Chapter 49-Reconciliation

Start from the beginning
                                    

Let me clear this to you guys. Wala akong malalang sakit or something. Normal lang naman sa isang tao ung magkaganito diba? Atsaka kulang lang ako sa iron kaya ako naging anemic. Wag kayong mag-alala guys. Gwapo pa din ako. (Ay anong connect? Haha.)

Kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa ko para tignan kung may text ako galing kay Kylie. Nabigla ako kasi... wala man lang text galing sa kanya. Aba! Talagang nainis sya sakin nung weekend?!

Dinial ko ang number nya. After ng ilang rings, sinagot na nya.

"Oh?" pambungad nya.

"Huy, galit ka ba sakin?" tanong ko.

"Hindi. Bakit ako magagalit?" sus. halata sa boses nya na galit sya.

"Kasi hindi ako nakapagparamdam sayo nung weekend. Hindi kita natext. Sorry na."

"Bakit ka nga ba hindi nakatext?" see? Yun talaga ung reason.

"Nilagnat ako eh." sagot ko.

"M-magaling ka na?" napangiti ako sa tono ng boses nya. Mula sa pagiging galit, naging concern na.

"Opo. Magaling na ako. Dinaanan lang naman ako ng lagnat pero ok na ako. Sorry na ah?"

"Tch. Oo na. Alagaan mo nga ang sarili mo. Wag mong hayaan ang sarili mong magkalagnat. Tsk. Nag-iisa ka pamandin sa bahay."

"Aalagaan mo naman ako diba?"

"Kahit pa. Kahit na alam mong may magaalaga sayo, dapat matuto ka ding magalaga ng sarili mo. Hindi all the time nasa tabi mo ako." sabi nya.

"Linya ko yan ah. Kakasuhan kita ng plagiarism." biro ko.

"Tungak. Wala kang copyright kaya hindi mo ako makakasuhan. Geh. Babye na. May exam na kami."

"Ok. God bless."

"Ok. Thanks." then she hung up.

---

After nung subject ko ay vacant kaya pumunta akong basketball court. Mag-a-alas tres na din pala. Kumuha ako ng bola saka nagsimulang magshoot.

Ang tagal na din pala simula nung nakatapak ako sa basketball court at magshoot sa ring ng school. I used to play for the school as a varsity player but I have to quit for some reasons.

Nung mga panahong iyon, magkaibigan pa kami ni Jared at straight pa si Enzo. Nagsimula lang naman akong magquit nung... nagkaroon ng issue saming dalwa ni Jared then sumunod si Enzo dahil lumantad na pala sya.

Hindi kami madalas magkasundo ni Jared. Ika nga nila, your bestfriend is your best enemy. Kaya siguro hinding hindi kami magkaayos ng matagal ni Jared.

But everything comes into reconciliation right? Kaya pa naman sigurong magkaayos ayos kami.

Nakakailang shoot na ako sa ring nang biglang may dumating. Pagkatingin ko si Jared pala na naglalakad palapit sakin.

"It's been a while, huh?" kinuha nya sakin ang bola at shinoot ito.

I smiled, "Yeah. Ang tagal ko din palang hindi nakakatapak sa court."

"Me too. Nakakamiss din palang maglaro." he said habang naglalakad at dinidribble ang bola.

Magkatapat kami sa isa't isa at tila ba nagiging awkward ung atmosphere sa aming dalawa. Sa haba ng katahimikan, sobra itong nakakarindi. Ngunit, nasira ang katahimikan nang sya'y magsalita...

"Please take care of her." pambungad nya.

"I will."

"Hindi ko toh sinasabi dahil may feelings pa ako sa kanya. Oo, nagmamalasakit ako sa kanya. Pero pinagkakatiwalaan din kita." sabi nya.

My Bully Best FriendWhere stories live. Discover now