She cupped her chubby cheeks and looked at her equally blue eyes.

"If there's one thing your Grandpa treasures most, it's his family. He will do everything and anything in his power to protect it. Have faith in him, Arianne. You are special to him."

"How do you know? The other kids said—"

"Oh, never mind what the other kids said. They don't matter anyway."

"But," the little girl paused as she looked at her clasped hands, "Grandpa can't even stand to look at me."

"Arianne, didn't I tell you a while ago? You are his family," the older woman repeated as she took the little girl's hand and gave it a little squeeze, "Sometimes the eyes can't see what the heart is feeling. And the mouth often speaks the opposite. But just because you can't see it doesn't mean it isn't there."

Nakatayo ako ngayon sa harap ng mga nakasaradong pintuan habang may dalawang nakabantay sa tabi ko. Pareho itong nakasuot ng itim na hakama, ang sinusuot ng mga katiwala sa tuwing may importanteng pagtitipon na katulad nito.

Kanina ko pa pinupunas sa suot kong puting kimono ang namamawis kong mga palad. Wala kasing mapaglagyan ang takot at kaba sa dibdib ko habang hinihintay ang hudyat ng aking pagpasok. Katulad ng nabanggit ni Daiki kaninang umaga, ihahain ako mamaya sa harap ng mga Kurozawa na narito sa bansa at lilitisin. Base sa mga nangyari, may ideya na ako sa kung anong maaaring kinalabasan ng pagtitipong ito. Ipinagdarasal ko lang na sana ay mapatawad ng Grand Beta si Gene at huwag ng idamay pa.

Pansin ko ang papalit-palit na sulyap ng mga bantay sa aking kinatatayuan. Marahil narinig na ng mga ito mula sa mga kasamahan ang dahilan kung bakit ako ngayon nakatayo rito. Hindi ko na lang pinansin ang kanilang kuryusidad at itinuon na lamang iyon sa kung anong nangyayari sa likod nitong pintuan. Hinahanda ko na ang sarili sa mga magaganap.

Kahit nakasara ang malalaking pintuan, nakakatakas pa rin at naririnig namin nang kaunti ang mga palitan ng argumento ng mga tao sa loob. Kung may kaba mang nadarama ang aking mga bantay sa nangyayari ay mahusay nila itong naitago. Kaya ganoon din ang ginawa ko.

"This is unacceptable behaviour!"

Napapitlag ako at ang mga kasamang bantay nang makarinig nang malakas na hampas mula sa nakasarang bulwagan. Ilang sandali pa ay binalot naman ito ng katahimikan. Nasundan ito ng mga nagmamadaling yapak. Kasabay nito ang pagbilis ng takbo ng aking puso sa isipang dumating na ang oras para harapin ko aang lahat.

My heart rammed hard against her ribcage when the locks finally clicked and the doors then slowly opened. The lights from the inside blinded me for a while before I saw two other men dressed in their black hakamas walking towards us.

"Pinapapasok na po kayo, Lady Aya," pormal na sabi ng isa.

Mabilisan kong kinalma at inayos ang sarili bago tumango at dahan-dahang umusad. Mas nilakihan pa ng dalawang nahuli ang bukana ng pinto nang ako'y napadaan. Nakasunod naman sa aking likuran iyong dalawa pa.

Tulad ng inaasahan, isang pormal ang pagtitipon. Nakaupo ang lahat sa kani-kanilang mga puwesto na naaayon sa kanilang ranggo sa pamilya, the immediate branch being at the front. Parang nasa isang tunay na paglilitis ang ayos ng silid ngayon kung saan tatayo ako sa isang podium na nakapuwesto sa harap.

Sa aking paglalakad, nahagip nang paningin ko ang agarang pagtayo ni Gene mula sa kanyang upuan. Matinding pangangamba ang nakaguhit sa mukha nito. Kaagad naman siyang pinigilan ni Mimi at kinumbensing bumalik sa pagkakaupo na kanya namang sinunod nang hindi nawawala ang lungkot sa mukha nito. From the messy get up this morning, I could see that he had finally changed into one of his formal kimono.

Paper Stars (Self-Published)Where stories live. Discover now