Part 48 (Excuses)

3K 63 0
                                    






Abcd POV






Matapos kong magmukmok at magdrama sa CR ay lumabas na kami. Inayos ko ang sarili ko dahil mukha na akong bruha dahil sa kakaiyak ko.






"Oky ka na beshy?" Tanong ni Ayesha.







"Oo besh" sagot ko.







Ng makalabas kami ay mukhang may nagkagulo sa canteen kaya kaagad kami nagpunta dun.








Nabigla naman ako sa nakita ko. Si Nico, halos hindi ko na sya mamukhaan dahil sa dami ng dugo sa mukha nya at nagkalat ito sa uniform nya.







Inaalalayan sya ng mga lalaki para madala sa clinic. Sumunod naman kami ni Ayesha para malaman ang lagay nya.








Hindi ko maisip kung sino ang gagawa nito kay Nico Im sure wala naman syang nakakaaway. Baka naman napagtripan sya ng mga bully? Shet!







"Dapat kasi hindi ako umalis para naman kahit papano may nagawa ako" pagsisi ko sa sarili ko.








"Ano ka ba besh wala kang kasalanan magiging okay din si Nico" pagpapakalma ni Ayesha sakin.









Maya maya lang ay ginagamot na si Nico. Hindi na sya dinala sa hospital dahil may doctor naman at kompleto sa equipment ang clinic.








Half an hour ay natapos na rin ang paggamot kay Nico. Nakahiga na sya sa kama ng puntahan namin.








"Nico" tawag ni Ayesha dito.







Marami rami din ang natamong sugat ni Nico. Pumutok ang sugat nya sa bandang kanan sa may kilay. May pasa malapit sa labi nya, maliliit na sugat at medyo namamaga ang pisngi nya.










"What happened?" Tanong ko sa kanya.









"Wala to" sagot nya.










"Anong wala eh halos pumutok yang pisngi mo at puro sugat yang mukha mo sasabihin mong wala" naiinis na sabi ko dito.








"Masakit na nga pinapagalitan mo pa ko" sagot nito akala ba nya nakikipag biruan ako. Napairap na lang ako sa inasal nya.








"Sinong gumawa nyan sayo?" Si Ayesha naman ang nagtanong.








Hindi sya umimik sa tanong ni Ayesha. Sino ba nakaaway nya?









"Si Xander" nagaalangan na sagot nya.







Hindi naman ako makapaniwala sa sinagot nya. Yes Xander is the most bully here in our school pero hindi man lang ito sumagi sa isip ko na magagawa nya to kay Nico.








"What?" Tanong ko ulit sa kanya dahil baka nabingi lang ako.








"I said Xander did this to me" Pagkukumpirma nya.









"Bakit naman nya gagawin sayo yan? Sigurado ka ba? " tanong ko ulit.








"Im not lying Abcd its true Xander did this to me" sambit nya sabay tingin sa ibang direksyon.








Napatingin naman ako kay Besh Ayesha at may sinenyas sya. Napagtanto ko naman ang mga ikinilos ko. Hindi naman magsisinungaling sakin si Nico alam ko naman there is a 99% na magagawa ito ni Xander pero pinaniniwalaan ko pa rin yung 1%.








"Bakit ginawa nya to? Nagkaaway ba kayo dahil saan?" Sunod aunod na tanong ni Ayesha kay Nico.








"Ahm hindi ko alam baka mainit lang ang ulo nya kanina tapos nabangga ko sya kaya sakin nya siguro nabuhos init ng ulo" paliwanag ni Nico.







"Kahit na ganon dapat hindi pa rin nya ginawa sayo yan" sambit ko ng naiinis.







"Its okay Abcd okay na naman ako as long as nasa tabi kita" at hinawakan ulit ang mga kamay ko.







Tumingin ako kay Ayesha dahil hindi ko alam ang gagawin ko. "Little-help-here-besh-look"








"Beshy, Nico labas muna ako ha" salamat sa bestfriend ko she left me hanging.









"Ano bang nasa isip ni Xander at ginawa nya sayo yan. I know na short temper sya pero hindi ganyan kalala" sabi ko para makaiwas kay Nico. Hindi pa rin kase ako komportable kapag ginagawa nya yun.








"Can you please stop talking about him" mahinang sabi ni Nico pero bakas ang inis.








"Ahmm okay sorry." Umupo ako sa tabi ng kama nya at hindi pa rin nya binibitawan ang pagkakakapit sa kamay ko.







"Just stay here" sambit nito at mas lalong hinigpitan ang kapit sakin.







"Im not leaving babantayan kita pahinga ka muna." sagot ko sa kanya. Pinagpahinga ko na sya dahil maya maya naman ay pwede na sya umuwe sabi ng doctor.









"Promise me you will not leave?" Parang batang sambit nya. Himdi ko alam kung bakit ganito sya ngayon para syang bata na ayaw magpaiwan sa parents nya.






"Sleep" yun na lamang ang nasabi ko.

Maid Of The Soon To Be Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon