2

6K 203 47
                                    

Chapter 2

Nagising akong punong-puno ng muta ang mga mata ko. Nakatulog akong umiiyak na naman dahil sa pagsasara ng club namin. Ikatlong araw na mula noong sinabi sa aming hindi na pwedeng mag-operate ang club namin. Noong unang dalawang araw, bago ako matulog at saka pagkagising ko, umiiyak ako. Pero ngaIyon, para bang naubos na ang luha ko. Napalitan ito ng irrational anger ko sa student council.

Ano ba ang nagawa namin para isara nila ang club namin? Pinersonal lang ba nila kami or am I just overreacting? Ang lakas kasi ng kutob kong pinersonal nila ang pagkakasara ng club namin dahil sa pananalita ni Rea. I don't know who to trust anymore.

Bumangon ako mula sa higaan ko. I stretched my body and yawned.

"Kate, breathe in. . ."

"Breathe out."

Ayaw kong galitin ang sarili ko. Kasisimula pa lang ng araw ko, ayaw kong sirain ito kaagad.

Inayos ko ang bedsheet ko at pinagpag ito. In-arrange ko na rin ang mga unan at kumot ko bago lumabas sa kwarto.

Kaunti pa lang ang awang ng pinto ngunit naaamoy ko na ang paborito kong breafast food -- cheese ramen.

"Good morning, Kate! Kain ka na," anang Arthur. Ang neutral kong emosIyon ay napalitan ng kasiyahan -- baka temporary lang, but hey, pagkain iyon. I love food.

Lumapit ako sa lamesa na nakahaplos sa tiyan ko. Nagwawala na ang dragon sa loob!

"Ang thoughtful mo naman, Arthur," sabi ko kay Arthur. Ngumiti naman siya sa akin bilang tugon. Ito namang si Chad, tahimik lang na nakain sa tapat ko.

Aniya, "Ikatlong araw na kasing malungkot dahil sa club natin, eh."

"Hindi na masyado," turan ko. Bumaling si Arthur sa isa pang ramen na niluluto niya. "Kasalanan ba talaga natin iyon? Feeling ko kasi pinepersonal lang tayo nila Rea, eh."

"The reasons they stated for closing our club was actually logical. Walang kaduda-duda," sabat ni Chad. Kumuha siya ng baso at sinalinan iyon. "The problem with their announcement is their execution. It's very sarcastic."

Sikmat ko, "Basta galit pa rin ako sa kanila." I reached for the container of spoon and fork. Napalakas ang hila ko rito kaya natapon ang ilang kutsara't tinidor.

Napatigil ako sa pwesto ko nang maalala ko iyong babaeng nakasalamuha ko noong huling araw ng clearance. Nang matumba iyong container ng spoon and fork namin, naalala ko ang mga envelope na nalaglag mula sa loob ng locker niya. Sinabi pa niyang chineck niya raw kahapon ang locker niya at wala pa itong laman.

Hindi naman iyon nakakatakot ngunit bakit naman iyon nangyari? Is someone fooling around?

Kung sakaling ako ang gawan no'n, baka nasapok ko na iyong taong naglagay ng sandamakmak na envelope sa loob ng locker ko. Ang hirap kaya no'n ligpitin!

Inabot ko ang mga kutsara't tinidor at binalik ito sa lagayan. NgaIyon ko lang narealize na para bang nakakita ako ng multo sa reaksIyon ko.

"Gusto niyo magpuntang mall mamaya?" tanong ni Arthur.

Ngumiti ako. "Tara!"

"Bahala kayo," tipid na sagot ni Chad.

Tumitig ako sa clock na nasa gitna ng pader. Alas nuebe pa lang naman ang oras. "Gusto ninIyong umalis ng 12 pm? Lunch na rin," suhestiyon ko.

Holmes Detective Club ✔️Where stories live. Discover now