Series of Unfortunate Events

23 3 2
                                    

Hindi ko alam kung anong meron last week pero parang na-marinate ako sa stress at kamalasan na tipong mahihiya ang adobo bilang week long ang pagkababad ko sa asim ng buhay. Lol.

Iniisip ko na lang na kailangang mangyari ang mga nangyari dahil boring na ang buhay ko at nasa mood lang ang tadhana na bigyan ako ng extra challenge para maging mas rainbow colored na ulit yung araw ko. Pero sobrang brutal mag trip ng tadhana. Sobrang sakit. Nakakamatay. Huwag lang syang magpapakita sa'kin, tatampal tampalin ko talaga siya ng power bank! Sobra na s'ya maka-itsa ng mga problema ah! Sunod-sunod? 'Di na pwedeng sumocial life? 'Di ba pwedeng may babe time din akong iniintindi? Lol.

Nagsimula ang lahat ng isang umagang ninanamnam ko pang bakat ng unan sa pisngi ko eh nagising na lang ako sa katotohanang nawawala yung backpack ko sa loob ng apartment at medyo bukas ang bintana. In denial pa ko na nakawan ako pero matapos ko balatan ang buong apartment at walang lumitaw na backpack, saka ko na lang napagtanto yung kamalasang lumukob sa buhay ko. Buti kung brief ko lang laman nung bag pero hindi, laman nun yung wallet ko, lahat ng ATMs, IDs, susi ng apartment, company laptop at ang buong buhay ko. Oo, kinuha nyang buong buhay ko!

Tulala ako sa kawalan at di ko alam kung anong uunahin, tawagan yung bangko para ipablock ang cards, magpa blotter sa barangay, kumuha ng police report dahil di naman bibilhin ng kumpanyang sabihin kong nanakawan ako ng wala man lang pruweba.

Huminto ang mundo ng mga oras na yun. Para 'kong lumulutang sa alapaap. Parang gusto ko na lang isipin na binabangungot ako't anomang oras ay gigising na sa isang normal na umagang laging yumayakap sakin tuwing mumulat ako pero di yun nangyari. Malupit ang katotohanan at nananakit ang realidad.

Pakiramdam ko nakatapak ako ng dwende at iniisip ko na lang na mag alay na lang ng itlog at buhay na manok para lang makaskasan ako ng kamalasan pero mula sa pagkatulala ko sa kalsada eto naman ang kuya ko't tumatawag at na-cesarian daw ang hipag ko't premature idedeliver yung pangatlong pamangkin ko. Gusto ko na lang mag walling sa poste ng traffic light. When it rains, it pours! Muntik na ko malunod sa buhos ng stress nung linggong yun.

But when everything gets rough and tough, I still had that tenacity to keep my lips above the water line, grasp for air, and turn all stumbling blocks into stepping stones.

Ganun pala talaga yun noh? Pag stressed at depressed ka, kahit ilang oras oh araw ka pang di kumain, di ka nagugutom, kahit anong pagod mo, di ka makakatulog, ganun ka delubyo ang buhay.

Pero gaya ng lahat ng pangit na bahagi ng buhay natin, gaano man ka hirap ang lahat, gaano man ka acidic ang araw natin, lilipas at lilipas din 'to. Ang mahalaga, natuto tayo - ang mahalaga..buhay tayo. Dahil sa sandaling sukuan natin ang buhay, sa sandaling piliin nating itigil na lang ang lahat at magpaubaya sa problema, doon.. Doon tayo totoong magiging talunan.

Naglalaway na Tinta sa Tuyong PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon