Breathing Some 'Probinsya' Air

46 7 8
                                    

Inihele ako ng huni ng kuliglig,
Ginising ng sopranong ibon,
Nagpunas ng ga-batong muta,
Nagmumog, nag-inat at nagbukas ng bintana.

Niyakap ako ng sariwang hangin,
Hinalikan ng maalindog na tanawin,
"Mahal kita", bulong ng maulap na langit.

Pilit akong pinangiti ng malawak na bukid,
Pinisil sa pisngi ng mga naliligaw na kulisap,
Kinindatan sabay yakap ng malamig na hamog,
Nagsasabing "Dito ka lang, sa tabi ko, sasamahan kita, hanggang sa'ting huling hininga!"

Pilit akong pinangiti ng malawak na bukid,Pinisil sa pisngi ng mga naliligaw na kulisap,Kinindatan sabay yakap ng malamig na hamog,Nagsasabing "Dito ka lang, sa tabi ko, sasamahan kita, hanggang sa'ting huling hininga!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sinara ko ang bintana,
May ngiti sa labi,
Inimpake ang gamit,
Iiwan ang probinsya,
Pagtataksilan ang pahinga,
Upang kumita muli ng pera,
Sa syudad kung saan ang meron lang ay ako at wala 'siya',
Walang 'tayong dalawa'

*insert teary eyed icon*

Cheezines FB Post: 08/28/2016 6:AM

Naglalaway na Tinta sa Tuyong PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon