002

646 39 75
                                    


"MUKHA kang tanga, Jeonghan."

Inirapan ko si Seungcheol habang inaayos ang suot kong salakot at lumang polo shirt. Pinagpag ko ang maluwang na maong pants at ipinadyak padyak ang maputik at sira sira kong converse na shoes.

"Gwapo ko nga, eh. Saan ka makakakita ng poging magfifishball? Ako lang ang ganun," sabi ko.

He sighed na parang nakukunsumisyon. Nang tingnan ko ay umiiling siya.
"Mukha ka pa ring tanga," pilit niya.


I grinned. I tapped his shoulders before I kissed his right cheek. He sighed again. At nginisihan ko lang din ulit siya.

"Support mo na lang ako, bes," I told him.

He glared at me. "Bakit ba kita kinukunsinti sa mga kalokohan mo? Ang tagal mo ng ginagawa yan, ah. Hanggang ngayon di ka pa tapos?," naiinis niyang tanong.

"Kasi ito ang biggest story na magpapayaman sa akin!," sigaw ko.
Bumelat ako sabay mabilis akong lumayo habang tulak tulak ang tinda kong fishball.


I laughed aloud when I heard him calling my name. Sumakay ako agad sa bike at nagpidal.

May photoshoot ngayon si Hong Jisoo. I mean, ang buong banda nila. Siya ang lead guitarist ng grupo at sub vocal. Pero mga bes, ang ganda ganda ganda ng voice niya, mas maganda ba sa vocalist nilang anak ng kadiliman.

Kailan ko lang din nalaman na kasali pala siya sa isang banda. Kung di ko pa siya instalk ng sobra, nganga pa rin ako sa talent niya hanggang ngayon. Akala ko dati model lang siya ng pabango eh.

Pfft. Ang bango niya kasi. Ang landi ko.


Natanaw ko na ang kumpulan ng mga tao mula sa malayo kaya mabilis akong nagpidal para lumapit. Hindi naman gaanong madami ang mga tao kaya kahit nasa likuran ako ay kita ko pa rin ang nangyayari sa harapan.

Nagningning ang mga mata ko. I clasped my hands in my chest and smiled widely.

Syet! Nagmemake up palang sila! Ganda ng timing ko!


Tumingin tingin ako sa paligid at hinanap siya. Nagkalat ang ilang members at nageentertain ng mga fans. Bumaba ako ng bike ko at saka inikot ulit ang paningin.

Asan kaya yun? Nagmemake up palang kaya?





"Kuya, pabili."

Tinapik ko ang istorbong kamay na humawak sa laylayan ng tshirt ko at nagpatuloy sa paghahanap. Pero ilang sandlai lang ay may kumulbit an naman sa may tagiliran ko na siyang nagpatalon sa akin sa gulat. May kiliti ako doon!


"Sino ka bang istor—"

"Kuya, pabili po ng fishball," sabi ng batang nabungaran ko. Saglit akong natigilan sa kacute-an niya. Matutuwa na sana ako kung di lang siya nagsalita ulit, "Ate ka pala. Ate Ganda, pabili po. Sampung kikiam at sampung pisbol."

Napafacepalm ako. Di ko alam kung matutuwa ako o hindi sa puri niya. Inabot ko ang bayad niya at tiningnan siya ng mataman. "Di ako ate, bata. Kuya ako. Kuya. Maganda lang si kuya," imporma ko sa kanya.

Nagtusok ako ng pisbols at kikiams at nilagay sa baso saka binigay sa kanya. Ngumiti naman siya ng matamis sa akin ng iabot ko iyon kaya nawala din agad ang inis ko.

Ang cute niya pala. Super. Parang may kamukha nga siya eh. Gwapo din siya. Parang...parang...ako. Parang...parang...si Jisoo. Hahaha, parang anak lang namin siya?

Joke. Nababakla na naman ako.



"Thank you po, kuya Ganda," he thanked, cheerily.

romance • jihanWhere stories live. Discover now