Chapter 31

635 9 0
                                    


CHAPTER 31
"Move"

August 12, 2021
7:00 AM

• Jaxton •

Nagulat kami nang makita namin si Ate Sakura na lumabas ng kwarto nya. Bihis na bihis sya. Hindi pangpatay kundi, susugod sa gyera para pumatay. She has a deadly aura. Kita ko din ang mga weapons nyang nakasabit sakanya.

"Ate?" sabi ko. I hesitated a bit because I'm pretty sure she's mad at me.

"What?" malamig nyang sabi habang nakakatakot na nakatingin sakin. Muntikan na akong manginig sa takot. Unti unti syang lumapit samin. Kita kong napalunok ung mga kasama ko.

Pero nagulat ako nang ngumiti si Ate sakin at ginulo ang buhok ko, "If you think I'm mad at you, I'm not."

Nagtataka akong nakatingin sa kanya pero nakahinga na ako ng maluwag, "T-Talaga? What happened to you?"

Ngumiti ulit sya, "Basta." umupo sya sa tabi ko at biglang nagseryoso habang nakatingin sa screen ng macbook nya, "Continue what you're doing. Kailangan ko pa rin mahanap ang pesteng Boss at organization na yan. Including Dharyll." malamig nyang sabi.

Tumango ako at ginawa ang mga dapat kong gawin. I'm doing my best para i-hack ang site ng mga Men in Black.

"Do what you gonna do, Jax. Maglilibot lang ako." sabi ni Ate Sakura at hinila si Kuya Red.

Napailing nalang ako habang nakangiti sa kanila. Sana magkaayos na talaga yung dalawang yun.

• Sakura •

"Are you mad?" bungad na tanong nya sakin nang hinila ko sya palabas. Kinuha ko ang susi sa bag ko at sumakay sa kotse. Nakasunod sya. Nasa shotgun seat sya while I'm at the driver's seat.

Nagseatbelt ako, "No, I'm not mad." sabi ko at tumingin sa kanya. "Di ako galit sa inyo. Siguro it looked like I was angry at you guys but the truth is, I'm mad at myself. Galit na galit ako sa sarili ko dahil wala man lang akong nagawa para iligtas sya." Red wiped by tears. "Actually, I had a dream about her. She's happy up there. Di nya ako sinisisi sa pagkamatay nya. But I swear, I'll kill those fucking people that's responsible for her death."

He hugged me and wiped my tears away. I hugged him back and kumalas na din. I started the car and nagdrive na paalis.

"Where are we going anyway?" he asked.

"Mag iikot lang tayo. Magnamasid sa paligid. Malay mo nandyan lang sila, di lang natin nahahalata. But we're not going to the Gangster Ground. It's obvious na hindi na sila pupunta dun. Dahil pag nandun sila, alam nilang ubos sila pagdating ko."

Lumiko ako sa isang intersection.

He nodded, "Okay. But, you haven't eaten, right?"

Saktong umingay ung tyan ko sa tanong nya. Napairap nalang ako nang tumawa sya ng malakas.

"Ugh, shut up, Red."

"Okay, okay—pffft—I'll stop. Tumigil ka muna dyan sa tabi. I'll buy something for us." sabi nya. Sinunod ko sya at nagpark ako sa tapat ng isang convenience store.

TNITLGQ 2: Ruthless Queen (Complete)Where stories live. Discover now