Chapter 3: Christian being good boy

1 0 0
                                    

Nagtaka ang tatlo sa ikinikilos ni Christian sa klase. Palagi itong nakangiti at mabait sa mga kaklase. Hindi nang-aasar at may pagkatahimik na ito. Kumpleto na rin palagi ang homework at assignment ni Christian.

Ang dating puro pang-aasar, pangungulet, di nagawa ng assignment, di nag papasa ng homework ay naging Goodboy na. Kaya naman tinanong na ni Patrick kung bakit siya nagkakaganon.

Patrick: Oy, chris.

Christian: Pre? Wala ko pera ah.

Patrick: Lul mo. Goodboy kana ah. Dati si Ren lang kumpleto ss Homework at mga assignment ah. Hahahaha!

Christian: Pre. Kasi si Lyka, masipag siya at mabait. Kaya binabago ko yung mga mali sa akin. Para kung sakaling mapansin ako ni Lyka, di nakakahiya diba. Hehehe

Patrick: AYOOON! HAHAHA

Ilang linggo ang lumipas ganon ang naging pagbabago ni Christian. Sobrang laki..

Sa ilang linggo na lumipas naging mas malalapit na sa isa't isa ang mga magkakaklase. Si Christian napapansin na siya ni Lyka. Si Patrick ganon parin.. si Aeron ka'close na niya yung katabi niyang chix daw, ang pangalan ay Reynalyn pero may pagka-boyish kaya parang naiilang siya pormahan. Si Renio naman patuloy parin ang pang-aasar at pang-iinis kay Kristina.

Ilang araw makalipas nag-balita ang kanilang adviser na magkakaroon ng Sportfest sa campus. Magkakalaban laban ang bawat Kurso. Kaya maaga palang pinaghahandaan na nila. Dahil 23 lang silang lalake sa kanilang Section at ang iba ay di marunong lumaro ng Basketball. Sa babae naman walang prinoblema ang Prof. nila dahil madaming magaling sa Sport na Volleyball sa section nila.

Habang pauwi sila Renio, Aeron, Patrick at Christian ay may napag usapan sila about doon sa sinasabing sportsfest sa campus.

Christian: Pre, ang lalake ng ibang kalaban. Hirap tayo neto.

Aeron: Hahahaha! Edi pagtripan nalang natin. Basic pre.

Renio: Hahahahaha! Wag, training na lang. Bumuo na tayo ng solid na team bukas. Hehe

Kinabukasan, nagpatawag agad ng meeting ang apat. Total silang apat ang mas marurunong sa larong Basketball sila narin ang nagdesisyon kung sino ang isasali sa Team nila.

Sa mga babae naman, si Reynalyn ang namumuno dahil varsity eto ng volleyball noong highschool pa lamang siya.

Lahat ng kalahok ay di na makapag hintay sa darating na Sportsfest sa kanilang Campus..

Fall For YouWhere stories live. Discover now