Sana Makita Mo!

24 2 4
                                    

Sana nakikita mong sarili mo,
Yung makasalanang ikaw,
Yung pinakatatago mong pagkatao,
Tumatagos sa maitim mong kaluluwa.

Sana nakikita mong sarili mo,
Yung maligalig mong puso,
Yung batang nagtatago sa dibdib mo,
Yung ikaw na puno ng takot at duda,
Yung pagkatao mong puno ng misteryo.

Sana nakikita mong sarili mo, Yung maligalig mong puso,Yung batang nagtatago sa dibdib mo,Yung ikaw na puno ng takot at duda,Yung pagkatao mong puno ng misteryo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sana nakikita mong sarili mo,
Dahil sa pagkakita mo sa tunay na ikaw,
Makikita mo ako,
Nagmamahal pa rin sa'yo. :)

Shet! Ang powet este poet ko na! Hahaha

*** Sorry. Ngayon lang ulit nakapag update. Wala na kong gana sa Wattpad. :'( ***

Naglalaway na Tinta sa Tuyong PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon