From: My Kaine

Nasaan ka? Samahan kita?

"Itigil mo yan kung ayaw mong pasabugin ko yang cellphone mo," madiin na sabi ni Gray.

Kaya dali-dali akong nagreply kay Kaine.

To: My Kaine

Okay lang ako. Sorry kailangan ko ng patayin cellphone ko.

Huminto ang kotse ni Gray sa isang park? Ano namang gagawin namin dito. Nung bumaba si Gray ay bumababa na din ako.

"Anong gagawin natin dito?" Nagtatakang saad ko sakanya.

Bigla na lang ako nitong hinapit sa bewang. "Come on. Let's eat something."

Takang-taka ako sa kanya ngayon. Ano bang ginagawa niya? Bakit siya ganto?

Inabot nito sakin ang binili niyang pagkain bago kami umupo sa isa sa mga bench sa park.

Sobrang aliwalas ng paligid. We're surrounded by green plants and different kinds of flower. May playground din para sa mga bata at mga bench.

"Ano bang trip mo?" Ani ko.

Tumingin lang 'to sakin habang kumakagat sa binili niya bago nagkibit balikat. Umakbay pa 'to sa inuupuan ko. Kahit nakakunot noo ay kumain na lang din ako. Kumain kami ng tahimik.

Nakatitig lang siya sa harap at ako naman ay nililibot ko ang paningin sa paligid. Hindi ganun karami ang tao dito sa park na 'to.

Kumuha ako ng bato sa lapag tapos binato sa maliit na lawang nandito. Kumuha ulit ako at paulit-ulit ko yun ginawa. Mukha kasing ayaw makipag-usap ni Gray. Nakaupo lang talaga siya sa upuan.

"Come on," sabay hila sa kamay ko.

Pinagsalikop niya ulit ang kamay naming dalawa habang naglalakad. Kahit anong pigil ko ay di ko talaga mapigil ang lakas ng kabog ng puso ko. Kahit gaano ako umayaw, hindi nakikinig sakin ang puso ko. Peste.

He suddenly pinned me on the car when we got there. He kissed me torridly, at first I'm shock but I also kissed him with the same ferocity.

I cupped his face and deepened the kiss. I can feel his soft lips on mine and how his tongue twirl in my mouth.

Bumitaw na siya sa halik at bigla na lang sumakay sa kotse. Nakatulala lang ako dun at kung hindi siya nagbusina ay hindi ako matatauhan.

Dali-dali akong sumakay ng kotse at agad naman niya itong pinaandar. Habang umaandar ang kotse ay nilagay niya ang isang kamay sa hita ko at bahagyang hinaplos.

Nagsitayuan ang balahibo ko dahil sa ginagawa niya. Kahit anong pilit kong wag ko 'tong pansinin ay ramdam na ramdam ko ito. Ang init ng kamay niya sa balat ko.

"Where do you wanna go?" He said while caressing my legs.

Napatingin ako sakanya na diretso lang ang tingin sa daan. "Kahit saan."

"May meeting pa ko ngayon. Gusto mo sumama?"

Tumango-tango ako sakanya. He then stop caressing my legs and I think my body just protest.  

Her DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon