1

11.9K 333 57
                                    

Chapter 1

"Kate, pwede bang mahiram iyong papel mo sa clearance?"

Napasulyap ako kay Arthur nang hingan niya ako ng pabor. Tugon ko, "Sige lang, sandali."

Inalis ko sa pagkakasakbit sa 'king likuran ang bag ko para hanapin ang clearance paper ko. Pagkahanap ko ro'n, kaagad ko itong inabot sa kanya. Tinititigan nilang dalawa ni Chad ang papel ko. Kinumpara nila ito sa papel nilang dalawa.

"Dapat kasi bumangon kayo nang maaga," sermon ko sa kanila. Napakamot naman si Arthur sa kanyang ulo.

Aniya, "Si Chad kasi, eh."

"It's not completely my fault. Sana gumising ka na noong sinabi kong matutulog pa ako for five more minutes. Why did you copy me?" depensa ni Chad sa sarili niya.

"Ewan ko sa inIyong dalawa," sabat ko.

Lumayo ako sa dalawa at lumapit sa bintana. Nasa loob kami ngaIyon ng club room namin. Noong nakaraang taon, naisip naming tatlo na gumawa ng club sa eskwelahan naming ito -- ang Watson High. Dahil ika nga, birds of the same feather flock together, pare-pareho kaming interesado sa paglutas ng misteryo. Pangarap din naming maging detective. Kaso lang, sa loob ng isang taon, kaming tatlo lang ang naging myembro. Iilan lang ang nagpakita ng interes sa club namin ngunit option lamang kami.

Sa loob ng buong school year, kaming tatlo lang ang naging magkakasama sa club na ito. Pinangalanan namin itong Holmes Detective Club. Fan kami ng mga detective novels and comics at si Sherlock Holmes ang pinakatanyag na character kaya pangalan niya ang naging inspirasIyon sa club name namin.

Napabuntong hininga ako habang nakatanaw sa kalangitan. Actually, mayroong problema ang club namin ngaIyon. Nasa bingit ng pagkakabuwag ang club namin. Dahil nga nabanggit kong halos walang nagpakita ng interes sa club namin, hindi na nakikita ng student council ang relevance ng club na ito. In case na may sumali sa club naming kahit isa lang, they will take the decision back and the club can operate again. Kung wala, nganga. It will lead to the disbandment of this club.

Humihiling ako na magkaroon ng himala kahit na imposible. Huling araw man ng clearance, but who knows?

Napatalikod ako nang makarinig ng yabag at boses ng mga tao. Mula sa mataas na tono ng boses nila, para bang masasabing kakaibang saya ang nararamdaman nila.

"What are they doing here?" nakakunot ang noong pagtataka ni Chad. Lumapit naman kaming tatlo sa kumpulan ng mga estudyante sa tapat ng club room namin.

"Next school year, dito maa-assign ang club ninyo."

Nakakahawa pala ang pagkakakunot ng noo ni Chad.

Now standing in front of us are the President and the Vice President of the student council. Ang expressive na mukha ng President na si Christian at ang emotionless na mukha ni Rea na siyang Vice President ang pinaka-ayaw kong nakikita. Both of their presence are. . . sickening.

I can dislike them but never these group of people in front of us. Mukhang ito na nga yata ang papalit sa club namin. Anim na estudyante sila at napakatamis ng ngiti sa kanilang mga labi. Isama mo pa ang saya sa mga tinig nila.

But this is not something that I would be celebrating about.

Our club is disbanding.

"Unfortunately, the student council has decided to halt all of your club's activities by the next school year. Hindi na rin pwedeng mag-operate pa ang club ninyo dahil walang pagbabago o ganap. Sorry, Holmes Detective Club," pagpapaumanhin ni Rea sa amin. Tumango-tango si Christian na nasa tabi lang niya.

Holmes Detective Club ✔️Where stories live. Discover now