Prolouge

1K 35 2
                                    

"Gwen" napa-angat ako ng tingin kay Razzelyn. Anong problema ng babaeng 'to?

"Bakit ba? Kung tatanungin mo ko kung may assignment ako sa math, to tell you honestly meron at hindi kita papakopyahin so get lost" isasalpak ko na sana ang earphone sa tenga ko nang hilain niya yun. What the Hell? Butthell.

"Hindi iyon! Halika na kasi" hinila niya ko palabas ng classroom at dinala sa may corridor kung saan makikita sa taas ang ginagawa sa ground floor which are the freedom walls are located. Since nasa second floor kami ay kitang-kita ko kung paano lumuhod si Vaniece sa harapan ng tatlo. Nanlaki ang mata ko nang ginawa niya iyon, she is our SSG president. Matapang siya at hindi nagpapasindak maski na sa mga pasaway naming classmate pero ngayon iyon nasa baba siya at nakaluhod sa tatlong Gago. Bullshit.

"Jero please, please don't do this." pagmamakaawa nito. Napatingin ako kay Razzelyn, umiling-iling siya sa harap ko habang sinasabi ang word na "Pity". Napatingin ako sa mga studyanteng nakatingin lang at nanunuod,P*ta. Hindi ba nila siya tutulungan?!

"Ano bang nangyayari Raze? Bakit hindi nila tinutulungan si Pres?" nagtatakang tanong ko.

"Hindi pwede" iling na sagot niya. Mas lalo akong naguluhan.

"Bakit hindi pwede? They obviously bullying her! That was against to school rules" iritadong sagot ko.

"Stop asking. Manuod ka muna, mamaya ko ipapaliwanag sayo ang lahat" seryosong ani n'ya. Napabuntong hininga nalang ako. I really don't understand what's happening right now. Ito na nga ba ang mahirap sa pagiging isang anti-social e'.

"Jero, mahal kita" sigaw ni Pres na nagpa agaw pansin sa amin. Ang dalawang lalaki ay umiling lang samantalang yung isa tumawa ng malakas. Hindi ko makita ang mukha niya, nakatakip kasi ang kalahati ng buhok niya sa mukha niya.

"Mahal mo ko? Pinagloloko mo ba ako huh?!"

"Jero totoo mahal kita, ikaw yung pinili ko sa inyong tatlo"

"So why did you Kiss A.M? And McJean too?"

"Jero" nagsimula nang umiyak si Vaniece sa harap nito. Kinuha nung Jero yung C2 na hawak nung kasama niyang lalaki na may kulay ang buhok bago lumapit sa kanya yung Jero at lumuhod din para magpantay ang mukha nila.

"Slut" napasinghap kaming lahat ng buhusan siya nang Jero yun ng C2 sa ulo. Tumalikod ito at nagsimula nang maglakad para sundan ang dalawang kasama nito na palabas na sa Main Door pero nang nasa pinto na ito ay humarap yung Jero at itinapon sa mukha ni Veniece ang boteng hawak nito. Ngumis pa ito bago tuluyan na lumabas. Jackass!

Lahat ng studyante ay nagsilabalikan na sa kani-kanilang classroom.

"Gwen saan ka pupunta?" hindi ko na pinansin s Raze at agad akong bumaba papuntang ground floor. Nilabas ko ang panyo mula sa skirt ko at dinaluhan si Veniece na umiiyak pa rin habang nakayuko at yakap-yakap nito ang mga tuhod niya. Hinubad ko ang unang patong ng uniform ko at long sleeves na lang ang natira. Inilagay ko iyon sa balikat ni Veniece bago tumayo sa harap niya.

"Tumayo ka d'yan, tayo!' sigaw ko. Nanginginig naman siyang sumunod. Binigay ko ang panyo na nasa kamay ko. Kinuha naman niya iyon habang humihikbi pa.

"Ayusin mo yang sarili mo. Naturingan kang SSG President pero hindi ka disiplinado, umayos ka Veniece. Ipakita mo sa amin na karapat-dapat ka diyan sa position mo hindi yung nagiging mahina ka dahil lang sa walang kwentang lalaki" tumalikod na ako at akmang aakyat na papuntang second floor pero natigilan ako nang tawagin niya ang pangalan ko.

"Gwen, salamat." hindi ako humarap. Diretso lang ang tingin ko. I'm not that sweet and caring person. Hindi ako yung tao na magtatanong ng "Okay ka lang?" o magsasabi ng "Okay lang yan." Panlalait o pagsasabi ng totoo ang way ko para mangcomfort ng tao.

Nang makabalik ako sa Classroom, wala parin yung subject teacher namin kaya sinalpak ko nalang sa tenga ko ang earphone at hinanap sa playlist ko ang kantang "No other words". I want to know who the hell are they, I want to know why they did that. Butthole sila ! ang papanget naman nila para mangbully.

The Casanova's Target Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon