-nagalit sila sayo..s-sorry."pinigilan ko ang luha ko.
"Ano ka ba naman wala yun noh,ayos lang yun sakin. Maayos rin namin to..maayos ko rin to."tsaka ako ngumiti ng pilit.
"B-bakit mo ba ginawa yun? B-bakit mo ko p-pinagbigyan?"humarap ako sa kanya syaka ngumiti ng totoo..
"Kasi kaibigan kita."
"P-pero andami mong kaibigan na nagalit sayo d-dahil sakin.."
"Kasi kaibigan natin sila."
"Huh?"nagtataka niya akong tinignan.
"Kasi kaibigan natin sila kaya ganon ang reaksyon nila.."pero tsaka lang natin malalaman kung totoo silang kaibigan kung hindi sila magagalit ng sobra sobra..may tiwala ako sa kanila
Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad palayo..naramdaman ko nalang ang mga luha na lumalandas sa pisngi ko..
YOU ARE READING
Red String
Teen FictionWalong tao na magkaka-ibigan. Tutulungan ng isang taong bitter?! Pakielamera na kung pakielamera. Atlis walang sariling problema. Yan ang motto ng nag iisang Zandria Vastra. Ang match maker sa mga storyang naririto na dinaig pa ang bida sa dami ng P...
Chapter 4
Start from the beginning
