"Master Kira!"

"What are you worrying for? I'm fine," sagot nito sa nakitang pag-aalala sa mga mukha ng katiwalang inalalayan siyang makababa sa sasakyan.

"Akira!" Mabilis siyang nilapitan ni Dice. Hinawakan siya sa balikat at tiningnan ang mga sugat na natamo nito sa mukha at buong katawan, "Who did this to you? Tell me?!"

"Calm down, Master Daisuke. I'm fine--"

"You disappeared for a day, then returned with bruises all over your body and you say you're fine?!" Asik nito, "Sabihin mo, sinong may gawa nito?"

"If he says he's fine then he's fine," kaswal at tila walang pakialam na sabi ni Kyo na nakatayo lang pala sa tabi nito.

"Watch your tongue, Kyo. I will not tolerate you disrespecting the beta," tugon naman ni Cute sa kanyang anak.

Lumapit din ito kay Kira at tiningnan ang mga natamong sugat. Nang subukan nitong hawakan ang kanang siko ng anak, agad na nalukot sa sakit ang mukha nito. Kaagad niya itong binitawan at napabaling sa gawi ng kapatid.

"Kailangan nating ipatingin agad--"

"What are you talking about, Chichiue? This is nothing," inangat pa nito ang kanyang kanang kamay at pinaikot-ikot, "It doesn't hurt that much or--" Agad itong napahinto at napahawak sa kanyang braso ng tila nakaramdam ng kirot.

"Ohh... that was awkward," tugon ni Kyo na natatawa pa sa sitwasyon ng kapatid.

"Kyoshiro," Dice warned him and he immediately covered his mouth with his hand.

Nang makontento, ibinaling nito ang kanyang paningin sa sugatang pamangkin, "You have a tournament coming, don't you?"

Hindi sumagot si Kira pero pansin ko ang mariing paghawak nito sa braso.

"Shikataganai," mariing tugon ni Dice, "Kyo will have to replace him for the tournament."

"What?!"

"Master."

Halos magkasabay na angal ng magkapatid.

"Wala ka ng panahon para sa paghahanda. Tulad ng sabi ng iyong ama, kailangan mong ipatingin iyang siko mo para maiwasang magkaroon ng permanenteng pinsala."

"But, Master, I've worked so hard for that tournament. I will work even harder after the doctor clears out the danger in my elbow just, please, let me participate," pagmamakaawa nito.

"Akira," tawag ng kanyang ama, "Makinig ka sa utos ng beta."

Napaawang ang bibig ni Kira sa sinabi ni Cute. Ilang sandali pa ay umayos ito sa pagkakatayo at unti-unti nitong iniyuko ang ulo.

"Wakarimashita, Daisuke-sama," mahinang tugon nito.

"Oh, wow! Look who we have here!"

Napapitlag ako at bahagyang napaatras nang bigla na lang sumulpot si Kyo sa nakabukas na pintuan ng sasakyan. Bigla akong kinabahan nang kaagad na nagsilingunan ang mga tao sa aming gawi. Napasimangot ako nang makita ang mapangahas na ngisi nito.

You're dead. Ang tanging nababasa ko sa titig nito. Walang mapaglagyan ang kaba ko nang walang pasubali ako nitong hinatak palabas.

"Sandali--" Angal ko pa sana bago ako nito binitawan.

"Nandito pala si Lady Ayana, wala man lang nakapagsabi?"

Kita ko ang agarang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ng mga tao. Cute was shocked to see me while his older brother's face slowly became red with rage.

Paper Stars (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon