Chapter 14: Hurtful truth

0 0 0
                                    

Dalawang buwan na ang nakakalipas. Matatapos na ang unang semester pero di pa rin kinakausap ni Kristina si Renio. Galit pa rin siya dito.

Sunod sunod rin ang pangit na kaganapan sa buhay ni Renio. Bumaba ang mga grado, sobrang tahimik at laging natutulala. Hindi narin sumasama sa mga galaan ng mag babarkada.

Ilang linggo bago magtapos ang semester ay hindi nagpapapasok si Renio. Kaya naman na bahala ang buong klase pwera lang kay Kristina. Wala siyang pakealam kay Renio.

Habang nasa loob ng classroom ang buong klase kasama ang adviser nilang si Ser. J ay may dumating na babae para ipagbigay alam sa kanila ang nangyare kay Renio.

Namukaan ni Kristina ang babae. Yung babaeng yon ang nakita niya na kayakap at kasama ni Renio sa picture.

Nagpakilala ang babae sa harapan. Ang pangalan niya Elena..

Elena: Hi. Magandang hapon po sa inyo. Ako po si Elena. Nais ko lang pong ipagbigay alam na nasa ospital si Ren ngayon. Four days before po nahold up, binugbog at nasaksak po siya habang pauwi galing school. (Umiiyak) sana po ay mabisita niyo ang aking pinakamamahal na Pinsan,(nagulat ang buong klase lalong lalo na si Kristina) parang napakalaki po ng problema non nitong nagdaang buwan. Napakabigat, iyak siya ng iyak at di makausap ng maayos tapos ganto pa mangyayare. Pagtapos niya akong tulungan sa problemang financial at problema ko sa asawa ko ay gayun naman na wala akong maitulong sa kanya kundi ito na lamang. Sana naman ay bisitahin niyo siya. Coma po siya ngayon, kahit hindi niya kayo nakikita pero alam kong ramdam niyang nandoon kayo para sa kanya. Salamat

Buong klase ay nag alala at hindi maiwasang tumulo ng luha ni Kristina sa nalaman niya. Para siyang lalamunin ng konsensya niya sa ginawa niya.

Pumunta ang iilan sa mga classmate ni Renio kasama sila Aeron, Christian, Patrick, Reynalyn, Lyka at Kristina.
Nakita nilang nakahiga at walang malay si Renio. Madaming saksak sa katawan at lamog ang muka sa bugbog.

Iyak ng iyak si Renio habang humihingi ng patawad.

Kristina: Hindi ko alam gagawin ko. Ano bang ginawa ko at di ako naniwala sa kanya. (Habang iyak ng iyak) i'm so sorry Hon. Gising ka na diyan please.

Lyka: Tahan na be. Magiging okay din si Renio. Shh. Tahan na.

Hindi natigil ang pagluha ni Kristina.

Fall For YouOnde as histórias ganham vida. Descobre agora