Chapter 5: Heartaches

1 0 0
                                    

Ilang araw makalipas ay nagkaroon ng salo salo ang magkakaibigan kasama sila Reynalyn at Lyka.
Habang busy silang kumakain ay napansin ni Renio si Kristina na naglalakad sa labas ng kinakainan nilang karinderya.

Renio: Bebe Kristina!

Hindi siya nilingon ni Kristina dumire-diretso lang ito ng lakad.

Pagtapos nilang kumain ay bumalik na sila sa classroom para sa susunod na klase. Habang nag aantay ng Prof. ang buong klase ay nilapitan ni Renio si Kristina para asarin.

Renio: Hi bebe. Snobbers ka talaga noh.

Kristinaa: Wag mo nga ako pinagkakausap ngayon Ren. Wala ko sa mood ah.

Renio: Lagi ka namang wala sa mood eh. Araw araw ka atang parang dragon Hahahaha!

Tinignan lang ng masama ni Kristinaa si Renio kaya naman agad umalis si Renio para di na siya masaktan.

Habang nagkaklase ay may naitanong ang kanilang professor na si Ser. Gonzales about sa nangyareng away sa Sportsfest..

Ser. Gonzales: Class. Anong nangyare last week bakit na disqualify at natalo kayo?

Nagtaas ng kamay si Renio

Renio: Ser. Paano kase sinasaktan na ako nung James eh. Diko din alam kung bakit. Siguro dahil nakikita niyang lagi kaming nag aasaran ni Bebe Kristina. May gusto ata yon kay Kristina eh.

Buong klase: Ayiiiii.

Renio: Hahahaha! Magkakagusto na lang si James sa parang dragon pa kung magalet. Naku! Kawawa siya kay Krsitina Hahahahahaha! Dapat don na lang siya sa model niyang ex, safe siya don!

Nagtawanan ang buong klase habang si Kristina ay namumula sa kahihiyan dahil sa mga pinagsasabi ni Renio. Sinabi rin nila Lyka na hindi tama yung ginawa ni Renio.

Ser. Gonzales: Stop Renio. Bullying ka masyado.

Nakita ng buong klase na umiiyak si Kristina. Kaya naman pagtapos ng klase nilapitan ni Renio si Kristina para humingi ng sorry.

Renio: Uy. Krisitina bebe, sorry na.

Krsitina: Pwede ba renio? Ilugar mo naman yang pagiging mapang-asar mo? Nakakasakit ka na di mo ba alam? Sobrang sama na nga ng pakiramdam ko dahil sa James na yan, dadagdag ka pa? (Pasigaw niyang sinabi habang tumutulo ang kanyang mga luha)

Reynalyn: Bakit masama pakiramdam mo kay James, beh?

Kristina:Sa ilang araw na lumipas.. sinabi ni James na gusto niya ako. Kaya naman umaasa ako na may chance kami. Pero kanina lang may inaakbayan siyang babae sa canteen. Ansaket. Kasi highschool pa lang gusto ko na siya. Magkaschoolmate kami. Hindi niya ako napansin kahit isang beses dati, kaya ngayong napansin niya ako tuwang tuwa ako.

Reynalyn: shh. Tahan na.

Nagsalita bigla si Renio..

Renio: Kristina sorry na.

Tumayo si Kristina at sinampal niya si Renio..

Kristina: Kung akala mo natutuwa ako sa mga pang-aasar mo nagkakamali ka! Sobrang naiinis at naiirita ako sayo! Please naman?! Tigil tigilan mo na yang pang-aasar mo. Mag mature ka naman! College kana Renio! Tigil tigilan mo na rin ako sa mga kakatawag mo ng Bebe, nakakainis lang, alam mo ba yon? Sorry pero nagtitimpi lang ako sayo! Kung pwede nga lang wag mo na ako kausapin, please?! Mas matutuwa pa ako sayo! Tigilan mo na ako!

Sabay tulak ni Kristina kay Renio. Umalis si Kristina sa classroom at si Renio naman ay natulala sa mga sinabi ni Kristina. Parang nilukot-lukot ang damdamin ni Renio sa mga sandaling iyon.

Habang nag-aayos ang buong klase para sa class dismissal ay nilapitan ni Renio si Kristina..

Renio: Kristina, sorry ha. Promise di ko na uulitin yon.

Pero hindi siya pinansin ni Kristina.. dire-diretso lang lumabas si Kristina na parang walang kumakausap sa kanya..

Pagdating sa bahay ni Renio ay hindi niya maiwasang mapaluha sa sobrang sakit ng mga nalaman niya. Yung akala niyang taong natutuwa sa mga pang -aasar niya ay nagtitimpi lang pala ng galit sa kanya.. masakit din sa kalooban niya dahil nagugustuhan na niya si Kristina..

Fall For YouOnde histórias criam vida. Descubra agora