Chapter Two

634 28 2
                                    

Lumabas ako ng Canteen pagkatapos kong kainin yung binili naming dalawa ni Raze. Sayang kaya yun!

Dumiretso ako papuntang Locker Room, magpapalit na ako ng pang p.e tutal pagkatapos ng dalawang subject pupunta na kami sa field para i-meet si Sir. Pagtapak ko palang ako sa second floor, ang dami nang estudyanteng nagkukumpulan sa hallway.

"Oppa, this is real right? You guys chose me after Veniece." ano daw? Pinagsasabi nito ni Ferlyn?! Nakatayo siya harap ng tatlong Demonyo habang hawak-hawak yung red na origami.

"Of course, Baby." Eww. I think I'm gonna puke. Baby daw? Kadiri.

"Mcjean Oppa! " namumulang usal niya habang nilalapit ni Blonde boy yung mukha niya . Hinalikan siya nito sa noo at ang gaga papikit-pikit pa.

"See you later at our penthouse Baby" sabi nung Jero. Yung isa naman kumindat pa bago sumunod sa dalawa na paalis na. Okay anong eksena yun?

Lumakad na silanh tatlo papunta sa pwesto ko, nasa likod ko lang kasi yung hagdaanan. Hindi ako tumabi o gumilid, bakit sino ba sila?! Psh.

Napamulsa lang ako at sumandal sa railings ng hagdan. Kumindat yung isang lalaki sa akin, inismiran ko lang siya.

"Tabi" ngumisi lang ako sa kanya—Jero ata pangalan neto. Ako tatabi? Bakit naman ako tatabi?

"Tabi Sabi!" sigaw niya. Nagtaas baba lang ako ng balikat bago sumipol.

"Bingi ka ba?!" dagdag niya. Lahat ng mata napunta sa amin.

"Chill Jero, baka nagpapansin lang yan sayo" kibot nung A.M. Asa dude, asa.

"Yah! Pagsinabing tumabi ka! Tumabi ka!"  so yung blonde pala yung Mcjean. Nice, mukha siyang labanos.

"Tabi ba?" tanong ko. Tumango sila, Okay gagawin ko. Umusog ako ng kaunti tapos sinipa ko yung Trashcan papunta sa kanila. Bumukas iyon at kumalat ang basura sa paahan nila.

"What the Fuck?" Hoy anong problema mo?" nagkibit-balikat lang ako umalis na sa pwesto ko at naglakad na papuntang locker room.

"Bastos to! Hoy Kinakausap ka pa namin" hindi ko na sila pinansin dahil tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang recess time.

Nagbihis ako pagtapos pumunta na sa Classroom, nasa hallway palang ako pero halos lahat ng mata nakatitig sa akin.

"Problema nyo?" tanong ko kaya nagiwas sila ng paningin.

"Gwen!" napatingin ako kay Raze. Halos masuka ako ng makita ko ang T-shirt na suot niya. Yung McJean yung nasa t-shirt niya and of couse may caption iyon na "He's Mine" yuck. Gusto nila iyon? Eh mukha ngang clown yun eh sa sobrang tingkad ng kulay ng buhok.

"Hubarin mo nga yang suot mo! Kadiri ka!" sabi ko pero binatukan niya lang ako aba't gago 'to ahh!

"Anong kadiri? Ang cute nga eh. Ang Cute ko diba?" I just rolled my eyes. Nasaan ag cute ? Hindi ko ata makita? E' wala namang aso dito sa hallway eh.

" Walang Hiya ka! Malandi! Mangaagaw!"

"Hind ako Malandi! Sadyang maganda lang ako, kaya ako na ang gusto nila! Eh ikaw? Pinagsawaan  na! Ikaw ang malandi! Gusto mo si Jero pero hinalikan mo sila A.M?!"

The Casanova's Target Where stories live. Discover now