Chapter Nine

508 22 4
                                    

UNEDITED.

Razelyn

"500 lang naman 'to. Makatanong ka naman ng statisfied akala mo ang laki ng binigay mo!" Ngumuso lang ako sa kanya at pumasok na sa loob ng High Feels. Bumugad sa akin ang dami ng bilang ng tao sa loob, mas maraming babae at mga binabae kesa sa mga lalaki at karamihan ay may kanya-kanyang ginagawa o kaya'y naghihiyawan.

"The Angels must notice our group, right girls?"

"Ofcourse, para saan pa itong printed banner natin para hindi mapansin? Hindi katulad ng iba diyan poorita. Yuck, hanggang cartolina at pentel pen lang ang kaya." Sabi ng dalawang babaeng nakablue v-neck shirt na may animated picture ng tatlong member ng Art Angel. Hindi naman sa nakikinig o nakikiisyuso ako sadyang ang lakas lang talaga g boses ng dalawang yun at parang nagpaparinig---ay hindi nagpaparing nga dahi sumagot din ang mga nakaputing shirt na pangalan naman ng tatlo ang nakaprint out sa mga damit n'to.

"Hoy! Kami ba pinariringgan nyo?! Bakit anong masama kung cartolina at pentel pen itong gamit namin? We're just being creative and artistic. Nageeffort kasi kami kahit papaano at mas maappreciate naman nila to' kesa diyan sa printed banner nyo na binyaran nyo gamit ang pera ng magulang nyo. Mga spoiled!"

"Oo nga! Ang dami nyong arte sa buhay eh sa pare-parehas lang naman tayong fan dito kaya wag kayong maginaso!" Base on internet, may dalawang most active fans Club ang Art Angel sa Pilipinas at sa tingin ko sila nga ang tinutukoy roon.

Those girls whom wearing the blue shirt are the Artistic Angel Fans Club or AAF in short while the white one are the Angel Lover Forever Fans Club or ALF. The AAF were consisting 3,000 members while the ALF were 10,000 and up. Mas marami daw sumasali sa ALF kesa SA AFF dahil wala raw itong masayong requirements para makapasok ka samatalang sa AFF kailangan may ibubuga---ibig sabihin mayaman, maganda and everything else. Sarap gumawa ng sariling fans club tapos ang initials ay NFA para kilala ng mga tao especially ng mga kargador sa bigasan.

Siguro kung sumama sa akin dito sa loob si Gwen ay masusuka lang yun sa pangalan ng mga fans club, knowing her she hates things like this. Kumbaga nagsasayang ka lang daw ng oras, pera at pagod sa mga labanos na walang kwenta. Minsan tinanong ko na rin siya kung bakit labanos ang tawag niya sa tatlo, isa lang ang sagot niya----- ang puti daw kasi ng mga ito at laging iba't iba ang kulay ng buhok na parang alien.

Medyo nabutt hurt ako dun---medyo lang naman, sympre alam ko naman kung sino ang pinakatinutukoy niya eh. Si McJean My hubby, Malabo na ba ang mata ni Gwen at hindi niya makita na iyon ang pinakanakakaturn on kay McJean? Ghad. Hindi niya lang alam pero kapag tumutugtog na sila at paghawak na ni McJean ang drum sticks niya sumasabay ang buhok niyang nakapakatuwid at tingkad sa pghehead bang niya na nakakadagdag ng 100 % niyang karisma.

Pakiramdam ko ay sasabog at nagsisiwalaan ang oxytocin (love hormone) ko pagnakita ko yun mamaya. Oh my goodness! I wanana die beybe. Pero bago yan kailangan ko munang magtransform dahil may isang bagay akong gustong siguraduhin, ayokong maniwala hanggat hindi ko nakikita. Sabi nga nila to see is to believe. Pak Ganern!

Sumilip muna ako sa stage, wala pa naman ang asawa ko kaya keriboom pa ito. Dumiretso ako sa women's comfort room alangan naman sa men d'ba? Okay waley. Pagpasok ko dun, panay ang pagmamake up nila ate-may nagplaplantsa pa nga ng buhok. My ghad, I hate drugs.

Akala nyo magpapaganda din ako nuh? Tsk. Tsk. Beri beri wrong kayo. Dahil hindi ko na kailangan yun, ang ganda ko na kaya baka pag nagayos ako maging dyosa na ako whahahahaha, okay ang hangin. Back to the business why am I here, pumasok ako sa isang cubicle. Tinakpan ko ang bowl para ibuhos doon ang laman ng violet kong shoulder bag, sana wag magtaka si Mama mamaya. Inuna ko munang gamitin ang eyeliner na dala ko, gamit ang salamin ng foundation ko ay sinimulan ko nang kapalan ang kilay ko----este maglagay ng kilay. Unfortunately, manipis kasi yung eyebrows ko sa sobrang nipis eh pag natapat ako sa sinag ng araw ay nagiging kalahi ako ni Mona lisa.

The Casanova's Target Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon