"Pantasya"

76 11 8
                                    

Ang mundo'y kailan man'y 'di makakaalam,

na minsan'y nagkaroon ng "ikaw at ako",

Dahil sa panaginip ko,

Ito'y pinakamatamis na pantasya ko.



Hindi sa nalulungkot ako para sa'yo,

Ngunit sadyang luha ang dulot ng mga ngiti mo,

Dahil ngumingiti ka para sa isang tao,

at ang taong iyon ay hindi ako.



Kung madatnan mong ikaw'y napapaisip,

Kung anong mayroon sa "ikaw at ako"?

Lubayan mo na.

Dahil alam kong naniniwala ka sa kapalaran,

at ang kapalaran mo'y hindi ako.



Kaya nga't magiging ganoon,

Ang alam lang ng mundo'y "ikaw at siya",

At walang naging, nagiging at magiging "ikaw at ako"

Tanging sa "pantasya" ko. 


*****************************************

Lakas maka-MMK ng tula ko na 'to. Lol. Pero kung trip mo ang ganitong senti at gusto mong makabasa ng mas marami pa, please see my story titled: "How to Marry a Guardian Angel" 

Chapter 10 ata siya. :)

Naglalaway na Tinta sa Tuyong PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon