Binati niya rin si Aira nang mapansin niyang magkasama kami. At dahil dun, nagsimula na silang magharutang dalawa. 'Wag po kayong magtaka kung ganyan sila. Close po talaga yang mga yan. Nakilala kasi ni Aira si Jhayden dahil sakin. Kapag kasi pupunta ako ng NCR pagkatapos ng klase, inihahatid ako ni Jayjay doon bago siya dumiretso sa Student Council Room. At yun ang nagiging oras nilang dalawa para magdaldalan.

"Okay, okay tama na yan. Kumain na tayo." pagputol kong sinabi sa paghaharutan nilang dalawa, sabay pasok ko na sa loob ng fast food. Iniwanan ko sila sa labas, gutom na ako e. :)

•••

At dahil kasama naming kumain si Aira ngayon, ang inorder ko ay spaghetti. Hindi kasi papayag ang kikay na 'to na nakaupo sa harapan ko na magkaiba kami ng kinakain. Si Jhayden naman na katabi ko ang nagchickenjoy ngayon. Habang nagkukuwentuhan sila ay sarap na sarap naman akong inuubos yung spaghetti ko. But suddenly, a common scenario happened again.

"Aaaaaaaahhhhhh!" ay kalabaw! Ano ba 'tong mga babaeng 'to, agad-agad na tumitili. Pasakan ko ng tinidor mga bunganga nito e. Nakakainis na kasi, durog na kaya yung eardrums ko hindi ba nila alam? And what will you expect for this? The scream of those higad girls is the common sign that they are here... the Cupid Heartthrobs. Parang manok lang yan e, titilaok lang yan kapag lalabas na yung araw. Katayin ko silang lahat at gawing fried chicks makita nila e.

"D*mn! Let's go guys. Nandito na naman yung mga troublemakers." A guy behind me said that, irritated. Saka siya tumayo kasama ng dalawa pang lalaki at agad na dumiretso palabas ng Jollibee. Sinundan lang namin sila ng tingin hanggang sa tuluyan na silang mawala. Halata sa mga hitsura nila ang inis sa sinabi.

"Troublemakers?" Aira asked. Saka siya bumalik ng tingin samin. "Did you hear that guys? They called Cupid Heartthrobs as troublemakers." Me and Jhayden both nodded. I don't have any idea tungkol dun kaya mas pinili ko na lang na manahimik. Until... my two eyes clearly witnessed the answer.

Isa-isa nang pumasok miyembro ng Cupid Heartthrobs. Ramdam ko pa rin ang pagyanig ng buong fast food sa sigawan pa rin nila. Yung lalaking may nakasabit na headphone sa leeg at nakasuot ng white Converse na hanggang tuhod, as usual si Rhenz yun, siya yung unang pumasok. Sumunod naman si Jeronne na makabullcap naman, malapit na yung report namin pero hanggang ngayon ay hindi pa kami nag-uusap ng lalaking yan. And who's next? Oh gosh! My angel, Paul Bryan Monteverde entered the door. Ang pogi niya talaga! Feeling ko nasa heaven ako kapag nakikita ko siya.

Heaven, heaven, heaven until... I saw a monster! Bagsak sa hell! (>____<)

Huling pumasok sa loob ang Scyde na yun. Argh! Nakita ko na naman ang lalaking yun, nakakasira ng araw. Pffft. Nakasuot siya ng shades na mas nagpalabas ng kagwapuhan niya. Sus, hitsura mo! Sarap sanang sumigaw ng, "woaaah! Ang taas ng araw sa loob ng Jollibee!" kaso ayoko, eksena yun e. Nakasuot siya ng white shirt na mas nagpalutang ng kanyang sex appeal, making those higad girls scream louder. Okay, he's good looking but... nevermind.

Ibabaling ko na sana ulit yung tingin ko sa pagkain ko nang may mapansin na naman akong kakaiba. Nang pumila na kasi silang apat ay isa-isa namang nagsialisan yung mga istudyanteng nauna sa pila sa counter, dahilan para makaorder sila kaagad. So ano yun? Give way ganun? Ganun ba talaga 'pag sikat? Pero ang mas nakakapagtaka ay ang expression ng mukha nila. Para silang takot na takot na madikit man lang sa apat na yun. Bakit kaya? Hindi naman siguro sila mababaho noh? E bakit ganun?

Pero isang medyo nerd naman na istudyante ang nagmatigas na hindi umalis sa pila at tuluyang umorder ng pagkain niya. At dahil dun, nagsimulang magbulungan ang Cupid Heartthrobs, maliban kay Jeronne na nakatayo lang sa huli ng pila habang nakatingin ng seryoso sa kanila. At para sa'n naman ang bulungan na yun ha?

Back to YouWhere stories live. Discover now