07

521 31 55
                                    


WALA ng ikakasama pa ang tingin ko kay Jisoo ng bigla na lang siyang dumating ng WALANG BACK UP.

Ngina nito. Magpapakahero ba siya?! Paano kung binugbog siya ng mga to?! O kaya patayin siya?! Paano kaming dalawa kung sakal—

"Damn it," bulong niya, di ko narinig ngunit nabasa ko sa bibig niya. Iirapan ko na sana siya pero may katuloy pa pala yun, "Tsk. Kwon Hoshi, Wen Junhui, Lee Jungchan, I told you not to follow me!," nakukunsumisyong sigaw niya.

At mula sa madilim na parte ng pintuan ay lumabas ang tatlong lalaking nagkakamot ng ulo at tatawa-tawa pa. Di ko na alam kung kukunot ang noo ko o ngingisi dahil may mga kasama pala siya.


"You even brought your friends. Naduduwag ka na ba ngayong mag-isa?," pang-aasar ni Joshua P.

Ngali-ngaling ihampas ko sa kanya ang upuang kinatatalian ko, kung di lang ako nakatali! Bwisit! At di rin ako makapagsalita dahil may busal na naman ang bibig ko! Ang hirap kaya huminga?!

"Aba. Eh ikaw nga kailangan mo pang mangidnap ng inosenteng," Jun glanced at me with furrowed brows, "...cheerdancer...para lang magpapansin kay Jisoo. At sa liblib na lugar mo pa gusto makipag-eyeball. Sino kaya ang duwag sa inyong dalawa?," asar na sumbat ni Jun.

If I can just smirk, I will. Galing ng sagot eh. Aapiran ko pa sana kaso nakatali ako.

Nagsalita ang isa sa triplets na kasama ni Joshua Parkingina-niya. Yun yung pinakagwapo sa kanila eh. Si Loki.
"Ang payatot na to ang galing magsalita," Loki grinned at Jun, "wala namang ibubuga. Buto-buto," panlalait niya.

Panandaliang nagdilim ang paningin ni Wen Junhui. Pero ilang sandali lang ay parang wala lang din sa kanya dahil nang-uuyam na nginisihan niya ang kasagutan. Loki's eyes darkened. Para bang naintindihan niya kung anong meron sa tinging iyon ni Wen Junhui.
"Ang basted na to, ang galing magsalita," Jun's smirk widened, "basted naman lagi sa admirer ko. Panget," balik panlalait ni Jun.

Kung pwede lang humagalpak ng tawa ngayon siguro kanina pa nananakit ang tiyan ko sa dami ng tawa ko. Talo kasi si Loki?! Ayun pasugod na sana pero pinigilan ni Parking-ina.

I know who they are talking about. Jeon Wonwoo. Ang dakilang stalker nitong Tsinong kaibigan ng labsq. Di nga lang obyus na stalker at admirer yun dahil sa pagmumukha at kaseryosohan sa araw araw na pamumuhay. Ilan lang naman ang nakakaalam ng trip niyang yun. Itong si Jun, kabarkada niya at siyempre ako na tagasunod kay labsq. Sa pag-i-stalk ko sa kanya ng ilang buwan na, halos kilala ko na lahat ng nakapaligid sa kanya, including yung mga umaaligid at yung mga nakapaligid at umaaligid sa mga nakapaligid at umaaligid sa kanya. Igets niyo to.

"Let go of Jeonghan. Why are you involving this man?"

Napatingin ako kay Jisoo na nakatingin din sa akin. Magkasalubong ang mga kilay niya ngunit wala akong makitang kahit na anong emosyon sa mga mata niya. Hayan na naman ang abnormal na tibok ng puso ko. Sighs. Jisoo kasi eh.


Joshua P. chuckled. Pero hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin tulad ng ginawa ni Jisoo. Nagsasawa na ako sa pagmumukha niya, baka kapag nakawala ako dito eh tanggalan ko siya ng balat sa mukha. Nakakastress siya! Panira pa ng titigan portion?!

"I think you already know the answer to that question," sagot ni Joshua sa kanya.

Nagdilim ang paningin ni Jisoo. Kumuyom ang mga kamao niya.
"He has nothing to do with me," mariin ang pagkakasabi ng mga salitang iyon mula sa kanya. He glanced at me pero agad din siyang nag-iwas nang magtama ulit ang mga mata namin. And I can't help but get curious and pained.

I have nothing to do with him...

Stalker lang naman niya ako. Pero yun lang yun. Ni hindi nga kami magkaibigan.

"And penguins fly," Joshua chuckled again. Maya-maya ay narinig ko ang mga yapak ng sapatos papalapit sa pwesto ko. I looked at Park's and saw him walking towards me. I moved away but I'm tied to the chair so wala din akong nagawa. I looked at Jisoo and widened my eyes, asking for help.

Humarap ka sa akin, qaqo! Alam kong wala kang pake sa akin pero tulungan mo naman ako?!, I shouted, but my voice is muffled because of the tape in my mouth.

"You wouldn't be here if he's not important—"

"He's not. I'm here just to give you what you want," mabilis niyang putol sa sinasabi ng lalaki.

Hindi ko maiwasang tingnan siya ng masama at ng sumusumbat na tingin. My eyes burned with uncontrollable  tears and any moment now I know they'll fall one by one.
Ewan ko ba, mga salita lang yun pero parang ang sakit sakit na. Wala naman kaming relasyon at di naman naging kami para magreact ako ng ganito pero ang sakit sakit talaga.

I'm no important to him.

Pero kung maka-he's mine siya sa tawag kanina?! Letse, umasa na naman ako. Akala ko naman seryoso na siya, kainis, kainis.

Ang sarap tawanan ng kagagahan ko. Ang feeling ko kasi. As if naman magugustuhan talaga ako niyan at aangkinin pa. In love na nga siya sa iba diba? Oo nga pala. Bakit ngayon ko lang naalala?

Parang gusto ko ng humagulgol ng todo todo ng maalala ko ang tunay na rason kung bakit ko siya sinusundan-sundan. I needed his side of the lovestory his girlfriend asked me to write...

I forgot the real thing. Parang hindi ko iyon naisip sa ilang buwang pagsunod-sunod ko sa kanya. All I always say to him was I needed his side, I needed something from him, I want something from him. And now,  clearly, I didn't know what I was pertaining to before. Was it still his point of view or something else?

"Shh, don't cry, Jeonghan. Obvious na nasasaktan ka sa sinasabi niya eh."

Halos napapitlag ako ng marinig ko ang boses na yun sa mismong malapit sa tenga ko.
Pu—

Pumaling ang ulo ko at sakto namang bumaling din siya sa akin. Wala ng ilalaki pa ang mga mata ko ng maramdaman ko ang pagdikit ng mga labi niya sa labi ko. But thanks to the tape, hindi talaga kami nagkiss! But still, Joshua P?! I had a kiss with Joshua P?!

Nanlaki din ang mga mata niya. Mabilis siyang umatras at namula ang buong mukha niya. Tumikhim tikhim siya at halatang kinompose niya ang sarili.

"Jiso—"

Parang kasing bilis lang ng hangin ng tumilapon si Joshua Park. Nanlaki ang mga mata ko when I saw the triplets lying on the floor. And Jisoos's beating Joshua to pulp, mas nanlaki ang mga mata ko.

Nagsusuntukan na shit! I mean, may nabugbog na! Hala!

——
Ran

Magkakasunod na lame uds. I know I know. Sighs. I'm trying :<

#JIHANWALANGTITINAG

romance • jihanWhere stories live. Discover now