Chapter 15: Pagsisisi at Pagbabalik ng pagmamahalan

1 0 0
                                    

Hindi pa rin makapaniwala sa nangyare si Kristina. Hinihiling na lang niya na sana ay bumalik ang lahat sa dati. Iyak siya ng iyak habang nakatitig sa walang malay na katawan ni Renio.

Nagpaliwanag na rin si Kristina kung anong nangyare. Humingi agad siya ng pasensya sa pamilya ni Renio. Hindi naman nagalit ang pamilya ni Renio kay kristina. Siya na lang ang pinagbantay sa Ospital para makabawi man lang kay Renio.

Sinabi na rin ni Kristina sa mga magulang niya ang tungkol sa nangyare kay Renio. Laking gulat ng pamilya ni Kristina dahil kailan lang ay nakikita pa nilang masaya at masigla si Renio.

Kristina: Unggoy.. gumising kana diyan. Patawarin mo na ako sa mga ginawa ko. Pangako ikaw na lang ang pagkakatiwalaan ko. Ikaw muna ang pakikinggan ko bago sila. Please naman.. (Habang humahagulgol kakaiyak)

Lumipas ang ilang buwan wala paring bakas ng paggising sa katawan ni Renio. Apat na buwan na siyang coma. Pero patuloy pa rin sa pag-aalaga si Kristina sa kanya.

Hanggang sa lumipas ang isang linggo ay binalita kay Kristina na gumalaw ang mga daliri ni Renio.
Magandang balita para sa pamilya ni Renio at pati na rin kay Kristina. Halong kaba at saya ang nararamdaman niya. Kaba na baka dahil hindi na siya magustuhan ni Renio.

Lumipas ang tatlong linggo, naabutan ng mga nurse na nakadilat at nakangiti si Renio sa higaan. Kaya agad tinawag ang buong pamilya pati na rin si Kristina.

Kinakausap nila si Renio pero hindi ito nagsasalita. Naigagalaw na ni Renio ang kanyang katawan, mga paa at mga kamay. Pero di pa rin siya nagsasalita..

Hanggang sa dumating si Kristina. Na ikwento ng ate ni Renio na si Kristina ang madalas na nag-aalaga at nagbabantay sa kanya.

Kristina: Ren? Kamusta na pakiramdam mo? (Habang naluluha at nakahawak sa kamay ni Renio)

Renio: (di nagsasalita pero hinila nito si Kristina at niyakap niya ng mahigpit)

Napaiyak na ng tuluyan si Kristina dahil sa ginawa ni Renio. Sa kabila ng mga ginawa niyang kasalanan kay Renio, buong loob pa rin siyang tinanggap nito.

Bago pa sila umuwi ay nakapag-salita na si Renio..

Renio: Namiss ko kayong lahat (nakangiti)

Nagulat ang lahat at agad yumakap isa isa kay Renio.

Habang na biyahe pa uwi sinabi ni Kristina na naghihintay sila Aeron, Patrick at Christian sa bahay nila Renio. May inihanda silang konting salo salo dahil na rin sa paggising ni Renio.

Aeron: Pareeee! Ang tagal mong natulog! Langya ka, tulog is life! Hahahaha!

Patrick: wag mong sasabihin sa akin na inaantok ka ah. Dapat 4months ka ding gising! Hahahaha

Christian: Pre, welcome back to the jungle Hahahahaha

Nagtawanan ang lahat dahil sa pambungad na sinabi nila kay Renio.

Renio: Mga ulupong namiss ko din kayo. Di parin kayo nagiging tao Hahahaha! Tara kainan na. Gutom ako Hahahaha

Habang naglalakad papasok ay napansin ni Renio na nasa dulo sa likod si Kristina kaya agad niya itong nilapitan. Niyakap ni Renio ng mahigpit si Kristina

Renio: I miss you. Sorry sa lahat ng ginawa kong mali ha. I love you. Bati na tayo unggoy ha? (Nakangiti niya itong sinabi)

Kristina: Nakakainis ka. Kahit ako ang may mali, nakukuha mo paring maging ganyan sa akin. Diba dapat galit ka sa akin? (Naluluha)

Renio: Hahaha mapang-asar, makulet, at pilosopo ako. Pero hindi palagi. May gantong side parin naman ako at madalas ko yon ipakita sa mga love ones ko Hon. Wag na umiyak, okay? Nanghihina ako eh. Hahaha

Kristina: huhuhu, i love you too. I'm so sorry kung ano man ginawa ko. Nahihiya ako sayo (nakatungo)

Renio: Shhh. Chin up baby, honey, unggoy o ano man yan. Wag kang mahiya. Basta, pagkatiwalaan mo ako okay? Kung tingin mo madali sa akin ang lokohin ka, nagkakamali ka. Ikaw ang first ko. Ba't ko naman sisirain diba. Ako din ang first mo. Ayokong sayanging ang chance. Bati na tayo. Shh. Tara kain na tayo. Hihihi

Fall For YouWhere stories live. Discover now