Chapter 06: Glimpse

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi siya nagkomento.

"Ikaw, Prof.? Wala kang klase today?" tanong ko sa kanya.

"I'm on leave."

Napatango ako. Kaya pala lagi siyang nasa bahay. But even if that was the case, bakit hindi ko man lang siya nakikitang lumalabas? At all? Wala ba siyang friends o colleagues na nakaka-miss sa kanya?

Tss. Wala siguro. Masyado kasi siyang masungit.

Nagnakaw uli ako ng sulyap nang mapansin kong namumula ang tainga niya. Parehas sa pisngi at leeg niya. He was wearing thick sweaters, too. Is he cold or...

"Prof.? May sakit ka?" tanong ko sa kanya, kunot-noo.

"Kumain ka," dismissive na sabi niya. He was looking at his food.

"May sakit nga po kayo?" ulit ko.

Hindi siya sumagot kaya tumayo ako saglit, dumukwang, at ipinatong ang palad ko sa noo niya.

He was hot!

"May lagnat ka nga!" napalakas na sabi ko. "Nilalamig po ba kayo kaya kayo naka-sweater? Do you even have appetite? Bakit hindi mo sinabi sa'kin na may lagnat ka?" I looked in frustration at the food he prepared on the table. May pang-almusal at pangtanghalian na ro'n. "Marunong naman po akong magluto, sana ako na lang ang pinagluto n'yo."

Umiling siya. "Don't nag at me and I'll be fine."

"Hindi naman ako nagna-nag, Prof.," tutol ko.

"Sit down and eat, Natalie. This fever is nothing. I will get over it once I rest," sabi niya.

"Bawal din po ba mag-alala, Prof.?" Sumimangot ako. "May sugat lang kayo no'ng nakaraan tapos ngayon naman, lagnat."

"My wound already healed. Eat well so the food won't go to waste," sabi niya lang at hindi na 'ko pinansin.

Hindi na muna ako nangulit.

***

Itinulak ko si Prof. palabas ng kusina matapos kaming kumain. I insisted na ako na ang magliligpit ng pinagkainan namin.

Pagkatapos magligpit, I looked for him but he seemed to be in his room. Umakyat naman ako sa kuwarto ko at nagbasa ng schoolbooks ko. I needed a distraction because I constantly go back into thinking about Mary Ann. Sa labas, hindi humuhupa ang ulan. Parang nakikipagluksa.

Pagdating ng tanghalian, mag-isa lang akong kumain. Nagdikit lang si Prof. ng note sa fridge na nagsasabing kumain na siya. Gusto ko sana siyang katukin sa kuwarto niya para i-check pero baka pagalitan ako. Inisip ko na lang na since professor naman siya, alam niya kung pa'no alagaan ang sarili niya.

Pero hindi rin talaga 'ko mapakali.

Bandang hapon, naisip kong gumawa ng meryenda para kay Prof. It was a good excuse para silipin kung okay na siya o kung may kailangan siyang iba. Pero pagbaba ko, nadaanan ko siyang nagbabasa ng libro sa living room. Naka-sweater pa rin. Namumula pa rin. Hindi ko naman siya pwedeng pagalitan kasi mas masungit siya sa'kin.

Bumalik akong may bitbit na juice at suman. Inilapag ko sa kahoy na mesa sa tapat ng long couch na inuupuan niya.

"Meryenda po, Prof.," sabi ko sa kanya.

Nag-angat lang siya sandali ng tingin sa'kin pero hindi nagkomento. Sinilip ko naman 'yung libro na binabasa niya: Myths and Deities. May cracks na 'yung book cover at mukhang discolored. Mukhang luma.

Nang tutok na uli siya sa pagbabasa, dahan-dahan akong umupo sa kasangga na long couch ng inuupuan niya. I waited for a while pero parang wala siyang balak na pansinin ako. Tumikhim ako.

After Death (Hello, Death 3) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon