Chapter 8: Jealous?

158 10 0
                                    

Axsel POV

"Nico?!" Sigaw no habang si Katelyn wala man lang reaction ay oo nga pala may amnesia sya kaya hindi nya maalala yung classmate namin na malapit sa kanya.

"Hi Katelyn" masayang bati ni Nico pero hindi sya maalala ni Katelyn.

"Umm... sorry di kita kilala. Ano ba yung pangalan mo?" Tanong ni Katelyn kay Nico.

"Bro can we talk?" Tanong ko sa kanya tumango sya at sinundan ako.

"Tristan anong ginawa mo kay Katelyn bakit di nya ako nakilala? Ginawan mo ba sya ng masama ha? O baka naman siniraan mo ak--" sunod sunod na tanong nya saakin

"Wait lang ha medyo mahina ang kalaban hinay hinay lang. Si Katelyn at ako ay walang ginawang masama, pangalawa wala akong ginagawa sa kanya, pangatlo ay hindi kita sinisiraan sa kanya. Nagka......amnesia siya dahil niligtas nya ako mula sa dump truck, ayan ha malinaw na sa iyo."

"Buti na lang kahit binubuly mo si Katelyn mabait pa sya sa iyo at niligtas ka pa nya." Sabi nya habang umiiling

"Hindi ko naman ginusto yun kaya nga ngayon nagpapaka bait ako sa kanya para man lang medyo makabawi bawi ako." Sabi ko pero parang wierd ang itsura nya para bang may inis at galit syang nararamdaman.

"Alam mo ba na..."  sabi nya saakin

"Na ano?" Tanong ko naman

"Na..... meron akong gusto sa kanya simula nung nerd pa sya kaya nga nung nalaman kong nabunggo sya ng truck bigla akong umuwi dito pero sabi ni mommy kailangan daw ako ni Nicole kaya pinabalik nya ako sa Japan." Paliwanag nya. Bakiy ganun? Ako naman ngayon ang nakaramdam nang galit sa kanya.

"Bro sorry pero nung nawala ka naging kami ni Katelyn." Yan na lamang ang lumabasa sa bibig ko.

Pagkatapos ko yun sabihin bigla na lang sya tumakbo papunta kung nasaan si Katelyn.

Sinundan ko agad sya at nakita ko na niyakap nya si Katelyn. Lumakad ako papunta sa kanila at hinatak papunta si Katelyn palayo sa kanya.

"Get away from her!" Sigaw ko sa kanya oo nagseselos ako at oo alam ko rin namang wala akong karapatang magselos pero hindi ko mapigilan yung sarili ko.

Kinanuha nya saakin si Katelyn. "Katelyn di mo ba talaga ako natatandaan? Ako to si Nico, Nico Niel Roxas.".

"Sorry di talaga kita natatandaan." Sagot ni Katelyn

"Don't pressure her, hindi ka talaga nya natatandaan!" Inis kong sabi sa kanya.

"I think don muna kami sa labas magusap muna kayo dyan." Sabat ni tita Danika.

"Your right tita pwede po ba isama nyo na din sila mommy dito para makapagusap muna kami ng maayos nila Katelyn at Nico."

"Sure. Tara na Anya, Tony." Aya ni tita Danika kila mommy at daddy.

Umalis na sila mommy, daddy, tita Danika at tito Kent. Binaling ko agad ang ulo ko kay Nico at tinapunana ko sya ng masamang tingin.

"Katelyn totoo ba na kayo na ni Axsel?"

"Di ba Nico pangalan mo? Ok Nico kung ano ma ang sinabi sayo ni Tristan totoo lahat nang yun." Sagot ni Katelyn sa kanya. "Sorry talaga pero nag iiskandalo ka na dito sa bahay nila Tristan kaya pwede bang umalis kana at nakakasakit lang sa ulo ang away nyo!" Dugtong pa ni Katelyn na mayhalong pagkairita.

"Fine! Pero ito ang tatandaan nyo sisirain ko kayong dalawa!" Sigaw nya sabay alis.

Katelyn POV

Umalis na yung Nico.

"Tristan sino ba sya at kung ano-ano yung sinasabi nya? Sa tingin nya parang syang naiinis sayo."

"Katelyn ganito kasi yun. Sya yung isa sa mga bff mo dun sa Saint Kamikaze Academy nung inaaway kita o lets just say na binubuly kita sya yung nagtatanggol sayo parang sya yung knight and shining armor mo kaya sya nagakakaganun pero sinabi nya na gusto ka nya at nasabi ko naman sa kanya na tayo na kaya ganun sya kagalit sakin. Alam mo naman na talagang hindi tayo pero ayaw lang kita masaktan kasi player yun kaya yun ang nasabi ko." Paliwanag nya sakin.

"So ibig sabihin kasali sya sa grupo mo?" Tanong ko sa kanya

"Hindi may ib--wait Katelyn nakaka-alala ka na?" Opps nadulas ako dun ah pero nasabi ko kaya panindigan ko na lang.

"Oo pero yung pambubuly mo lang saakin yung naaalala ko." Paliwanag ko sa kanya.

"Ahh sorry dun sa mag pinag--"

"Ok I will forgive you, just answer my question first." Pag putol ko sa sinasabi nya.

"Si Nico hindi kasali sa grupo ko saka may iba silang grupo ang 'players' yun ang pangalan ng pinamumunuan nya. Sya yung nagapapanggap sayo na mabait pero hindi."

"So kailangan ko syang iwasan kasi player sya?" Tanong ko naman.

"Exactly!" Sigaw naman nya na ikinagulat ko

"O ba naman nagseselos ka lang kaya gusto mo syang ipaiwas saakin?" Sabi ko habang tinutusok-tusok yung tagiliran nya.

"Hoy hindi ah!" Medyo pasigaw nyang sabi pero halata ang pamumula nang mukha nya.

"E bakit namumula yung pisngi mo?" Pangaasar ko sa kanya.

"Hindi nga! Tara na nga puntahan na natin sila mommy." Galit nyang sabi. Nakakatuwa sya kapag inaasar ang cute nya kasi tapos para pang bata kasi lumalakad ng padabog.

Tumayo na rin ako at sinundan sya papunta sa mga parents namin.

Yung malapit na ako nakita ko si Tristan nakikinig sa likod ng pader at nagtatago. Pinuntahan ko sya. "Hoy ano ba yang--"

"Shush nakikinig ako sa pinag uusapan nila." Ay chismoso pala ito eh.

Bumalik na lang ako dun sa sala nila para manood ng T.V. hay nako ang dami ng channels pero wala akong nagustohan niisa kaya pinatay ko na lang. Maya-maya nag call of nature ako nung number one lang ha.

Pumunta ako dun sa taas baka makahanap ako ng cr dun. Inisa-isa ko yung mga pintuan nasaktuhan ko naman yung kwarto ni Tristan puro picture ko yun tapos meron pang isang picture namin dalawa yung nagpunta kami sa mall kanina kaya naman pala ganun yung itsura nya kanina kasi nag seselos sya.

Hahaha ngayon alam ko na yung secret nya. Paano kaya kung hindi totoo yung nasa isip ko.

A/N

Bakit kaya ang daming picture ni Katelyn sa kwarto ni Tristan? Paano na kaya si Nico? Masasagot ang mga katanungan na yan sa next chapter atttttttt....... pwede po kayong mag ask ng question saakin comment down lang po♥♥ love you all readers
         

Cast:
♥Jeon Jungkook as Tristan Axsel Fernandez♥
♡IU as Katelyn Denise Santiago♡

My Fiance Is Marrying The Wrong Me #Wattys2017Where stories live. Discover now