Chapter Fourteen

107 9 1
                                    

"Princess will you please stop crying?" Mommy said while brushing my hair with her fingers. I didn't listen to her instead I let her cuddle with me. Hindi ko alam kung paano kami nakapasok ng bahay at napunta sa sala.

"Honey, let her be. Ngayon na nga lang yan naglalambing sa atin eh." I can sense Daddy said that with a smile. Oo ngayon lang ulit, I used to isolate myself from my family. Sobrang sumama ang loon ko noon kahit pagsabay kumain sa kanila ay hindi ko magawa. Sa apat na taon ganoon ang set up namin, nahirapan ako. Sobra, dahil gabi-gabi ay alam kong pumapasok si Mommy sa kwarto ko pag alam n'yang tulog na tulog ako. She hugs and kiss me while saying sorry repeatedly.

I know that is the most heartbreaking moment in every child's life, seeing your mother cry in pain because of you. Hindi ko pinangarap na mangyari yun kahit kailan.

"My, can I sleep with you tonight?" malambing na tanong ko.

"of course you can and I would love to sleep beside you. Dalaga na kasi kayo ni Gail kaya minsan kahit gusto kong katabi kayo hindi na lang ako nagsasabi. Bakit kasi ang bilis-bilis nyo lumaki at magkaisip, parang dati lang hindi ka titigil sa iyak kapag hindi mo katabi si Mommy."

"Do you want something? nagugutom ka ba?" umiling ako kay Daddy.

"I just want mommy to join me in a bath"

"Puro ka nalang Mommy, kanina mo pa nga yakap yan eh. Paano naman ako?"

"Dad stop it, hindi bagay sayo. Ngayon ko nga lang masosolo si Mommy eh, kokotra ka pa" Dad sigh in disbelieve. Umakto pang naiiyak.

"Fine, I'll just go to my study room. Enjoy your girl bonding." Daddy kiss my temple and mommy's too before he turned his head.

Inaya ko umakyat na kami sa kwarto ko pero sabi ni Mommy may dadaanan muna kami. We went to the stock room in the right wing of our house. Naunang pumasok si Mommy dun kaya sumunod na lang ako.

I didn't expect the view I'll see inside. Puro pink with the touch of white ang paligid. There are  lots of different bags in the floor, it was perfectly arranged. Nakita kong pumunta si Mommy sa harap ng walk in closet at binuksan yun, tumabad sa akin ang ibat-ibang klaseng damit. Pansin ko halos kapareho nito ang nakita kong sinusuot ni Gail. Sa table naman nasa dulo ay may make up kit at ibat-ibang accessories akong nakita na maayos na nakalagay roon.

"Kay Gail 'to, My?" mommy shook her head. Hinawakan n'ya ang kamay ko.

"Sa'yo ito anak, sa apat na taon na nagbirthday ka hindi mo tinatanggap ang regalo mo sa amin. You always celebrate your special day by yourself, kaya lahat ng regalo namin ay tinago namin dito. Naniniwala kasi ako na hindi mo ko kami matitiis isang araw, magiging open ka rin sa amin."

"My, I'm sorry" naramdam ko na lang na ang luha sa pisngi ko.

"Wag kang magsorry anak, tapos na yun at alam kong malaki ang naging kasalanan ko sayo. I shouldn't do that, edi sana.."

"My, sabi mo nga tapos na d'ba?"

"Sorry anak ang iyakin ng Mommy mo" tumawa lang at niyakap si Mommy. Kumuha s'ya ng ilang gamit roon. You can see excitement in her eyes, pinabayaan ko na lang. Nakakamiss din palang magdamit ng matino.

We bath together, naunang lumabas si Mommy para ihanda ang damit ko. Sumunod din ako pagkaraan ng ilang minuto, tumambad sa akin ang isang pares ng jammies na kulay pink. Kinuha ko yun at sinuot yun. Ala-singko na pala ng hapon, ngayon ko lang napansin.

So halos 4 na oras kami bumiyahe ni Jero kanina?

Speaking of Jero, agad hinanap ng mata ko ang iPhone ko. Nakita yun sa side table, I tapped my password and scan my messenger. Maraming missed call at txt galing sa pamilya ko at kay Raze, other than that wala na.

The Casanova's Target Where stories live. Discover now