Chapter 9: Hidden talent

1 0 0
                                    

Papasok na sa klase ang apat, nang bigla silang harangin ni Ser. J

Ser. J: Pst. Mga mokong! Hahaha

Aeron: Yes ser? Hahaha mokong talaga?

Ser. J: Hahaha biro lang. Onga pala.. magkakaroon ng dance contest at singing contest sa Course natin. Dapat magkaroon o atleast may sumali sa section natin kahit isa doon sa contest.

Patrick: Ayy! Renio! Sakto oh. Singing contest at Dance contest daw! Kahit ano diyan kaya ni Renio ser.

Ser. J: Oh talaga? Akala ko tarantado ka lang, talentado ka rin pala Hahahaha

Renio: Grabe ka ser! Kahit may pagka pagong yung utak mo sa mga jokes mapang-asar karin pala. Hahaha

Ser. J: Loko ka ah hhahaha. Oh ano. Sali kana?

Renio: Sige ser. Mas gusto ko sa Singing contest. Sali ako diyan.

Ser. J: Oh good. Mamaya mag sasample sa klase ko ah. Magdadala ko ng Guitara.

Renio: Ngek. Osige. Pero saglet lang sir ah. Hahahaha

Ser. J: Oo hahaha

Habang nag aantay ang buong klase kay sir. J ay nagkaroon ng asaran sa pagitan ni Erika at Kristina.

Kristina: Erika! Sali ka daw dance contest kailangan daw parehong kaliwa ang paa. Hahahaha!

Nagtawanan ang buong klase sa sinabi ni Kristina.

Erika: Grabe ka sa akin be! Sali ka naman singing contest, kailangan daw boses ipis doon Hahahaha!

Nagtawanan nanaman ang klase habang nagaasaran ang dalawa. Biglang dumating si Sir. J kasama sila Aeron, Patrick, Christian at Renio. May dalang guitara si sir. J at sinabi nitong tutogtog si Renio sa klase dahil siya ang napili na sasali sa singing contest. Bigla namang nagsalita si Kristina.

Krsitina: Marunong ba yan sir? Baka naman puro kalokohan nanaman yan Hahahaha!

Sir. J: Shut up kristina. Baka pag narinig mo si Renio kumanta magbago ang pagkakakilala mo sa kanya.

Napahiya si Kristina sa klase at biglang nagsalita si Renio..

Renio: Hahaha okay lang yon sir! Basta gagalingan ko na lang para di tayo mapahiya lahat.

Habang tahimik ang buong klase ay siyang tugtog ng napakalinis na himig ng guitara kasabay ng napakalamig na boses ni Renio. Namangha ang buong klase. Ang mga kamag-aral nilang babae ay kinikilig sa himig ng boses ni Renio. Si Kristina naman ay nakatulala kay Renio sa sobrang pagkamangha. Gayundin si Erika.

Pagtapos niyang mag tumugtog at kumanta ay sinalubong ni Kristina si Renio..

Kristina: Ang lamig ng boses mo Ren. Hahaha! Galingan mo sa contest ah?

Tumingin si Renio sa kanya at pasimpleng ngumiti.. sabay sabing..

Renio: Salamat ah. (Nakangiti)

Agad umalis si Renio, wala siyang ibang sinabi kay Kristina kundi salamat lang. Nagulat si Kristina dahil akala niya ay kakausapin na siya ni Renio. Pero hindi parin siya pinapansin nito.

Nagusap si Lyka, Christian at Kristina habang nakaupo sa labas ng campus.

Lyka: Ang galing ni Ren kumanta noh. Halatang kinikilig si Kristina eh.

Kristina: Hahaha. Oo, kinilig nga ako. Pero di parin naman niya ako pinapansin hahaha

Christian: Hahaha alam mo kung bakit?

Kristina: Bakit ba chris?

Christian: Nung nakaraang buwan diba na nagkasagutan kayo. Dinamdam ni Renio yung mga sinabi mo sa kanya eh. Tad iyak kapa ng iyak. Alam mo ba Kristina.. ayaw na ayaw ni Renio may nakikita siyang umiiyak na babae kahit di siya yung dahilan bakit umiiyak yung babae.. eh ano pa yung last month na siya yung dahilan ng pagkainis at pagiyak mo diba? Kaya imbis na asarin, pansinin at kausapin ka niya.. siya na umiwas para di ka na niya uli makitang umiiyak.

Kristina: uhhmm.. naging over acting din siguro ako that time kaya di ako naging aware sa mga binitawan kong salita. I feel sorry for him. Hays.

Christian: Tsaka Kristina.. wag ka maingay ah. Pati ikaw Lyka ha? May sasabihin ako sainyo.

Lyka and Kristina: Ano yon?

Christian: Kristina... si Renio kasi may paghanga siya sayo kaya niya ginagawa yon. Di rin nagtagal parang nagugustuhan kana niya. Kaya niya lang naman nasabi yong about sa kinagalit mo ay dahil nagseselos siya. Diko alam, pero dahil siguro na lagi siyang andiyan for you pero di mo siya pinapansin at lagi kang galit sa kanya, samantalang yung James na yon di ka naman pinapansin pero mas napapansin mo. Diba..

Kristina: Totoo ba yan Chris?

Christian: Oo. Di ko lang alam ngayon kung anong feelings na ni Renio sayo. Ang tagal niyo ng di nag uusap eh. At si Erika na yung madalas niyang kabangayan. Tsk. Sayang.

Kristina: Sumakit ulo ko. Tara uwi na tayo.

Fall For YouWhere stories live. Discover now